Chapter 16

4.2K 132 5
                                    

BRIELLA

"Bakit mo naman ginawa 'yun?" Inis kong tanong.

"Chill, it's been 3 years since i marry you. I don't want to keep it as a secret then they will hurt you." Mabagal ang pagkakasabi niya at kinuha ang bulak na may alcohol para ipunas sa noo kong nagkasagat pala.

"Shh, masakit ba?" Marahan ang tumango.

Tangina mahapdi.

"Kakalbuhin ko talaga sila kapag nameklat ang sugat ko." Inis na sambit ko.

"Warfreak, It's good that I came right away and saw what they did to you." Kinuha niya ang bandaid at marahang inilagay sa sugat ko.

"Salmat." Baka nga mas pag initan ako ng mga empleyado dito lalo na't nalaman nilang asawa ako ni Zaven.

"B-Bakit nga pala suot suot mo 'yang... Singsing?" Hindi korin naman kasi napapansin na suot niya pala 'yun. Ang akin naman ay hindi ko na tinatanggal dahil parang nakadikit na ito sa daliri ko.

"Why would I? simula nung kinasal ako sa iyo hindi ko na ito tinaggal.  Nakatali na ako sa iyo." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Share mo lang?" Tinabi niya ang first aid kit.

"Childish." Napailing siya.

"Pilosopo pa." Dagdag pa niya at pinunasan ang aking pisnge.

"Ang dumi mo tignan." Bumaba ang bimpo sa aking mga labi.

"Ang dry ng lips mo." Nakatitig ako sa muka niya at hindi sumagot.

"Wala kabang lipgloss or anything?" Umiling ako bilang sagot at napatango naman siya.

"Pwede mo namang gamitin ang labi ko." Nag init agad ang pisnge ko sa sagot niya.

He smirked.

"H-Huh?" Tanging lumabas sa bibig ko.

"You didn't hear it?" Lumapit siya kaya napaatras ako pero agad akong na corner dahil sa swivel chair niya ako nakaupo.

"A-Ano ba sinasabi mo ah!" Bulol na bulyaw ko pero ngumisi lang ang lalaki.

"Gusto mo basain natin 'yang labi mo?" Mas lumapit siya kaya tinabingi ko ang aking ulo pero humawak naman siya sa baba ko at hinarap ako sa kaniya.

"Kapag labi ko ang ginamit mo hindi kana gagastos para bumili ng mga lipgloss for that dry lips of yours. Ayaw mo nun makakatipid ka." Isang pulgada nalang ang layo niya.

"Za—" My words cut because of a knock.

"Sir? can i come in?" Isang boses ng lalaki. Awtomatikog lumayo si Zaven at tumingala bago huminga nang malalim.

"Come in." Sambit niya bago naglabas ng madidiin at mahinang mura.

"What do you need?" May inis sa boses ni Zaven, umayos rin ako ng pag kakaupo dahil sa tingin ng empleyado niya.

"Magsisimula na po ang meeting niyo with shareholders." Tumango si Zaven bago kunin ang coat niya. Lumabas na ang lalaki.

"Wait here, and rest." Hinalikan niya ang aking noo bago tuluyang umali sa kaniyang opisina.

Nakahinga naman ako.

Iba talaga ang epekto niya lalo na kapag ganuon ang sitwasyon. Nakakalasing.

Daig pa ni Zaven ang alak, hindi ko alam kung bakit ganuon ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya lalo na sa bawat hawak niya.

Nagdaan ang ilang oras pero hindi parin siya bumabalik siguro importante ang meeting na 'yun dahil sa katagalan nito. Bawal rin ako lumabas dahil masakit ang braso ko kaya nagpadala nalang ako ng pagkain.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now