Chapter 6

4.3K 137 29
                                    

BRIELLA

"Let's go!" Nagpahila nalang ako kila Kellie papuntang kotse na sasakyan namin.

Katatapos lang ng huling klase, kaya ito nag yayaan agad pumunta sa bar nila. Kabubukas lang at libre lahat. Inaalala konga baka hindi kami papasukin dahil sa mga uniform namin pero sabi ni Kellie ayos lang dahil siya naman ang bahala.

Sabaok mayaman.

"Angas ng Van." Komento ni Gian isa sa mga kasama namin.

Buti nalang nagkasiya kaming walo, sa sobrnag excited ng mga classmates namin mukang malulugi ang bar nila Kellie mga sabik sa walwalan. Dahil rin stress ako nung mga nakaraang araw mabuti 't parang naman maging presko ang utak ko. Isa pang inaalala ko, baka magalit si Zavenyo but..

"I don't care about you." Katagang lumilipad sa utak ko. Oo nga naman wala namang pakielam sa'kin 'yun kaya ayos lang.

Hindi tahimik ang buong byahe ang ingay nila, nasa sasakyan palang halatang mga excited na. Hindi naman din ako sanay sa mga ganito. Hindi ako nakikipag interact sa sino man maliban kay Aurelia. Nag iisa ko siyang bestfriend.

"Kanina kapa tahimik." Napalingon ako kay Aurelia.

"May iniisip lang." Mabilis kong sagot.

"We are here." Anunsyo ni Kellie kaya mas nag kaingay sila.

"Madami bang Boylet dito?" Napangisi ako sa tanong ni Xia isa sa mga classmates naming araw-araw iba iba ang lalaki.

May stocks siya palagi.

"Gaga! wala panga tayo sa loob gusto mo na mag padilig!" Singhal ni Kellie na kinatawa namin.

Nasa labas palang rinig na ang mga hiyawan, sa labas palang ng bar may mga nag si-sigarilyo, may mga naghahalikan at halos mag s*x na sa daan.

"Yung totoo bar ba 'to o hotel." Tinakpan ni Aurelia ang mata ko.

Holy water please, my precious innocent eyes!

"P-Pasok na tayo, baka maka saksi pa tayo ng disgrasya dito." Isa isa kaming pumasok. Kapansin pansin rin kasi ang uniform na suot namin buti nalang kilala nila si Kellie para papasukin kami.

"Welcome Ma'am Kellie!" May lumapit agad na babae sa amin. Parang ilalabas na ang kaluluwa dahil sa suot. May lalaki pang nakahawak sa bewang niya.

"Hi Ate Chels! meet my friends. We're here to drink." Kumaway ang babae sa amin kaya kumaway kami pabalik.

"Aba s'yempre naman pwedeng pwede, may vacant sit pa. By the way it's nice to meet y'all. I'm Chels one of the dancers here." Ah kaya pala ganub ang suot niya. Hindi na kami nakasagot pabalik dahil hinila na siya ng lalaki palabas.

Halatang excited gumawa ng delubyo.

Naka-kapit lang sa braso ko si Aurelia, hindi naman kami sanay sa mga ganito.

May umalalay na waiter sa amin papunta sa vacant sit na may mga alak na. Gusto ko masuka sa amoy ng paligid, oo umiinom ako pero hindi ako sanay sa mga ganitong lugar. Naghahalo ang amoy ng alak, sigarilyo at kumpulan ng mga tao.

Nung umupo na kami, kanya-kaniyang kuha agad ng alak. May mga chips ring pangpulutan ang ingay ng tugtugan pero muka namang mag eenjoy nga kami. Sabi ni Kellie wala pang one week ang new branch ng bar nila at talaga dinarayo na.

"CHEERS!" Sabay sabay naming sambit bago ininom ang beer. Gumuhit agad ang alcohol sa lalamuna ko.

Ang sarap.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now