Chapter 25

3.9K 104 2
                                    

BRIELLA

"Pababa na po!" Inaayos ko lang ang mga gamit ko dito sa kuwarto dahil naisipan kong linisin. Nagpatulong rin ako kay Manilyn at mag tatanghalian na kaya tinatawag na kami ni Manang para kumain.

"Ayos na 'to, salamat Manilyn," ngumiti ito sa akin at sabay na kaming lumabas.

Nasa company na niya si Zaven at uuwi ito para sa gaganaping party mamaya. May dumating ngang delivery para sa 'kin at tiyak akong ito ang gagamitin kong dress mamaya na si Zaven mismo ang pumili.

Mabilis ang naging takbo ng oras, may afternoon class ako at mabilis lang din itong natapos.

"Hi Mrs. Monzario." Pag kauwi ko ang bumungad sa akin ay si Devitt na nakaupo sa sofa habang nakataas pa ang paa.

"Oh naparito ka?" Sa mga nagdaang araw naging mag-kaibigan rin kami ni  Devitt. Maayos naman siyang kasama, may pag kabaliw nga lang minsan.

"Charan!" May inabot siyang paper bag sa akin.

"Ano 'to?"

"Buksan mo nalang," kinuha ko ang laman nito at tumambad sa akin ang box ng chocolates.

"Wow, suhol?" Napangisi ako habang tinitignan ang mga chocolate.

"Oo, gumagana ba?"

"Hindi, ito na 'yun? Pagtapos mong kunin ang isang plastic kong gummy worms!" Nung isang linggo may gummy worms ako at kinakain ko 'yun habang nasa kompanya ako ni Zaven tapos nalingat lang ako saglit inubos ng lalaking 'to!

"Sorry nanga, grabe ka naman." Tumango nalang ako at may pinalit naman siyang chocolate ayos na ito.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano ni Devitt bago niya napag-desisyonang umuwi. Pupunta rin daw siya sa party mamaya na pupuntahan rin namin ni Zaven mamaya.

Nasa kuwarto ako nandito rin si Manilyn dahil siya ang tutulong sa akin sa pagbibihis at pagaayos wala nga akong masyadong alam dito e.

Napili namin ang red V-neck dress na may hiwa sa kanang hita, at pinarisan ng hindi kataasang heels, si Manilyn sa aking buhok habang ako ay sa make-up hindi makapal at hindi rin manipis, sakto lang.

Tumawag narin si Manang at naghihintay na sa ibaba si Zaven, kinakabahan ako hindi naman ako sanay sa mga ganito at dalawang beses palang akong nakakadalo sa mga ganitong okasyon.

"Ang ganda ganda mo, Ella." Ngumiti naman ako sa sinabi ni Manilyn at nagpasalamat rin.

Nasa dulo ng hagdan si Zaven he's wearing a black tuxedo simple lang din ang ayos niya pero nakaka-attrack. Parang nakakahiya naman kung ako ang kasama niya.

Nang tuluyan akong makababa. Lumawak agad ang ngiti niya bago hapitin ang aking baywang.

"Can we just stay here? On our room all night? Darn you're so beautiful, wife." Pasimple kong hinampas ang kaniyang braso.

"Kailangan nating umattend duon," hindi namang pwedeng mawala sa party na 'yon si Zaven dahil isa siya sa mga bigating CEO.

"Basta saglit lang tayo para masolo agad kita." Malambing na saad niya bago halikan ang labi ko. Dampi lang 'yun pero ilang boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan.

"Let's go? Mister ko." He look shocked.

"You call m-me what?"

"Mister ko. . ."

"Ang sarap sa tenga, Misis ko." Muli niyang hinalikan ang labi ko.

"I love you, Mister ko."

I can't imagine loosing him, I can't imagine my days and nights without him by my side. I want him so bad, I'm maybe selfish. . . But he's my first love at ayaw kong mawala pa siya, ayaw kong may umagaw sa kaniya, hindi ko kaya.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now