BRIELLA
Nagising akong wala sa aking tabi si Zaven at mukang madaling araw palang.
Sinuot ko muna ang aking damit bago hinanap ang aking tsinelas, nakarinig ako ng mga boses sa CR at mukang kay Zaven 'yun pero parang may kaaway.
Hindi ko masyadong marinig hanggang sa lumabas siya at mukang nagulat pa nung nakita ako.
"Hey, matulog ka pa. Did I wake you up?" Lumapit agad siya at hinalikan ang pisnge ko.
"Hindi, naalimpungatan ako. Ayos ka lang? Parang may kaaway ka."
"N-Nothing, trabaho lang," kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Ganitong oras may tatawag dahil sa trabaho?
"Let's go, baby. Let's sleep pa." Malambing na sambit niya kaya sumunod nalang ako.
Dahil sa kapaguran at hindi rin kompleto ang tulog ko, tuluyan na akong inantok at nakatulog muli habang nakayakap sa akin si Zaven.
Wala na akong naabutang Zaven pag gising ko, sabi nila Manang maagang umalis may aasikasuhin raw sa kompanya. Mag-isa tuloy akong kumain, kailangan ko narin pumasok ngayon at mukang madami akong kailangang bawiing grades. Malapit na isang buwan nalang graduate na ako.
"Text nalang kita, Kuya." Nagpaalam na ako kay Kuya Brent, nnadito na ako sa university. Hindi naman ganun ka puno ang schedule ng klase ko pero gagaw parin ako ng ilang kulang ko for one week.
"Tss, Aurelia. Akala ko kinain ka na ng lupa." Ngumisi ito sa 'kin, ilang linggo kaming hindi nagkita at madami akong gustong itanong sa babaeng 'to.
"Akala ko nasa impyerno kana." Mapang-asar na wika niya.
"So, who's the lucky man?" Agad na nagsalubong ang kilay niya.
"Huh? Sino?"
"Iyung lalaking sumundo sa 'yo sa bar, 'yung CEO sabi nila Kellie." Agad na lumaki ang mata niya at nag-iwas ng tingin.
"W-Wala. . ."
Napailing ako. "Wala pero may chikinini ka sa leeg ngayon."
Mas lumaki ang mata niya bago takpan ang leeg gamit ang kaniyang buhok. "Kagat 'yan ng lamok." Mahinang sambit niya.
"Mukang gwapo ang lamok na kumagat sa 'yo teh." Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa nalang ako.
Lumipas ang ilang oras at uwian na namin it's almot six-thirty at wala pang Kuya Brent na dumarating.
Mga thirty minutes narin akong naghihintay.
"Naku pasensya na, Ella. Natagalan ako traffic kasi." Ngumiti lamang ako sa kaniya.
"Ayos lang, Kuya Brent." Tama nga si Kuya dahil traffic talaga may nangyari rin daw na aksidente sa may high way kaya ganito kabagala ang usad ng sasakyan. Naka isang oras at mahigit kami sa biyahe bago nakarating sa bahay.
Naabutan ko si Zaven na nakaupo sa lamesa habang may nakahain na mukang kanina pa nag hihintay. Huminto ako sa harapan niya.
"You're late, Briella Atarah." He kissed my forehead.
"Traffic kasi, ano gusto mong gawin ko lumipad?"
He chuckled.
I glared.
"I miss you," agad na pumulupot ang kaniyang braso sa aking baywang.
"Let's eat na, wife." Tumango ako sa kaniya at nagumpisa na kaming kumain, napuno ng kwentuhan ang hapag dahil sa pagtatanong niya ng kung ano ano.
Matapos maghapunan. Kayaga ng aking nakagawian nag halfbath muna ako habang nag paalam sa akin si Zaven, may kukunin lang daw siya sa kaniyang kuwarto bago pumunta dito sa kuwarto ko.
Nagsusuklay ako nang may biglang tumunog na cellphone, kay Zaven 'yun. Nakapatong ito sa lamesa ko. Text?
Hey babe! I miss you.
When will we meet are you still together with your wife? so you haven't called me yet? Okay I understand, I love you.Azda?
Parang may kung anong masakit na tumama sa aking puso habang binabasa ang mensahe, hindi ko maintindihan! Bakit may paganun? Anong magkikita? Tapos may pa I love you pa.
Naibaba ko biglq ang phone dahil sa pagbukas ng pinto. "Wife, we have invitation."
Agad akong huminga nang malalim bago humarap sa kaniya na parang walang nangyari.
"S-Saan? Ano?" Piniga piga ko ang aking kamay para mapigilang manginig.
Hindi magagawa ni Zaven 'yun, mahal niya ako hindi niya ako lolokohin.
"Tomorrow evening, at BGC. We have party with others famous CEO in this country." Ani niya at tumango naman ako.
"Kailangan kasama ako?" Pumunta na ako sa kama bago sumandal sa headboard.
"You're my wife, you need to go with me," sumandal rin siya katulad ko bago ko sinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
"I have something to give you, hmm ibabalik ko lang sa 'yo 'to." Kumunot ang noo ko.
"May hiniram ka ba sa 'kin? Hindi ko maalala." Wala naman akong natatandaang may pinahiram ako sa kaniya. May nilabas siyang isang red box mula sa kaniyang bulsa.
"I have story, baby." Humarap ako sa kaniya he hold my hand. "I was eight years old that time when I meet a girl, nakilala ko siya sa isang perya. Iniwan ako ni Kuya sa isang bench. I hate to go there at first because of peoples there. But suddenly a girl give me a cotton candy before sitting besides me. She's so cute with those red dress and I think she's just three years old that time. Siguro napansin niyang mag-isa ako kumain kami pareho ng cotton candy. Then she gave me this earrings. Sabi ko nuon I need to find her, she told me that this earrings is from her parents at sobrang halaga nito sa kaniya. She told me to look at this earrings when I'm sad or lonely. Then if I have time to meet her again I need to give it back to her. And I think this is the right time."
H-He?
"I-Ikaw 'yung b-bata sa perya?" Hindi na malinaw sa mga alala ko dahil bata pa ako nun pero tanda ko parin ang ilang detalye.
Tumango siya. "You're the first girl I met that time, you're my first friend."
"P-Paano? Paano mo nalamang ako 'yun?" Mas lumapit siya sa akin bago sinuot ang hikaw sa aking tainga.
"Last year, I saw a pic. Nakita ko 'yung litrato sa kuwarto mo. 'Yung dress na suot mo nung araw na nagkilala kita and of course your face. Sinigurado kong matatandaan ko ang muka ng batang babaeng 'yun. I been looking for her a long time ago. And I'm surprised that it's you. . . My Wife." Tumulo ang luha ko at mahigpit siyang niyakap.
"I love you, Zaven."
"And I love you more, Briella."
"Please don't leave me, Briella Atarah. Ikaw nalang ang meron ako. Ayaw kong pati ikaw mawala pa." Sunod sunod akong umiling.
"Wala narinig natitira sa akin, Zaven. I can't leave you. You're my first love, you're my husband, you're my best friend so why would I leave a Man like you?" Hinawakan niya ang dalawa kong pisnge bago ako halikan sa noo, ilong, pisnge at labi.
"I'm so luck to have you, Briella."
YOU ARE READING
CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓
RomanceCEO's series #2 Arrange Marriage? Her parents were buried in debt before they died, and the pay was her own self. Is there any hope that two people who do not know the meaning of love can still reconcile? A college students unexpectedly marry a C...