Chapter 31

3.5K 85 2
                                    

BRIELLA

Sarcastic akong natawa. "You must be kidding me."

"I'm sorry, Briella. I'm the reason why got into accident. Hindi ko sinasadya." Sambit pa niya.

Pero wala talagang pumapasok sa isip ko hindi pa maproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya. Siya ang nakabangga sa akin nung gabing nangyari ang aksidente? Hindi ako makapaniwala.

"H-Hindi ko a-alam kung ano na ang paniniwalaan ko, Devitt. First you told me my real name, Second about my past life, and now you telling me that you're the one who hit me that night? Ano pa? May hindi ka pa ba sinasabi? Sagarin mo na para isang sakitan nalang. Mas nagugulo lang ang isip ko."

Malabo, sobrang labo. Sumasakit na ang ulo ko. Dati gustong gusto ko malaman kung sino ako mga bagay na tungkol sa akin dahil nga nawalan ako ng alaala. Sabi ng Doctor temporary amnesia pero tiniis ko ito ng ilang taon. Pero ngayong unti-unti kong nalalaman kung sino ako masakit pala. Hindi ko alam kung ano talaga ang totoo.

"I-I didn't know what really h-happen that night," pabulong na sambit niya.

I sighed.

"Tumatakbo ka nun tapos. . . Nawalan ng preno ang sasakyan ko. Nabangga kita hindi ko sinasadya. H-Hindi ko alam na ganuon ang mangyayari, Briella."

"Devitt, akala ko ba wala ka nang alam? Tapos ngayon ganito? Hanggang kailan ka magtatago sa 'kin? Gusto ko lang naman humanap ng sagot." Sambit ko pa.

Hindi naman siguro mahirap sagutin 'yung mga katanungan ko ilang beses ko siyang tinanong. Kaya pala iwas na iwas siya kapag ganuon na ang topic. Pero ni makaramdam ng galit hindi ko magawa dahil sa totoo lang wala akong karapatang mag reklamo.

Si Devitt, yung tumulong sa akin simula umpisa kaya hindi korin siya masisi. Hindi ako makaramdam ng kahit na anong sama ng loob.

"After that accident I promise to myself that I'll help you with everything you need. I'm so sorry I'm the reason why you can't remember anything from your past. It's my fault. Wala ako sa lugar para sabihin ang lahat lahat dahil alam kong masasaktan ka ulit. You and your child is like my family. Hindi ko hahayaang masaktan kayo kaya ko ito ginawa. I'm sorry." Pahina nang pahina ang boses niya.

"Hindi naman ako galit. Malaki ang pasasalamat ko sa 'yo, Devitt. Kaya pala ganuon nalang ang pagtulong mo sa akin sa amin. Wala akong nararamdamang galit o sama ng loob. Medyo nakakatampo dahil lagi kang nag-sisikreto sa akin." Sambit ko.

"I just want you to be safe, kita ko ang sakit sa mga mata mo nung gabing 'yun. You're my friend and seeing you in pain is damn shit,"

Muli akong tumingala para pagmasdan ang kalangitan. Hirap pala balikan nang nakaraan. Nakakadurog ng puso pero may parte sa akin na nagpapasalamat dahil kahit papaano nakikilala ko na kung sino ako.

"Briella, if that time will came. If you can remember everything promise me don't get angry at him. Forgive him. You're kind and I know you can do it." Kumunot ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Who?" Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Someone you know."

Pagtapos ng mahinahon naming paguusap bumalik na agad kami sa hotel para magpahinga.

Kanina pa ako nagpapaikot-ikot sa kama pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Iniiwasan ko rin gumalaw nang gumalaw baka magising ang mga Anak ko medyo malaki ang kama at baka mamaya mahulog pa sila.

Umiikot sa aking isipan ang mga sinabi ni Devitt. Sumakit rin ang ulo ko kaya agad ko itong inagapan ng aking gamot mukang nakakatulong naman ang gamot sa akin dahil may parte na parang unti-unti kong naalala ang aking nakaraan.

Two thirty a.m. dilat na dilat pa ako. Sinubukan kong magbilang ng mga tupa pero walang epekto.

Kaya tumayo ako para uminom ng sleeping pills I have insomnia and because of stress I really can't sleep. Sana makatulong ang sleeping pills.

May tubig sa maliit na table dito sa kuwarto. Agad kong ininom ang gamot. Hininaan ko narin ang arcon dahil malamig naman na baka sipunin ang dalawa. Bumalik narin ako sa kama at nakaramdam na ng antok.

Nagising ako at wala na sa 'king tabi ang dalawa kong Anak siguradong nasa labas na ito dahil alas-syete na ng umaga kulang parin ang tulog ko. Pumasok muna ako sa CR para maligo at mag-ayos.

Paglabas ko ng kuwarto sobrang tahimik baka nasa labas na sila. Dumiretso ako sa ref para uminom ng tubig may napansin akong nakadikit na sticky notes.

We're going to a resto to have a breakfast, if you wake up just go here.

Nakasulat sa sticky notes.

Naka red fitted dress ako at messy bund dahil sa mainit ay naiirita ako sa aking buhok. Madaming nagsasabing muka akong walang Anak, maputi ako, maganda ang pangangatawan kaya lagi nila iyong sinasabi.

May sumama sa aking staff at tinuro ang pinuntahan nila Devitt. Nakita ko naman agad silang lima na masayang kumakain. Bumati lang ako at sumabay narin sa pagkain nila.

Pagtapos kumain sumama kasi sa ibang turista para tour, ganuon ang naging cycle ng dalawang araw namin dito. Kakain, mamasyal, lalangoy sa dagat. At masasabi kong sobrang sarap sa pakiramdam makasama sila lalo na ang mga Anak ko. Mas masaya nga tumira sa ganitong lugar dahil sa sobrang tahimik at mawawala ang mga problema mo.

"Mom, are we going home na po? Can we stay here for another days?" Nakangusong sambit ni Anarie.

Nasa kuwarto kami, inaayos na ang mga gamit dahil ngayon kami aalis. Gusto korin mag stay pero may trabaho pa ako hindi pwedeng pabayaan ang shop wala panga itong isang linggong nagbubukas.

"Anarie, Mom told us that she have works. I
Understand it. And besides we can go back here next time if Mom is not busy." Sambit ni Adian at napatango naman ako dito.

Kapag siya talaga ang nagsalita wala kaming laban. Parang hindi pang five years old ang utak ng batang ito.

"Okay. . ." Pagsuko ni Anarie at tinulungan nalang ako mag-ayos.

"Let's go."

Alam kong busy rin si Devitt kaya kailangan na talaga naming umuwi, mabuti nalang at sumama siya dito para kahit papaano makapag-relex naman ito. Muka rin siyang stress at kahit hindi niya sabihin mukang may problema rin ito.

Medyo na-traffic kami pagdating sa highway sanay na ako sa ganitong eksena lalo na't walang katapusan ang traffic may mga aksidente tuloy na nangyari. Ang dalawang oras na biyahe inabot nang halos tatlo at kalahati.

"Uuwi kana?" Tanong ko. Nasa loob na sila at kami nalang ni Devitt ang nandito.

"Yeah, They need me there." Sagot nito.

"Mag-iingat ka," kinuha ko na ang aking bag mula sa kaniyang kotse.

"Wait, Briella." Pumasok siya sa kaniyang sasakyan at parang may kinuha.

Briella. . . Madalas na niya iyang tinatawag sa akin.

Bumaba ito at may inabot sa aking papel, business card ata dahil may company na nakalagay at number.

"Para sa'n?" Takang tanong ko.

"I think, he can help you remember everything."

"Paano?" Tanong ko ulit.

"He's important to you, hindi ako sigurado pero subukan mo. Hindi ako ang pwedeng magsabi ng lahat lahat. I know he's been looking for you." Sambit pa nito.

"I'll try," simpleng sagot ko.

"Mauna na ako, take care." Tumango ako at nagpaalam dito.

Hawak hawak ko ang card hanggang sa pagpasok sa bahay. Binaba ko ang sling bag ko sa sofa at muling tinignan ang card.

"Monzario Wine Industry."

Basa ko sa nakalagay dito, familiar.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now