Chapter 19

4K 105 3
                                    

BRIELLA

"Duon naman tayo!" Ang bagal niya kasi maglakad mukang pagong na pagod.

Naglilibot na kasi kami sa beach at sobrang nag eenjoy ako habang 'yung kasama ko parang lantang gulay na ewan. Malapit narin mag gabi dahil mamaya lang ay lulubog na ang araw.

"Can you please wait for me," sagot niya sa 'kin, siya ang may bitbit ng aking tsinelas kasi nasa dalampasigan ako at nilalaro ang tubig.

"You like sunset right?" Nasa tabi ko na siya at sumabay sa akin sa paglusong sa dagat.

"Oum, maganda 'yun sobra." I like sunset and moon. They're so beautiful.

"Let's watch the sunset together." Mahinag niyang sambit.

"Talaga? Sasamahan mo 'ko?" Mga limang beses ko palang napapanood ang paglubog ng araw, pero ngayon mukang exciting dahil kasama ko si Zaven.

I don't know know, hindi ko na kayang ipaliwanag ang mga nararamdaman ko para sa kaniya. When he say those words earlier my heart skip. And I can't explain what is it..

Sa pinakikita niya parang unti unti na kaming lumalapit sa isa't isa. I know It's not just a simple communication with him but it's better than what we started.

"Yeah, i want to watch it with...y-you." Humina ang kaniyang boses pero ayos na para marinig ko. Agad akong nakaramdam ng kakaiba na parang matutunaw ang aking binti at nahihirapan na akong bumalanse.

"O-Okay.." Tanginang sagot na lumabas sa bibig ko.

"Let's go Briella," hinila niya ang kamay ko at may pinuntahan kaming duyan at tanaw mo ang kabuuan ng dagat kaya kitang kita dito ang paglubog ng araw.

Tinatangay ang aking buhok dahil sa lakas ng hangin at humaharang ito sa aking muka. "Lemme put it in your head," iniharap niya ako sa kaniya at marahan niyang nilagay ang kaniyang sumbrero sa akin.

"Ikaw? Ayos lang ako." Tatanggalin ko na sana pero agad siyang umiling at inayos ito sa aking ulo.

"I'm fine." May ilang strands ng aking buhok ang naiwan kaya inipit niya ito sa aking tainga at ilang bultahe na naman ng kuryente ang dumaloy sa aking muka dahil sa pagdikit ng kaniyang daliri sa aking tainga.

"Why did you like the sunset?" Para maiwasan ang mabigat na presensya itunuon ko ang aking pansin sa tanawin at bigla siyang nagtanong.

"It's beautiful." Ewan wala naman akong maipaliwanag kung bakit gustong gusto ko ang sunset.

"But it's significant goodbyes." Mabilis niyang sagot at umiling naman ako.

"Pwes ba lumubog ang araw katapusan na? Maybe the sunset is a symbol of goodbyes but there's a sunrise right? Sunrise is a symbol of new start. Hindi naman p'wes natapos ang isang bagay hindi na pwedeng simulan ulit ng mas maayos at maganda," nilanghap ko ang sariwang hangin at bahagyang ginalaw ang duyan. "Endings can be beautiful too." Dagdag ko pa.

"Minsan may sense ka pala kausap." Paninira niya sa katahimikan kaya agad akong ngumuso.

At tumingin sa kaniya. "Oo prangka ako at may pagka-pilosopo pero matalino naman ako!" Depensa ko at nagtama ang tingin naming dalawa.

"Let's go mag-gagabi na." Nauna siyang tumayo at nilahad ang kamay niya para alalayan ako.

"Ano gusto mo? Ako magluluto?" Kararating lang namin sa aming room at nasa kusina ako para magluto ng hapunan.

"Adobo please." Nakatutok kasi siya sa laptop niya at mukang may importanteng ginagawa. Hanggang dito ba naman trabaho!

Inihanda ko ang mga sangkap at nagsimula na dahil hindi naman mahirap lutuin ang adobo maaga akong natapos. Buti at mag aalas-syete palang saktong sakto sa hapunan.

"Kakain na!" Sigaw ko habang inihahanda ang mga plato at ulam.

"Looks good." Komento nito kaya napangiti ako.

Nagsimula kami kumain at tahimik lang pero nakakadalawang balik na sa kanin si Zaven at nakakailang ulam narin.

"Dahan dahan walang aagaw." Saway ko sa kaniya.

"I-It's taste so good." May laman pa ang bibig niya. Napangisi ako at bahagyang natawa.

Matapos kumain siya na ang nagprisinta maghugas dahil ako naman daw ang nagluto. Sanay pala siya kala ko señorito lang 'to.

"Maliligo muna ako." Paalama ko sa kaniya, tango lang ang sinagot niya at bumalik sa paghuhugas ng mga plato.

Half bath lang ang gagawin ko dahil gabi narin baka samaan ako ng katawan. Nasa loob ng kwarto ang bathroom at meron rin sa labas malapit sa kusina.

"Zaven tapos kana ba mag hugas?" nagpupunas ako ng buhok at lumabas mula sa kuwarto at nagtungo sa kusina pero wala na si Zaven duon. Naaninag ko agad siya sa sala kaya agad akong nagtungo ruon.

"Zaven, ano ginagawa mo d'yan?" Humina ang boses ko dahil hawak niya ang cellphone ko at masamang nakatingin dito.

Bahagya pa akong lumapit at naglakas loob mag salita. "B-Bakit mo hawak ang c-cellphone ko?" At tinignan ako ng walang ano mang reaksyon.

"Z-Zaven bakit—" Naputol ang sasabihin ko dahil malakas niyang binalibag ang aking cellphone sa pader at nagkalagas-lagas ito.

"B-Bakit?" Mahina kong tanong dahil iba talaga ang awra niya. Nag igting ang panga niya bago ako hawakan sa palapulsuhan at hilahin papasok sa kwarto. Madiin ang pagkakahawak niya. "Zaven...n-nasasaktan ako." Nag-iinit na ang gilid ng aking mata.

Galit niya akong tinulak sa kama, kitang kita ko ang pagkapula ng aking palapulsuhan dahil sa pagkakahawak niya.

"Who's that guy Briella hah?! Ano mas mayaman ba siya sa 'kin? Ano? Gaano na kalaki ang nabigay niya sa 'yo?!" Sigaw niya sa mismong muka ko kaya mas lalo akong nangatog sa takot.

"You're not just a gold digger! You're also a cheater!" Sigaw niya ulit na mas nag init ang aking mga mata kaya hindi ko inaasahang sampalin siya.

"H-How dare you!" Galit na sigaw ko dito. Cheating? Ni halos wala nga akong kaibigang lalaki paano ako mag che-cheat? We don't even how label.

Akala ko nagbago na ang pakikitungo niya sa 'kin, akala ko lang pala. How dare he?! My heart suddenly skip a beat because of my tears.

"Answer my fucking question! Who's the asshole? Ano siya na ang sunod mong target? Pagtapos mo mag-pakasawa sa aking pera, isusunod mo naman siya?" Hindi ko maiangat ang aking ulo para sabayan ang mga titig niya sa 'kin, kasabay ng tahimik kong pag-iyak ang malalalim niyang paghinga.

May narinig akong pagbukas ng cabinet at parang may kinuha duon.

"Look at you, a gold digger and a low class woman." Mas sumikip ang aking dibdib. He threw money right in my face.

"You're mine Briella. Mine alone." Inangat niya ang aking muka at marahas itong binitawan.

Naglaglagan ang ilang libo sa sahig at kama meron rin sa aking hita. Atsaka siya lumabas sa aming kuwarto at narinig ko ang pagsara ng pintuan.

Duon na tuluyang lumabas ang mga luha ko at malalakas na hikbi. Bumaba ako sa kama at sinuksok ang aking sarili sa malamig na pader kasabay ng aking pagyakap sa dalawa kong tuhod at malalakas na iyak.

"I hate so...m-much." Mahinang bulong ko. I hate Zaven that much. Sobrang sakit na ng bawat pag-trato niya sa akin. Ang bawat masasakit n salitang binibitaw niya at wala akong magawa kung hindi tanggapin ito, lunukin ito.

But I don't get my heart... Tangina gulong gulo na ako. Hindi naman dapat ganito.

I hate him, but my heart telling me something.

I already love him.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now