Chapter 4

4.6K 139 46
                                    

BRIELLA

"Good morning!" Masaya ang gising ko, walang sama ng loob.

"Oh mukang maayos ang tulog mo ija, ngiting ngiti ka." Si Manang ang una kong nakita, naghahanda ng almusal.

"Of course Manang, walang sama ng loob." I don't know but I'm really happy this day.

"Nasaan po ang demonyo?" Pinaupo na ako ni Manang at inihanda ang kakainin ko.

"Umalis na kanina pang umaga si Zaven, para daw sa vacation nila." Kumunot ang noo ko.

"The h*ck?!" It's means ito ang first day ko sa company niya.

"Oh anong muka 'yan? parang papatay ka ng tao." Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsara.

"May sinabi po ba nag lalaking 'yun bago siya umalis?" Kalmadong tanong ko.

"Meron naman." Sagot agad ni Manang.

"Ano po 'yun?" Tanong ko.

"May iniwan daw siya para sayo sa kwarto niya, at pumunta ka daw sa company bilang secretary." Alam ko na 'yung pangalawa pero yung may iniwan siya para sa akin?

"Binabawi ko na Manang, ang almusal ko ay sama ng loob." Tumayo ako para pumunta sa kwarto niya.

"May pasok na ako bukas tapos magiging secretary pa niya 'ko? may mga projects pa akong tatapusin ah!" Singhal ko patungo sa kwarto niya.

Pagbukas ko sumalubong sa akin ang amoy niya, ang amoy na kaparehong nung nasa company niya.

Black, gray, white ang theme. Nakakahiya ang linis ng kwarto niya parang sa aming dalawa mas babae pa siya. Parang nakakatakot apakan ng makinis na sahig.

"Ang bango." Mahina kong sambit.

May nahiga na kaya siya sa kamang 'yun?

Ay jusko, umayos ka Ella. Ang dumi ng isip mo.

Lumakad lakad pa ako, malaki ang kwarto niya parang pwede na ang isang pamilya dito.

Nakarating ako sa table niya, color gray ito at dito nakapatong ang laptop niya. May sticky notes kaya naalala ko 'yung nangyari kagabi. Siya ang gumawa ng power point ko.

Wife.

It's already done, just send it to your prof. And goodluck as my secretary.

Your husband.

Halos manlaki ang mata ko sa sulat na 'yun. Wife and husband? jusko lord wag marupok po ako.

"Perang tenge nemen Zaven, pafall ka." Hinarap ko ang laptop niya. Pagbukas ko may password na lumitaw. Huhu pahihirapan pa 'ko anong gagawin ko dito may password.

Tinignan ko ang sticky notes kung may nasulat pa siyang iba. Pero wala na.

T*nga t*nga talaga 'yun.

Tumitig lang ako sa laptop niya at pilit inaalam ang password nito, hindi ko naman alam ang birthday niya hehe. In short wala akong alam tungkol sa kaniya.

Nag vibrate bigla ang phone ko. May tumatawag pero number lang.

"Hello? kung ikaw ay scammer tigilan mo 'ko. Isusumbong kita sa asawa kong demonyo." Nakakatakot naman kasi hindi ko naman pinamimigay ang number ko tapos biglang may tatawag.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now