Chapter 5

4.4K 139 36
                                    

BRIELLA

"How are you? as his wife?" Pagbabasag niya sa katahimikan.

"Puro sama ng loob, magmaneho ka nalang." Mabilis kong sagot na kinatawa niya.

"You're so funny, hindi ko akalain na mag-aasawa si Zaven ng katulad mo." Umirap ako.

"Maganda kasi ako, 'yun lang ambag ko sa mundo." Pagod ang buong katawan ko sa pag ta-trabaho gusto ko na matulog. Ni hindi panga ako kumakain e'.

"Dito nalang salamat." Hindi ko na hinintay ma pumasok sa subdivision ang sasakyan niya at tinggal ko na ang aking seatbelt.

"Hey, pwede naman kitang ihatid hanggang sa loob." Feeling close ang lalaking 'to.

"May paa naman ako, kaya kong maglakad." Pagkababa ko agad siyang sumunod.

"I insist, Ms. Monzario." Ayaw kong tinatawag gamit ang surname ni Zavenyo.

"Salamat sa paghatid Sir, Devitt." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pinakita ko ang aking ID sa bodyguard bago ako pumasok. Tiyak na hindi na siya makakasunod wala naman siyang ID.

Kahit na madilim na ang daanan at ngawit na ngawit na 'ko sa heels na 'to, kumakalam narin ang sikmura ko. Masaya naman mag trabaho sa company na 'yun kasi mababawasan narin ang mga utang ng mga magulang ko sa pamilya ni Zaven. Pero nakakapagod tapos bukas may pasok pa.

"Tired?" Napahawak ako sa aking puso at huminga ng malalim.

"Adik kaba?! anong trip mo at nakatayo ka d'yan tapos mang gugulat kapa!" Singhal ko kay Zavenyo, pagtapos niya humarap sa'kin tinapon niya ang sigarilyo.

"Waiting for my secretary." Bored na sagot niya.

Sa inis ko padabog kong inabot ang portfolio kung nasaan ang mga bagay na napag usapan sa meeting at ang ilang papeles na kailangan ng pirma niya.

"Ayan na po SIR!" Napangisi naman siya na mas kinainis ko.

"Wow, you did a great job." Sarap bangasin ng pagmumuka nito.

"Tumabi ka, nagugutom na 'ko." Kala mo siya ang may ari ng daanan.

"At bakit ka nandito? diba may vacation kuno pa kayo?" Pagod na 'ko sobra, tapos ito pa ang sasalubong sa'kin.

"It's just one day, not one week." Napanganga ako at nauna na siyang lumakad sa'kin.

"ARGH!!!" Inis akong nagpapadyak, nakakairitang lalaki 'yan napaka sinungaling pa!

May araw karin sa'kin, sarap mong ilibing ng buhay.

Pagpasok ko ng bahay, hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa aking kwarto. Pagod na pagod ang buong katawan ko. Tapos dinatnan ko ang mga kalat sa bawat sulok ng kwarto ko. Nagpapadyak ako sa inis at pagod na nilapag ang bag ko sa upuan.

May pasok nanga bukas wala pa 'kong assignment at projects. Kokopya nalang ako kay Aurelia. Hindi korin naman alam kung makakapasa ako. Malapit na ang exam.

Hindi ko na mahubad ang mga suot ko, lalo na 'tong heels nakakairita. Kasalanan 'to lahat ni Zavenyo.

Huminga ako ng malalim at pumikit.

"I thought you were hungry? there is still food in the kitchen, eat first." Mas diniinan ko ang pagpikit.

"Wag kangang magulo, matutulog na 'ko." Inaatok kong sambit.

"You are really tired." Narinig ko pang sambit niya.

"Oo kasalanan mo 'to, kaya please lang pag pahingahin mo na 'ko."

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now