Chapter 17

4.1K 115 3
                                    

BRIELLA

"Pwede bang 5 minutes nalang!" Tinatamad pa ako bumangon, halos hindi ako nakatulog kagabi dahil kay Zaven! 'yung mga sinabi niya ang nagpagulo sa aking isipan.

"Wake up! or maiiwan ka." Hindi ko siya pinansin at tinaklob ang kumot sa aking muka.

"Briella Atarah, don't let me count." May banta ang boses niya pero nagbingi-bingihan ako.

"Briella Atarah Nolasco!" Tinaklob ko ang unan sa aking tenga.

"Briella Atarah Nolasco Monzario!"

"Wife.."

"Baby.."

"Misis ko.."

"Asawa ko.."

"Bullshit, it's cringe."

"Darlin—"

Pinutol ko ang kaniyang sasabihin dahil bigla akong tumayo. Ramdam ko ang pagkapula ng aking pisnge dahil sa mga sinabi niya.

"A-Aalis n-na?" I said stuttering.

"Tss, gusto mo pang nilalambing ka ah," pinitik niya ang aking noo.

"Let's go, eat breakfast, take a bath. Then we will go." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama at lumabas na.

Napasapo ako sa aking noo at madiing pumikit bago huminga nang malalim. "Zaven ano ba kasing ginagawa mo!" Inis kong sinabunutan ang aking sarili at gulong gulong umiling.

Kesa mag drama inayos ko nalang ang aking higaan, pagtapos ay agad akong naligo baka mamaya galit na sa kakahintay ang Zavenyo.

Naka hoodie lang ako dahil alas-syete palang nang umaga at malamig pa. Naabutan ko si Manang na nag aayos ng mga pagkain habang nag kakape na si Zaven.

"Good morning Manang!" Tumango at bumati rin sa akin si Manang, bumati rin ako kay Zaven at tumango naman siya pero tumingin na ulit sa kaniyang laptop.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Sabi niya mga one week ang itatagal namin duon.

"Laiya beach." Hindi familiar ang beach na 'yun o sadyang hindi ko lang alam.

Tumango nalang ako at nagsimula na kumain, niligpit ni Zaven ang laptop niya at sinabayan na ako kumain kung dati kahit sa pagkain sobrang tahimik namin ngayon hindi na. Kinakausap na niya ako kahit papaano nagbubukas siya ng iba't ibang topic.

"Bye Manang, Manilyn! dadalhan ko po kayo ng mga pasalubong!" Nasa loob na ako ng sasakyan pero panay ang paalam ko kila Manang.

"Shut and up." Hinila ako ni Zaven at nilagay nang maayos ang aking seat belt.

"Gaano katagal ang byahe?" Nagsimula na umandar ang sasakyan mukang kailangan talaga naming agahan bago maipit sa traffic friday pa naman ngayon.

"3 hours." Napatango at kinuha nalang ang aking cellphone para hindi ako mainip. Tss walang paramdam si Aurelia ah!

"You can sleep first." Nahihikab narin ako dahil nga hindi kompleto ang aking tulog kagabi.

"Mag play ka music." Utos ko sa kaniya at agad naman siyang sumunod. Masarap matulog kapag may music lalo na kapag 90's songs.

Dahil nga siguro sa kapaguran, nakaidlip ako pero nagising ako dahil sa pag busina ng mga sasakyan. Pagmulat ko bumungad ang pila ng mga sasakyan dahil nasa highway na kami.

"Hala na traffic na tayo." Three hours nanga ang byahe na traffic pa.

"Are you hungry?" Maaga kaming nag almusal at mag aalas-diez na.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now