Chapter 20

204 6 0
                                    

Van's POV


Pauwi na ako ngayon sa bahay dahil gabi na rin. Pagkatapos namin mag-usap ni Alex ay napatagal naman ang laro ko ng soccer ngayon kaya medyo nakaramdam din ako ng pagod. Pero sa tuwing maalala ko ang nangyari ay napapangiti ako.

And it's true. I like her.

Nang makita ko na ang bahay ko ay medyo nagtaka pa ako dahil nakabukas ang ilaw. Sino ang nandoon? Agad akong bumaba at bukas ang gate. Thief? Kung magnanakaw siya, wag masyadong obvious. Agad akong tumakbo papasok ng bahay at nakahinga ako ng maluwag na maayos pa rin ang mga gamit dito. Napakunot ang noo ko nang nakita ko ang taong nakaupo sa sofa. Si Yuri.

May hawak siyang wine glass at iniikot-ikot niya ang laman noon. Is she drinking?

Tsaka paano siya nakapasok dito? Tinapon ko na ang duplicate niya ah?

"What are you doing here?" tanong ko.

Nalipat ang tingin niya sa akin and she looks so red, "Why are you late?"

"I said, what are you doing here? And why the hell are you drinking, Yuri?"

Damn, ilang bote na ba ang iniinom niya? Mabilis kasi siyang tamaan sa alak or wine. May kinuha siya sa bulsa niya at pinakita niya sa akin ang isang susi. Kumunot ang noo ko and she just smiled at me.

"I buy a new one. You can't trick me, Alvan."

I rolled my eyes at her. Nakakairita talaga siya, "Come on, I'll take you home. You're already drunk."

"I'm not!"

Kukunin ko na dapat ang baso na hawak niya kaso bigla niya itong ininom na mabilisan. God! Daig niya pa ang bata sa sobrang tigas ng ulo!

"Yuri, please stop."

"What is happening to you? Why are you doing this to me?"

Kinuha ko ang bottle ng wine at ang baso na hawak niya at dahil may tama na siya ay hindi na siya nakapalag pa. Nilayo ko iyon sa kanya para hindi na siya makainom pa.

"W-what happened to us, Alvan? Ano ang ginawa sayo ni Alexis? Nilalandi ka ba niya?

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at humarap sa kanya, "You don't know her."

"Why? D-do you like her?"

"Yes, I like her. So please, go home."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil nagsimula na siyang umiyak. Damn, kahit nakakainis siya ay ayoko makakita ng umiiyak na babae.

I met Yuri four years ago noong nagsisimula pa lang ako maging soccer player. Magkasama kami sa isang photoshoot kaya nagkakilala kami. Hindi ko siya masyadong kinakausap noon dahil hindi ako nakikipag-usap sa mga babae lalo na't hindi ko kilala.

At dahil lagi kaming may photoshoot ay hindi na rin namin naiwasan ang mag-usap... simula noon ay hindi na niya ako tinigilan. She was like my little sister at hindi ko alam kung anong nangyari at iba ang naramdaman niya sa akin.

"Hindi! Ako lang dapat ang gusto mo!"

Napailing ako, "I'll take you home, you need a rest."

"Akin ka lang, Van!"

Ilang beses ko siyang pinilit na hawakan pero nilalayo niya ang sarili sa akin. And she's crying. A lot.

And then she slapped me. Inulit-ulit niya iyon at hinayaan ko lang siya. Crazy girl.

"Akin ka lang eh... b-bakit napunta k-ka na sa iba ngayon?"

Nang kumalma na siya ay niyakap ko siya. Even though she's so annoying, she's still a special friend to me. Hindi niya deserve na iyakan ang isang tulad ko.


Pinark ko na ang kotse ko sa gilid, naramdaman ko ang sobrang tirik ng araw paglabas ko ng kotse dahil hapon na rin kasi. Ngayon lang ako nakapasok kasi late na rin ako nagising. Masyado ata akong pagod kaya mahaba rin ang pahinga ko.

Pagpasok ko ng school ay nakita ko ang ibang students na parang may pinagkakaguluhan.

Habang naglalakad ako papuntang room ay napansin ko ang ibang nakakasalubong ko ay halos lahat nakatingin sa akin. Dali-dali na akong pumuntang room at binuksan ang pinto. Napatingin silang lahat sa akin... agad rin namang umiwas sa akin ng tingin at pumunta sa mga upuan nila.

What's happening?

Bago pa ako mainis ay agad nang lumapit sa akin si Franz at Nick.

"What's going on?" tanong ko.

Nagtinginan silang dalawa at hinawakan ang balikat ko.

"You're in trouble." sabay nilang sabi.

Kumunot ang noo ko, "What?"

Tumingin sila pareho sa likod nila at nakita ko si Alexis na may hawak na newspaper. Lumapit ako sa kanya at napatingin siya sa akin. Kinabahan ako nang makita ko ang seryoso niyang titig sa akin pero hindi iyon nagtagal at tumayo siya palabas ng room.

Kinuha ko ang newspaper na hawak niya kanina at pati ako nagulat sa nabasa ko...

CONFIRMED! Soccer player Alvan Mondonedo and model Yuriann Ramos are officially dating!

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon