Last Chapter

319 8 2
                                    

Thank you for reading! 'til next time. :)


Alexis' POV


"Mine!"

Sigaw ko at nang hinagis sa akin ang bola ay agad ko itong hinampas ng malakas papunta sa kabila. At nang hindi ito masalo ng ibang kalaban ay napatalon kami sa tuwa, tsaka namin narinig ang pito at tiningnan ang score namin.

23 - 25

Panibagong araw na naipanalo namin ang laro! That was intense!

Ngumiti ako sa mga kalaban namin at inapiran sila isa-isa. Now, the crowd is cheering my name like crazy. I smiled widely and waved at them, hinding-hindi ako magsasawa na kumaway at magpasalamat sa kanila. Dahil sa kanila ay mas ginagalingan ko ang laro ko.

Hindi ko na maitatanggi, volleyball is really my sport.

"Nice game, Alexandra!"

Tumingin ako sa isang team mate ko, nagbago ang timpla nang mukha niya dahil siguro hindi niya namalayan ang pagtawag sa akin. Nakita ko na siniko siya ng isa pa niyang kasama. Napailing ako at ngumiti sa kanila.

I tapped her shoulder, "Alexis," I smiled at her, "Congrats sa atin,"

Ngumiti rin sila sa akin at nagpaalam na. Ngayon ay kasama ko sila Krystal at Hannah, syempre, pagkatapos ng laro namin ay balik kami sa gawi namin na kakain sa bahay nila. Ngayon ay inaayos ko ang gamit namin para makakain na. I'm so hungry!

"Pizza and ice cream, again?"

Sandali silang natahimik, nagtaka naman ako... pero napalitan iyon ng ngiti at tumulis ang nguso nila na para bang may itinuturo. Tumingin ako kung sino iyon at agad naman kumabog ang dibdib ko. Nang magtama ang tingin namin ay napangiti kami sa isa't isa.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumakbo ako palapit sa kanya para mayakap siya.

Narinig ko ang pag-singhap ng mga tao dahil sa eksena namin. But I don't care, I missed him!

I missed my Van.

Sinuklian niya ako ng mahigpit na yakap pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi. He's still wearing his soccer uniform na nagpangiti lalo sa akin. Mukhang pagkatapos nga ng laro nila ay dumerecho siya dito para makita ako.

"I'm sorry, I missed your game." saad niya.

Umiling ako, "That's okay! Hindi ko napanood ang game mo..."

Inayos niya ang buhok ko at ngumiti sa akin, "Let's eat?"

Masaya akong ngumiti sa kanya at niyaya ko na rin sila Krystal pero tumanggi sila dahil ayaw naman daw nila masira ang moment namin. Napailing na lang ako at nag-paalam na sa kanila.

It's been four months simula noong laban namin ni Van.

Ang huling nangyari ay nasa akin na ang bola, sisipain ko na lang siya sa goal para maipanalo ko na.

Pero pakiramdam ko ay kinain ako ng konsensya ko.

Unti-unting bumagal ang takbo ko.... hanggang sa narinig ko na ang buzzer.

Lumakas ang hiyawan ng mga tao.

He won.

And I let him win the game.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya... na para bang hindi siya makapaniwala na gagawin ko iyon at hahayaan ko siya na manalo.

I don't really know, I'm mad. I'm so mad!

Pero hindi ko rin maitatago sa sarili ko na gusto ko siyang makasama. I want him so bad! I already reached him, bakit ko pa babalewalain ang pagkakataon na ito?

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon