Chapter 9

267 8 0
                                    

Alexis' POV


May practice kami ngayon. Finally, kasali na rin ako!

Hinahabol ko ngayon ang bola kasi ipapasok ko na sana sa goal kaso bigla akong naharangan. Kung pupunta ako sa ibang side, nakabantay siya. Tiningnan ko siyang maigi, okay.....madali lang ito. Nakaisip agad ako ng paraan. Tiningnan ko ang ibang kalaban at mga team mates ko. 

"Leave it to me."

Tiningnan ko ulit ang babaeng nasa harapan ko, so easy. I smirked. Agad kong sinipa ang bola pagitan ng legs niya at umikot ako paalis sa kanya, hinabol ko ulit ang bola at nang malapit na ako sa goal ay agad ko itong sinipa. Goal.

Medyo nakabukaka kasi ang legs niya kaya sinipa ko sa pagitan ng legs niya, narinig namin ang pagpito ng coach namin. Ngumiti ako sa kanila at kumuha na ng tubig, nakakapagod pero ang saya! Nakakatuwa sa pakiramdam na may nakakalaro na ako ngayon na kapwa ko babae sa soccer.

Habang umiinom ako ng tubig ay nakita ko si Franz na naglalakad palapit sa akin.

"Ginalingan na naman ni Alexis."

Ngumiti ako sa kanya, "Ano? Inaamin mo na ba na mas magaling ako sayo?"

Sinimulan niyang punasan ang pawis ko, "Ayos lang, gwapo naman ako."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nakangiti siya sa akin ngayon. Ang hangin! 

"Ehem."

Napatigil kaming dalawa at napatingin sa taong iyon si coach pala, "Coach..."

Ngumiti siya at tumingin sa akin, "Maari ba kitang makausap?"

"Sige po."

Napatingin siya kay Franz at ako rin ay napatingin sa kanya, ngumiti siya sa akin at nagpaalam na bibili na muna siya ng pagkain namin at umalis na. Tumayo ako para makipag-usap kay coach. Ano kayang sasabihin niya? May mali ba ako na nagawa kanina?

"You impressed me."

Natahimik ako sa sinabi niya, "Habang pinapanood kita kanina, parang hindi ka babae maglaro... The way you move, the way you run and the way you kick, ang astig... Ngayon pa lang ako nakakita ng babaeng ganyan kahusay maglaro ng soccer."

Napangiti ako. Ang sarap sa feeling na masabihan ng ganito.

"Mabuti at hindi ka tulad ng ibang babae na pumapasok lang dito sa school na ito para lang kay Van..."

Nawala ang ngiti ko at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig doon, "Madami na kasi ang napaalis sa school na ito dahil sa dahilan na yan."

"G-ganon po ba?"

"Yup. Ewan ko nga rin kung bakit ang daming nagpapapasok ng babae dito, puro si Van lang naman ang dahilan kung bakit nandito."

Napangiti siya at tumingin sa akin, "I heard that you're the best player of volleyball sa school mo dati?"

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Ngayon tuloy ay namimiss ko na ang volleyball school, kamusta na kaya sila?

"Nice. I hope dito sa soccer school, you will be the best player of all the girls. Good luck..."

Ngumiti siya sa akin at nagsimula na ulit ang training namin.


It's raining. At dahil sa katangahan ko, naiwan ko ang payong ko. Nakakainis kasi ang panahon, kung dala ko ang payong, hindi naman umuulan! Pero kapag hindi ko na dala, uulan! Wala na akong magawa kaya tinitingnan ko ang bawat ulan na bumabagsak mula sa langit.

Ang gaan sa pakiramdam habang pinapakinggan ko ang bawat patak ng ulan.

"Teka lang, mababasa ka ng ulan!"

"Kaya nga tayo maliligo, syempre, mababasa tayo. Tara na!"

"Wag ka na kasi maligo! At kapag nagkasakit ka, sige, hindi ka na makakakain ng ice cream!" 

Napapikit ako dahil sumakit ang ulo ko. Damn, ano ba itong nakikita ko... Napatingin ulit ako sa kalsada at nakita ko na naman sila, sobrang saya nila na tingnan... Lumapit ako sa kanila pero bigla silang nawala. Saan sila nagpunta? Ano ang nangyayari?

Naramdaman ko na mas lalong lumakas ang ulan pero hindi na ako makaalis sa gitna ng kalsada. Hindi na ako makatayo.... I can't feel my legs.... na para bang nakapako na ito ngayon sa kinauupuan ko ngayon.

Ilang sandali lang ay hindi na ako nababasa ng ulan.

Tiningnan ko kung sino ito.

Si Van....

Bakit ba tuwing may nangyayari sa akin, lagi siyang andyan?

"What are you waiting for? Lumakas pa lalo ang ulan at kumanta ka ng Broken Vow dito sa gitna ng kalsada?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Inalalayan niya akong tumayo at hinila niya ako papunta sa waiting shed. Nang makarating na kami, hinubad niya ang jacket niya at sinuot niya sa akin. Hinawakan niya ang buhok ko at pinisil ito para mabawasan ng tubig.

"Kapag nagkasakit ka, hindi ka na makakain ng ice cream."

Napatingin ako sa kanya. W-what?

Parehas sila ng sinabi ng bata kanina...

Binuksan niya ulit ang payong at hinila niya ako palapit sa kanya.

"Let's go."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya, inalalayan niya ako papasok sa back seat at napansin ko na may kasama pala siya at si Nick iyon. Tumingin siya sa akin at tumango, ngumiti ako sa kanya. Ngayon naman ay pumasok din si Van sa back seat at tumabi sa akin. Pinatay niya ang aircon ng sasakyan at sinenyesan niya si Nick na magsimula na magmaneho.

Hindi ko alam kung bakit lagi siyang nandyan... kung bakit alam niya ang mga nangyayari sa akin.... I can sense it, but I don't want to assume.

But I can't help it, also.

Matagal na ba niya akong kilala?

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon