Chapter 8

292 9 0
                                    

Alexis' POV


Nandito ako ngayon sa soccer field dahil tapos na rin ang class hours. May laro rin kasi mamaya, at sakto wala rin tao dito. Hindi ako nagdadrama ha, kailangan ko rin kasi mapag-isa. Naglalaro kasi ako ng flappy bird. Kailangan ko na talunin ang highscore ni Franz. 624, pero 600 na ako.

"Alexis!"

Muntikan ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sa sobrang gulat. Damn! Bakit ba sobrang magugulatin ko? Siguro sa susunod ay aatakahin na ako sa puso.

Pero teka... 600... is now gone....

Halos isang oras na akong pindot ng pindot dito tapos kung kailan 600 na ang score ko tsaka may eepal?!

"Alex?"

"What do you want?!"

Nang pagtingin ko sa kanya at nang nakilala ko kung sino siya, tuluyan na talagang nalaglag ang cellphone ko, nagulat ako at kukunin ko na sana kaso kukunin rin pala niya kaya nagkabungguan ang ulo namin. Napaupo ako sa sahig at napahawak sa ulo ko. Ang sakit! Nagkatitigan kami at nakahawak rin siya sa ulo niya... natawa kami parehas, mabilis siyang tumayo at inalalayan niya ako sa pag-upo ulit.

"Sorry—"

"Hindi, okay lang. Sorry, nasigawan kita..."

Nakita ko ang ngisi ni Nick, "Okay lang. It's my fault."

"Ano pala ang ginagawa mo dito? May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko.

"Nothing, seriously."

Parang nabagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi niya. Confident pa siya na nakangiti habang nakatingin sa malayo. Nang-aasar ba siya?

"Don't be mad, nakita kasi kitang mag-isa dito kaya sinamahan kita."

Sumingkit ang mata ko sa sinabi niya. I rolled my eyes at him.

"What are you doing here alone?"

Pinakita ko sa kanya ang nilalaro ko. Nakita ko ang pag-angat ng kilay niya, iniinsulto niya ba ako?

"May usapan kasi kami ni Franz na kapag natalo ko ang score niya, ililibre niya ako ng ice cream."

Siya naman ngayon ang parang nabagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi ko, "So, nagagalit ka sa akin dahil hindi ka makakakain ng ice cream?"

Tumango ako sa kanya at bigla naman siyang tumawa ng malakas. Halos kalibutan ako dahil sa sobrang lalim nito. 

"Childish, but cute," tumayo siya at lumingon sa akin, "Let's go, my treat."

"Talaga? Seryoso?"

"Yes."

Masaya akong tumayo at sumunod sa kanya, yes! Ayos lang din pala na ginulo ako ni Nick! Agad kaming umalis at nagpunta ng ice cream parlor. Halos lahat talaga ng flavor gusto ko, magsasalita na sana ako kaso bigla niyang nilabas ang wallet niya at naglabas ng malaking pera.

"All of it."

Mukhang nagulat pa ang nagtitinda pero sa huli ay sinunod niya pa rin ang order namin, kaya ko ubusin yan kahit ako lang, don't you worry. Ramdam ko ang pagtabi sa tapat ko ni Nick, tiningnan niya lang ako habang kumakain ako, matakaw man sa inyong paningin, maganda pa rin.

"He's right. You're an ice cream princess."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, magtatanong sana ako kaso sumenyas siya sa akin na kumain lang ako. Kaya sinunod ko siya at nagpatuloy sa pag-ubos ng ice cream. Ang sarap! At ang sarap talaga sa feeling, para bang stress reliever ko na ito.

"Bakit mo nagustuhan ang ice cream?"

"Noong bata kasi ako, eto ang lagi kong kinakain kapag may problema, masaya, o kahit malungkot ako," apatigil ako, hindi ko alam.... kung panaginip lang ba iyon o totoo, "Maybe in my dreams. Sobrang lonely ko kasing tao kaya siguro sa panaginip na lang ako nagkakaron ng kaibigan."

"Hindi mo pa kilala ang sarili mo."

Tumingin ako sa kanya, ano ang ibig niyang sabihin? Ilang sandali rin siyang nakatitig sa akin, but then he smiled.

"Finish your ice cream, little girl."

Sinunod ko ulit siya pero habang kumakain ako ay napapaisip ako.

Bakit pakiramdam ko ay parang kilala na kilala niya ako?


Naglalakad na ako ngayon pauwi, grabe, sobrang salamat kay Nick at binusog niya ako ngayong araw! Ihahatid niya sana ako kaso mas pinili ko ang maglakad dahil mas sanay ako.

Bumalik ako ng school dahil naiwan ko ang bag ko, wala na rin masyadong tao. Kinuha ko na ang bag ko sa loob ng classroom at inayos na rin ang mga gamit ko. Lalabas na sana ako ng room kaso biglang may humila sa akin at sinandal ako sa pader. Ano ba! Aatakihin na ako sa puso!

Tiningnan ko kung sino ang taong tumulak sa akin at nagulat ako dahil si Van pala ito. Nakatitig lang siya sa akin pero ang seryoso lang ang mukha niya. Is he mad?

"Van—"

"Are you happy?"

"W-what do you mean?"

Naguluhan ako sa sinabi niya. Imbes na sagutin niya ay nakatingin lang siya sa akin. Mata sa mata. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit.....sobrang ganda pala talaga ng mata niya.

"Gusto niyo bang buksan ko ang radyo para sa background niyo para maging corny lalo?" 

Nagkaroon ako ng pagkakataon na lumayo kay Van dahil doon. Hay! Hinabol ko ang hininga ko dahil sa sobrang kaba ko. Tiningnan ko si Franz at nagtataka lang din siyang nakatingin sa amin.

Ngayon lang ako nagpapasalamat na umepal si Franz sa moment na iyon dahil una sa lahat ay hindi ko alam ang magagawa ko kapag nagtagal ang titigan namin ni Van kanina. Tumingin ako kay Van na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ng masama sa akin.

Ano bang ginawa ko at galit na galit siya?

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon