Chapter 13

249 6 0
                                    

Alexis' POV


Game na namin bukas. Kinakabahan ako at super excited at the same time. Wala na ako sa sarili na nahiga dito sa damuhan sa soccer field dahil sa sobrang pagod! Phew! Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa nananakit kong mga muscles.

Nagulat ako nang biglang may humagis na water bottle sa akin, mabuti na lang at hindi tumama sa mukha ko! At isang tao lang naman ang kayang gumawa nito sa akin kundi si Franz lang. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay nakangiti ng wagas sa akin.

"Pwede mo naman iabot ng maayos diba?!"

"Bakit ka kasi nakahiga? Ginawa mo namang higaan 'tong damuhan?"

Hindi ko siya sinagot at ininom na lang ang tubig na binigay niya sa akin at tumabi din naman agad siya sa akin, "Musta ang practice niyo? Sobra naman ata ang pagod mo?"

"Oo nga eh..."

Ngumuso ako dahil ngayon lang ako nakaramdam ng matinding pagod na pakiramdam ko ay dadalhin ko hanggang bukas! Ramdam ko na ang sakit ng katawan ko nito mamaya.

"Mukha kang dugyot, Alexis!"

Napatingin ako kay Franz na hindi na mapigilan ang pagtawa, hindi ko alam kung anong nakakatuwa sa taong pawis na pawis o sadyang siraulo lang talaga siya. Nilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang pawis ko.

"Eto na ba ang hobby mo? Maligo sa sarili mong pawis?" sabi niya habang pinupunasan ang buong mukha ko, "Magpalit ka na agad. Bago matuyuan ka pa..." ngumiti ako sa kanya at nginitian rin niya ako.

Napatingin ako sa kalendaryo ko. Dali-dali ko naman nilagyan ng ekis ang 23. Grabe, 23 days na pala ako dito.... Ang bilis naman pala ng panahon. Inayos ko ang gamit ko para handa na akong umuwi, halos gabi na pala. Kailangan ko na rin umuwi.

Muntikan ko na mabitawan ang mga hawak ko kasi biglang bumukas ang pinto ng sobrang lakas. Lalapit na sana ako para makita kung sino ang nagbukas pero napatigil ako bigla nang nakita ko si Van. Sandali rin kaming nagkatitigan. He looks so serious, ano kaya ang problema niya? Pero hindi niya ako pinansin na parang hangin lang ako dito at deretso lang siyang umupo sa upuan.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.

Pero parang wala siyang naririnig. Eto na naman siya sa pagiging masungit. May schedule? Hahakbang na sana ako paalis kaso bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko.

"Do you like Franz?"

Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanya, ano daw? Gusto ko si Franz?

Bakit naman niya iyon natanong?

Halos kalibutan ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Those cold eyes.

"Best friend ko si Franz..."

"Ang tanong ko... gusto mo ba siya?"

Kinabahan naman ako sa tanong niya na iyon, bakit ba ang sungit niya!

"H-hindi."

Hindi niya iniwas ang tingin niya sa akin, na para bang sinusuri niya kung nagsasabi ba ako ng totoo sa kanya.... naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa titig na iyon. Pero mas lalong nanlambot ang puso ko nang ngumiti siya sa akin.

"Good."

Tumayo siya at pumunta sa harap ko, "Good luck sa game mo. Manonood ako."

Pagkasabi niya noon ay ginulo niya ang buhok ko at agad na lumabas ng room pagkatapos niya makuha ang gamit niya. Napahawak naman ako sa ulo ko, manonood daw siya ng game ko bukas? Mas ginanahan tuloy ako maglaro!

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon