Van's POV
Napatingin ako sa bahay na nasa tapat ko ngayon. Maglalakad na sana ako kaso biglang may lumabas doon sa gate at napatingin sa akin... kahit medyo malayo siya sa akin ay napansin ko na nanlaki ang mata niya. Lumapit siya ng mabilis sa akin habang nakangiti.
"I-ikaw ba si Van?"
Ngumiti ako sa kanya, "Magandang araw po,"
"Bakit ka naparito? Pinuntahan mo si Alexis?"
Tumango ako, "Sabi po kasi sa akin ng kaibigan niya may sakit siya..."
"Ay, nag-abala ka pa! Tara, pumasok ka sa loob."
Sumunod ako sa kanya papasok ng bahay nila at pagkapasok ko pa lang ay naamoy ko agad ang niluluto, nakita ko naman ang isang lalaki na nasa kusina. Napatingin siya sa amin kaya tumigil siya sandali at lumapit sa amin.
"Good morning po," bati ko.
Ngumiti siya sa akin habang iniiwas ang tingin sa akin. Ilang beses naningkit ang mata niya na para bang inaalala kung sino ako.
"Ayan pala ang Tito ni Alexis, ang asawa ko," saad niya habang malawak ang ngiti, "Pa, may bisita na dumating para kay Alex!"
Unti-unting lumapit sa amin ang Tito ni Alex at nagulat pa nang medyo mamukhaan ako.
"Ikaw ba si Van? Yung sikat na soccer player?"
Ngumiti ako sa kanya, "Ako nga po,"
"N-nandito ka ba para kay Alex?"
"Opo... Pasensya na po, ako po ang kasama niya kahapon kaya gusto ko pong malaman kung anong nangyari."
Nakita ko na lumawak ang ngiti niya, "Buti na lang knock-out iyon ngayon... baka matuwa iyon kapag nakita ka! Malaki ang pagkagusto-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi biglang tinakpan ng Tita ni Alex ang bibig niya. Nagkalakihan pa sila pareho ng mga mata na medyo ikinatawa ko.
"Tara na... Ihatid na kita sa kwarto niya."
Ngumiti ako sa Tito niya at sumunod na pumuntang kwarto... napatingin ako sa buong bahay. Hindi siya masyadong malaki pero okay na, sakto talaga ito para sa kanilang tatlo. Napatigil ako sa pagtingin nang may binuksan na pinto yung Tita niya, ito na siguro ang kwarto niya. Sabay kaming pumasok at nakita ko agad si Alex na nakahiga sa kama niya na taklob pa ng kumot ang buong katawan.
"Knock-out eh, hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising... bibili lang ako ng gamot sandali."
Ngumiti ako sa kanya at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya at tiningnan siya. Ganon ba siya napagod sa lakad namin kahapon kaya siya nilagnat ngayon? Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko... sinabi ko na iiwas siya sa stress pero mukhang mas dinagdagan ko pa. Hinawakan ko ang noo niya at sobrang init nga niya.
Napatingin ako sa loob ng kwarto niya. Brown and gray ang theme color ng kwarto niya. Napangiti ako noong makita ko ang malaking picture niya na may hawak siyang trophy. Ayan ata noong naging MVP siya sa volleyball.
Sa baba ng malaking picture na iyon ay picture naman nila Krystal at Hannah at sa tabi naman noon ay picture nilang dalawa ni Franz.
Hindi naiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Franz... sa pagkakaalam ko ay nasa volleyball school muna si Franz bago siya mapunta sa soccer school kaya siguro sobrang close din nila... na kahit nagkahiwalay na sila ng school ay lagi pa din silang nagkikita. Kaya akala ko nung una ay may relasyon sila.
Naging close ko naman si Franz dahil.... sa totoo lang ay hindi ko din alam. Napansin ko na lang simula noong lumipat siya ay lagi na siyang sumasama sa amin ni Nick kaya hinayaan ko na din dahil pabor din naman si Nick na maging kaibigan si Franz dahil hindi ko naman sila kinakausap masyado kaya mas nakakapagkwentuhan sila.
Naalala ko pa yung nakita ko si Alexis kasama sila Hannah at Krystal palabas ng campus ng volleyball at mukhang pauwi na, pamilyar na siya sa akin dahil kilala siyang sikat na volleyball player kaya hindi na bago sa akin ang mukha niya sa personal ngayon.
"Kilala mo si Alexis?"
Nilingon ko si Franz na nasa tabi ko pala, "Uh, naririnig ko ang pangalan niya."
"Mga kaibigan ko yan noong nasa volleyball pa ako, pero mas close ako kay Alexis." proud niyang sabi habang nakatingin din sa kanilang tatlo... so, hindi niya girlfriend si Alex?
"Hindi lang sa volleyball magaling yan, pati sa soccer kaya sobrang magkasundo kami."
Tumingin ako sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin iyon kahit hindi ko naman siya tinatanong. Lumipat din ang tingin niya sa akin at mukhang nahalata niyang nagtataka ako kaya tinapik niya ako at tumawa siya.
"Share ko lang... sige tol, una na ako. Ingat kayo."
Tsaka siya tumakbo papalapit sa tatlo at sabay-sabay na silang sumakay ng kotse paalis.
Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa picture na iyon nang mapansin kong gumagalaw na siya. Unti-unti niyang minulat ang mata niya at napatingin sa akin. Halata ang gulat sa mukha niya kaya agad siyang pumikit, at dumilat ulit...
"Epekto siguro ito ng sakit ko... nakikita ko ang mga taong nakikita ko sa panaginip ko..."
Napangiti ako at hinawakan ang ilong niya. Nanlaki ulit ang mata niya at dahan-dahan bumangon sa kama niya.
"T-totoo ka?!"
Nanlalaki pa din ang mga mata niyang nakatingin sa akin na para bang hindi pa din siya makapaniwala na nandito ako.
"A-anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko siya sinagot at pilit ko siyang hiniga sa kama niya, "Tinawagan ako ng kaibigan mo. Bantayan raw kita dito kasi may practice pa sila ng volleyball."
Napapikit siya at hinawakan ang ulo niya kaya mabilis ko siyang inalalayan para mahiga ulit.
"Ang taas ng lagnat mo ah? Napagod ka ba ng sobra kahapon? Pasensya ka na..."
"O-okay lang, ano ka ba... hindi mo kasalanan...."
May narinig kaming kumatok at pumasok ang Tita niya habang may dalang tray. Soup iyon at ang mga gamot niya na iinumin niya. Kinuha ko naman iyon at nilagay ko sa side table at iniwan niya ulit kaming dalawa dito.
Ako na rin ang nagpakain at nagpainom sa kanya ng gamot. Alam ko naman na wala siyang sapat na lakas para gumalaw. Nagkaroon naman kami ng time mag-usap. Hindi nga lang siya makapagsalita ng maayos kasi inuubo siya at sinisipon.
Pagkaupo ko ulit ay nakita kong mahimbing ulit siyang natutulog. Hinawakan ko ulit ang noo niya at naramdaman kong medyo bumaba na ang lagnat niya. Napatingin ako sa relo ko at halos gabi na pala.
Ibababa ko na sana ang tray kaso napukaw ng tingin ko ang necklace na nasa table niya. Agad ko itong tiningnan at binuksan. Heart shape ito at nakaukit ang pangalan niya sa loob.
Tumingin ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.
"I promise, babantayan kita. Hanggang sa dumating ang araw na iyon..."
Binalik ko ang kwintas at agad na bumaba para magpaalam na.
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Romance[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?