Alexis' POV
"Spike!"
Narinig ko ang sigawan ng mga tao dahil panalo na naman kami, thank you Lord! Agad kaming pumila at nakipag-apiran sa kabilang team.
"Nice game, Alex!"
Ngumiti ako sa kanila at niyakap nila ako. Isang nakakapagod na araw pero worth it!
Bumalik ako sa pwesto namin at uminom ng tubig.
"Alexis! We love you!"
Napatingin ako sa mga babae na sumigaw ng pangalan ko. Ngumiti ako at kumaway sa kanila, ang saya lang sa pakiramdam na may mga taong hinahangaan ka sa ginagawa mo.
"Oh, anong plano natin?" tanong ni Krystal.
"Tanungin niyo ang manager."
Umupo ako saglit at pinunasan ang pawis ko. Gosh, ang lagkit ko na.
"Wag na, sa bahay na lang tayo. My treat!"
Ngumiti ako kay Hannah at niyakap siya, kapag salitang libre talaga ay nakakabuhay ng dugo! Nagbihis kami ng bagong damit at gustong gusto ko na maligo! Kulang ang hilamos sa akin.
"Let's go?"
Umalis na kaming tatlo at nagpaalam sa ibang team mates namin. Pagkalabas namin ng campus ay may mga grupo ng mga babae ang nag-aabang sa amin, nang makita nila kami ay narinig ko ang hiyawan nila, I smiled.
"Pwede po ba magpapicture?"
"Sure!"
Lumapit siya sa akin at tsaka kami nagpicture. Ang ibang kasama niya ay lumapit din sa akin at nagpakuha ng picture, hindi ako tumanggi dahil sobrang natutuwa ako sa kanila.
"Idol ka po namin!"
Ngumiti ako and I patted her head. Nakita ko kung paano siya natuwa sa ginawa ko. Nang matapos na ay kumaway na kami sa kanila para makaalis na kami.
"Ah! Alexis! Hindi na talaga kita isasama tuwing lalabas ng campus!"
Nakita ko ang pag-irap sa akin ni Krystal habang inaayos ang buhok niya. I smiled at her at lumapit pa lalo para lambingin siya. Hindi siya sanay sa madaming tao dahil naiilang siya, nginitian ko siya at kumapit na sa braso niya para hindi na siya mag-inarte pa.
"Ano ang ililibre mo sa amin?" tanong ko.
"Pizza? Ice cream?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Krystal at ngumiti, "Both!"
Habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Hannah ay napatigil ako sa nakita ko at napatulala habang tinitingnan siya.
Si Van. Isa siya sa sikat na soccer player kaya lang magkaiba ang school na pinapasukan namin. Sa school namin ay may boys na volleyball player din pero sa school nila ay wala man lang girls dahil walang may gusto ng larong soccer. At nasimulan kong gustuhin ang soccer noong nalaman kong isa iyon sa mga favorites sports niya.... natuto akong maglaro ng soccer dahil sa kanya.
"Alexis!"
Natauhan ako at tumingin ako kay Hannah, "Tara na!"
Tumango ako pero nanatili ang tingin ko kay Van, he tilted his head while he's talking with his friends. Parang slow motion lang ang lahat. I smiled, umiling ako at sumunod na sa kanila papunta sa Parking Lot.
"Alex!"
Napatingin ako sa tumawag sa akin at napangiti ako lalo ng makita ko kung sino ito.
"Franz! Buti naman at naabutan mo pa kami?"
Si Franz ay isa sa close friend namin na lalaki. Nasa volleyball school din kasi siya dati kaso lumipat siya sa soccer kasi gusto ng parents niya. Pumasok na kami sa kotse ni Hannah at nasa likod kaming dalawa ni Franz, kaming dalawa kasi talaga ang close sa isa't isa. He's not gay, by the way. Sadyang malapit lang ang loob namin sa isa't isa.
Nang makarating na kami sa bahay nila Hannah ay agad kaming dumiretso sa sala.
"Franz, anong balita?" tanong ko.
Nakatuon lang ang tingin niya sa kanyang phone na para bang hindi siya interesado sa tanong ko, "He's busy, malapit na rin kasi ang finals."
"May babae na bang papasok sa school niyo?"
Napaisip siya sa tanong ko, "Oo, meron na. May mga susubok... at balita ko dahil kay Van."
"What?!"
Nagulat sila sa sigaw ko at napatingin sa akin, "Anong problema dun, Alex-"
"May papasok na babae sa school nila para lang kay Van! Paano kung may gawin sila sa kanya?"
"Wag ka ngang praning," sabi sa akin ni Krystal sabay ayos ng buhok niya.
Sandali akong natahimik, paano kung gawin ko na ang matagal ko ng plano? Hindi na rin siguro masama na subukan ko...
"Wag mo nang subukan yang naiisip mo."
Napatingin ako kay Hannah, nabasa niya ba iyong iniisip ko?
I pouted, "Bakit hindi ko pa subukan diba?"
Gulat siyang napatingin sa akin dahil mukhang hindi niya rin inaasahan ang sasabihin ko. Napatigil din sa pagsuklay sa buhok si Krystal at napalingon din sa akin si Franz na kanina ay tutok sa kanyang phone.
Matagal ko na talagang balak na lumipat sa soccer school. Pero hindi ko siya magawa dahil hindi ko rin maiwan ang volleyball school ngayong ang dami ko nang nagawa para doon, ang tagal kong kinamit ang mga achievements na sa akin na ngayon pero alam kong may kulang pa din...
"Paano na ang volleyball kung lilipat ka?"
Napaisip ako at napatingin sa malayo. Hindi naman sa gusto kong itapon lahat ng nagawa ko para sa volleyball... pero pwede ko naman sigurong gawin ang gusto ko ngayon?
"Tandaan mo, ikaw ang best player natin sa volleyball. Ikaw ang laging nagpapanalo. Ang dami mo ng natanggap na awards. May mga months na nakaassign sayo na lumaban at matatagurian ka na as the Best Female Volleyball Player," napasinghap ako sa sinabi ni Hannah at inisip ang mga achievements ko, "Itatapon mo lahat ng iyon? Para lang kay Van?"
Napatingin ako sa kanya at napaisip pa lalo ng mabuti... hinawakan ni Franz ang magkabila kong balikat at hinarap sa kanya, sumimangot ako sa kanya.
"Pag-isipan mong mabuti, Alex," ngumiti siya sa akin, "Sayo pa rin ang desisyon. Pero habang pinag-iisipan mo pa, ako muna titingin kay Van para sayo."
Ngumiti ako ng bahagya. Ano nga ba dapat?
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Romantizm[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?