Chapter 25

207 5 1
                                    

Franz' POV


"Ano? Alam na niya?!"

Napakunot ang noo ko sa nalaman ko... hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Alam na ni Alexis. Naalala na niya ang lahat.

Paano nangyari iyon? Akala ko ba wala na siyang chance na maalala ang lahat?

Nagkatitigan kami ni Nick, nandito rin sina Hannah at Krystal. Hindi namin alam kung nasaan ngayon si Alex. Simula noong nalaman niya ang lahat ay umalis siya, nagpaalam siya kay Tita pero wala daw sinabi si Alex kung saan siya pupunta. Kaya wala silang idea kung nasaan siya ngayon at kami naman ngayon ay nag-aalala dahil naalala na niya ang lahat... wala pa kaming magawa.

"Paano niya naalala ang lahat?"

"We don't know..."

"Kakausapin ko siya-"

"No."

Napatingin ako kay Van, ngayon ko lang siya nakita na ganyan. Isang babae lang talaga ang nakakagawa ng ganyan sa kanya at si Alexis lang iyon, "Hayaan niyo na ako ang kumausap sa kanya. Please, bigyan muna natin siya ng oras ngayon..."

"I really can't believe this. Naaalala niya ang lahat na hindi man lang natin sinasabi sa kanya na may amnesia siya..."

Napaisip ako. I can't take this, hindi matahimik ang isipan ko... Tumayo ako at lumabas ng bahay nila Van. Pero bago ako makapasok ng sasakyan ko ay biglang may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita na si Nick ito.

"Where are you going?"

"Hahanapin ko si Alex."

"What? Diba sabi ni Van ay hayaan na muna natin-"

"Kaibigan ko siya, Nick... hindi matatahimik ang kunsensya ko habang hindi ko siya nakikita at nakakausap at ngayong naalala na niya ang lahat..."

Nakatingin lang siya sa akin at naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa braso ko at inirapan ako.

"Gusto mo bang samahan kita?"

Napangiti ako ng bahagya at hinawakan ang balikat niya, "Hindi na. Kaya ko na mag-isa, bantayan mo na lang si Van."

Tinapik ko siya sa balikat at tumango siya sa akin. Dali-dali akong sumakay ng sasakyan ko at pinaandar ko na ito... kahit alam kong aabutin ako ng ilang oras para makapunta doon ay okay lang... Basta malaman ko lang na nandoon siya...

Tatlong oras na ang nakalipas, nandito na rin ako sa Batangas.

Dito kami lagi nagbabakasyon at gustong gusto kasi dito ni Alex. Kaya nagpagawa siya ng bahay dito at every month ay nandito kami para magbakasyon. Napatingin ako sa relo ko, gabi na pala. Nananalangin na ako sa lahat ng Santo na sana nandito si Alex.

Agad akong pumunta sa bahay niya. At nang makita ko na, napangiti ako...

Nandito nga siya.

Nakatayo siya sa terrace. Halatang malalim ang iniisip.

Lumabas ako ng kotse at pinagmasdan muna siya.

Hindi ko namalayan ang sarili ko na napapangiti ako.

She look beautiful as ever.

Naisip ko na pumasok na sa gate nila pero nakatingin pa rin ako sa kanya kasi baka makita niya ako. Pero dahil sa iniisip niya, hindi niya ata ako napansin... palapit ako nang palapit sa kanya at pakiramdam ko ay sumasabay ang lakas ng tibok ng puso ko.

Napatingin ulit ako sa kanya at hanggang ngayon ay nakatulala pa rin siya, "Hindi ko alam na gusto mo pala maglaro ng Hide and Seek, inabot pa ako ng tatlong oras para hanapin ka."

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon