Alexis' POV
Habang nililibot ko ang buong soccer school ay hindi ko maiwasan ang mapahanga, sobrang ganda dito! Kasama ko ngayon si Franz dahil first day ko, nililibot niya ako dito sa loob ng campus. Napatigil kami sa isang bulletin board at napansin ko ang isang poster.
"Oh, right! May party pala mamaya... it's for transferees."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Party? Kailangan ba talaga?"
"It depends sa dami ng tranferees sa isang year."
Tumingin siya sa akin, siguro ay nababasa na niya sa mukha ko na hindi ako pupunta, "You're going tonight," saad niya dahil sigurado siyang hindi ako pupunta sa ganitong klaseng party, "Please, Alex. Once in a life time lang yan..."
Napatingin ulit ako sa poster, hindi kasi ako mahilig sa mga parties. Kung aattend man ako, tuwing family celebrations lang. Pero ako nasa isang tabi lang ako at kumakain.
"Required ba talaga yan?" tanong ko.
"Of course! For me, huh?" inakbayan niya ako habang parehas kaming nakatingin sa poster, "Tsaka para naman magkaroon ng excitement ang buhay mo! Napaka taong bahay mo na hindi man lang alam kung paano magsaya,"
"Magsasaya ako sa paraang alam ko-"
Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko, pilit kong inaalis iyon pero dahil sa sobrang lakas niya ay wala akong nagawa. Nasa likod ko siya at dahil matangkad siya ay naramdaman kong pinatong niya ang baba niya sa ulo ko kaya hindi na ako nakagalaw.
Wala talaga akong laban dito.
"Promise me, okay? Susunduin kita mamaya."
Dumating na ang kagabihan at hindi na rin ako nakatanggi kay Franz, I'm wearing black lace fit sleeveless dress and my Burberry black heels na once a year ko lang kung gamitin, napatingin ako sa buong paligid, they look so fancy also, madami din pala ang mga tao kaya umupo muna kaming dalawa sa side table.
"Wine?"
"No, thanks." pag-ayaw ko.
Hindi niya ako pinakinggan at nagsalin lang siya ng wine sa wine glass at inabot sa akin iyon, sumama ang tingin ko sa kanya, nagtanong ka pa tapos pipilitin mo din ako! Inabot niya sa akin ito at hindi na ako nakatanggi kaya agad ko iyon na inabot, inamoy ko ito at hindi ko nagustuhan ang amoy. Narinig ko ang pagtawa niya dahil sa naging reaksyon ko, I rolled my eyes at ininom ko ito ng mabilisan, parang naiwan ang lasa sa bibig ko.
"Ehh!"
Ang pakla!
Okay, damn. I'm not really good at drinking. May nilabas si Franz sa bulsa niya at inabot sa akin, kinuha ko agad ang bubblegum at nginuya... habang nginunguya ko ito ay nawawala ang lasa ng wine sa bibig ko. Pwe, hindi na talaga ako uulit.
Tumingin ako kay Franz na para bang sanay na siya sa pag-iinom. Naningkit ang mata ko.
Nagsisimula na umingay ang paligid, pero kahit sobrang daming tao ay may isa akong hinahanap, but he's not here. Hindi ba siya pumupunta sa mga ganitong party?
"Wait lang, CR lang ako." aniya.
Tinanguan ko siya at napansin ko ang mga pagkain, kumuha ako ng pinggan at agad na kumuha ng mga pagkain, it's my tradition na taga-ubos ng mga pagkain kapag party. At mukhang mapapadami ang kain ko nito dahil ang sarap ng mga handa dito.
Umupo ako at tiningnan ang pagkain na kinuha ko. Sinimulan ko sa cordon bleu because it's my main favorite!
"Wow, you're a heavy eater."
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Romance[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?