Chapter 12

261 6 0
                                    

Alexis' POV


Nasa soccer field kami ngayon at kakatapos lang namin mag-training. Pagkatapos naman noon ay pinatawag kami ni coach para sa isang announcement.

"May game na tayo next month. Para fair sa lahat, pati kayong mga girls ay kasama."

Napangiti ako dahil doon at labas na natuwa dahil sa balitang iyon, "Kaya dapat todo training na tayo, at ipakita niyo sa akin ang angking galing niyo sa soccer, got it, girls?"

"Yes, coach!"

Nagsitayuan kami at naramdaman ko na sumakit ang baywang ko. Sobrang lakas talaga ng pagkaupo ko sa sahig kanina. Tatayo na sana ako kaso may nagbigay ng kamay sa akin para tulungan ako tumayo. Hinawakan ko naman ang kamay niya at tinulungan niya ako tumayo... tumingin ako sa kanilang dalawa at ngumiti. Silang dalawa ang babaeng kaklase ko.

"Hi, I'm Denise. At siya naman si Lyan."

Nginitian ko sila pareho, "I'm Alexis."

Nakahinga ako ng maluwag dahil nagkaroon na rin ako ng kaibigan na babae dito.

"Gusto mong kumain?" anyaya nila sa akin.

"Sure!"

Nagkwentuhan lang kami habang papunta sa canteen, ito ang unang beses na pupunta ako ng canteen na hindi si Franz ang kasama ko. Magaan din sa loob ang magkaroon ng bagong kaibigan... nang makarating kami sa canteen ay kita mo agad ang sobrang daming estudyante.

"Ako na maghahanap ng upuan natin," sabi ko.

"Sige, kami na rin mag-order ng pagkain mo."

Tumango ako sa kanila at naghanap na ng upuan. Pero sa isang table ay napansin ko si Van, Franz at Nick. Agad rin nila akong napansin nakatayo kaya napatingin sila sa akin.

"Alex!" tawag sa akin ni Franz habang kumakaway pa, kumaway din ako sa kanya at nalipat ang tingin ko kay Nick na nakatingin din pala sa akin kaya nginitian ko siya at siya din ay ganon, hanggang sa nalipat ang tingin ko kay Van na hindi man lang ako binigyan ng kahit na isang tingin at seryoso lang siya habang kumakain ng fries. Hmp, nag-away siguro sila ni Yuri dahil sa nanyari. Hindi ko din naman siya masisisi.

"Dito ka na!" sabi ni Franz habang tinuturo pa ang upuan sa tabi niya.

"Uh, hindi na... may mga kasama ako."

"Edi dito ka nalang sa tabing table."

Tumingin ako doon at nakita kong wala ngang tao doon kaya doon na ako pumwesto at hinintay ko na lamang sila Denise at Lyan.

"Anong gagawin mo mamaya, Van?" tanong ni Nick. Dahil malapit lang sila sa akin ay hindi ko maiwasan na marinig kung ano man ang pag-uusapan nila.

"Madaming fans mo na naman siguro ang pupunta dito mamaya..."

"I don't care."

Tumango-tango si Franz, "Oo nga tol, problema nga yan. Mapupuno na naman ang bahay mo ng mga regalo..."

Napaisip ako, regalo? Agad ko naman tiningnan ang kalendaryo sa phone ko, agad na bumungad sa akin ang, "Van's birthday!"

Birthday niya ngayon?! At nakalimutan ko?!

Dumating na si Denise at Lyan sa table ko at nagulat sila nang bigla akong tumayo.

"S-sorry, may nakalimutan pala ako sa room..." saad ko.

"Ah, okay. Babalik ka din dito?"

Tumingin ako sa relo ko, "Uh, tingnan ko... pasensya na."

Tumango sila sa akin at nginitian ko sila at tsaka ako nagmadaling tumakbo sa palabas ng canteen papunta sa classroom namin, hinalungkat ko ang bag ko at nakita ko ang isang box, agad ko itong inayos upang ito na lang ang regalo ko sa kanya. Oo na! Hindi ako prepared pero sana naman maging maayos ito.

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon