Chapter 23

213 4 0
                                    

Alexis' POV


Pagkatapos ng araw na iyon ay naging busy kami, minsan na nga lang din kami magsama ni Van dahil sa practice. Mas nakakapagod pala maging soccer player kesa maging volleyball player.

Break time namin. Kumakain kami ng mga kaklase ko nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Pagkatingin ko kung sino ang tumatawag ay bigla akong kinabahan, pero napangiti din ako.

"Hello?"

"Let's meet."

Napatingin ako sa oras, "Ngayon na?"

"Yes. And you look tired..."

Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid, "How did you know?"

"Because I'm watching you right now."

Pilit ko siyang hinahanap pero hindi ko siya makita, where the hell is he?

"Mahihirapan kang hanapin ako, kaya let's meet. I want to hug you so bad."

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang binaba. Nagpaalam ako sa kanila at pumunta ng hallway. Dumaan ako sa second floor kasi baka nandoon siya sa room. Nakakaisang hakbang pa lang ako nang biglang may humila sa akin. Hindi ko siya masyadong mamukhaan dahil sa sobrang dilim dito pero familiar sa akin ang pabango niya kaya hindi na ako nagtaka kung sino ito.

"Did you miss me?" sabi niya.

"Tss. Ano bang meron at pinapunta mo ako dito?"

"Bakit ang sungit mo?"

Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang din siya sa akin. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit ba habang patagal ng patagal ay mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko?

"May practice pa ako-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin, "Hindi mo ako namiss?"

Daig pa niya ang bata na nagtatanong sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ngumiti.

"Ang kulit mo..."

Napasimangot siya at ako naman ay mas lalong lumawak ang ngiti.

"Babalik na ako, Van. Baka hinahanap na ako ni Franz."

Nilayo niya ang mukha niya sa akin at nagsimula na ulit siya maging seryoso. Ilang sandali kaming natahimik, wala na ba siyang sasabihin?

Napakamot ako sa ulo ko at tumingin sa kanya, "Sige... una na ako."

Bago ako makaalis ay hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Napukaw rin ng pansin ko si Franz sa labas na parang hinahanap ako.

"Si Franz-"

"Stop thinking about him!"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, "Eh?"

"Nagseselos ako..."

Nakatingin lang ako sa kanya at pilit kong iniintindi ang sinabi niya. Maya-maya ay pinunasan ko ang pawis ko dahil kinakabahan ako. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya at lumapit ulit sa akin, pinunasan niya ang pawis ko gamit ang panyo niya. Napatingin ako sa kanya habang ginagawa niya iyon, pero ilang sandali lang ay nakaramdam ako na para bang nandidilim ang paligid ko... nakakaramdam na naman ako ng pagkahilo...

"Xandra..."

Sa pagpikit ko ng mga mata ko ay may batang nakatingin sa akin habang binabanggit ang pangalan na Xandra. Naramdaman ko ang paghawak ni Van sa magkabilang braso ko.

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon