Van's POV
I'm still here at my house at naghahanda na ako para pumunta sa school. Manonood kasi ako ng soccer girls game. Ako lang naman mag-isa dito, nasa States ang parents ko. Dapat nandoon rin ako ngayon, kaso kailangan ko muna manatili dito. Because I'm searching for someone, and I promised to my parents that I will find her, all by myself.
Napatingin ako sa orasan ko, magsisimula na pala ang game. Aalis na sana ako kaso biglang may tumunog ang doorbell. Hindi na ako nagulat, alam ko na rin na si Yuri ito. At saktong pagbukas ko ng pinto, I'm right.
"Good morning, Van!" she smiled at me.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at lumabas na ng bahay. What's good in the morning when the first thing I see is your face? Naramdaman ko ang pagpulupot nga mga kamay niya sa braso ko at mabilis ko rin itong inalis, nakita ko na naguluhan siya dahil sa ginawa ko.
"I gotta go, Yuri."
Nakita ko ang pagsimangot niya, "At kailan ka pa natutong tumanggi ka sa akin? Nagbago ka na talaga!"
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang makaabot na ako ng kotse ko.
"Where are you going?!"
Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa kotse ko, sisimulan ko na dapat magmaneho kaso bigla siyang pumasok. I rolled my eyes, I really want to yell to her but I need to control it. Kung hindi lang talaga siya babae.
"And where are you going without me?" saad niya habang sinusuot ang seatbelt. I sighed heavily, bakit ba ang tigas ng ulo niya?
"You have your car, bakit ka pa sasabay sa akin?"
She looked at me, "Because I want to be with you. Ano bang masama doon?"
"Sa school lang ako pupunta, Yuri."
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa sinabi ko, "Then I'll go with you!"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. At dahil late na rin ako ay nagsimula na rin akong magmaneho. Sandali kaming natahimik at sana tuloy-tuloy na.
"Bakit ba gusto mong manood ng soccer game?"
Hindi ko siya pinansin. Bawal na ba ako manood? I'm a soccer player!
"Don' tell me... because of that Alexis?"
I rolled my eyes, nakita niya iyon pero hindi siya nag-react. Nang makarating na kami ay inayos ko na ang gamit ko at lumabas na agad ng kotse nang hindi siya pinapansin at naglakad na papasok ng campus. Nasa gate pa lang ako ay naririnig ko na nagsisimula na ang game. Nakita ko rin na madami din pala ang tao na nanonood.
Hinanap agad ng mata ko si Alex at nakita ko naman agad siya. Tumatakbo siya palapit sa mga team mates niya. Napatingin ako sa score at napangiti. Maglalakad pa sana ako pero biglang may humawak sa braso ko at si Yuri iyon.
"Bakit mo naman ako iniwan doon? Nakakatampo ka na ha..."
Hindi ko nalang siya pinansin at nanatili nalang ang pagfocus ko sa panonood.
Last game na.
Nakatingin lang ako kay Alex at napansin kong siya ang gagawa ng huling sipa para sa team nila.
"Hindi naman niya magagawa yan."
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya, "Guess who's talking na wala namang alam sa sports."
Nakita ko ang gulat sa mukha niya, na para bang naiiyak siya dahil sinabihan ko siya ganon. What? I'm telling the truth! Well, truth hurts like hell.
"What? Pinagtatanggol mo ba siya?"
Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko ulit si Alex. Mukhang gagawin na niya ang kick. Sinimulan na niyang sipain ang bola pero agad siyang napatid kaya naagaw ng kabilang team yung bola. Agad akong napatayo. Pero bago pa ako makapagreact ay nakita ko siyang tumayo at tumakbo Nagulat ako, sobrang bilis niyang tumakbo.... at dahil mabilis nga siya, agad niyang naagaw ang bola at sinipa niya ito.
Napatingin ako sa bola. Goal!
Narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Napangiti ako.
Tinitingnan ko pa rin siya habang tinutulungan siya ng mga team niya na tumayo. Pinakita sa malaking screen kung paano niya nagawa ang kick. She look so professional! Ganon na ba talaga siya kagaling?
"Let's go, Van. Tapos na ang game!"
Bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako. Pero agad rin naman akong napatigil noong narinig ko ang hiyawan ng mga tao at nakita ko si Alex na nawalan ng malay. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Yuri sa braso ko at tumakbo palapit sa kanila. Nang makalapit na ako ay hinawakan ko siya. Damn! She looks so pale!
"What happened to her?"
"B-bigla siyang nawalan ng malay nang pagkalapit namin sa kanya..."
Hindi na ako muling nagsalita pa at binuhat ko na siya papunta sa clinic.
Nandito na kami sa clinic at napatingin ako sa nurse habang ineexamine siya, "Masyado siyang napagod at sobrang nahilo dahil sa game. But, don't worry, she's okay. Kailangan lang niya magpahinga."
Tumango kami at nagpaalam na sa amin ang nurse para umalis saglit. Napatingin ako sa mga kasama ko dito sa clinic. Si Franz at ang dalawang kaibigan niya sa volleyball school na si Krystal at Hannah, ang ibang team mates niya ay nasa labas habang naghihintay.
"Masyado ata siyang nagpractice para dito sa game..." saad ni Franz.
"Diba sabi ko naman sayo alagaan mo si Alex?!" nakita ko kung paano hinampas nung Krystal si Franz sa braso nang paulit-ulit at wala naman magawa itong lalaking ito.
"Relax nga! Ang pangit mo na nga, nas-stress ka pa- ARAY!!!"
"Wag mong ibahin ang usapan! Halika dito!"
Nagsimula na silang dalawa na maghabulan at magkasakitan, napailing ako. Napatingin ako kay Hannah at nakatingin na rin pala siya sa akin, "Van? Pwede bang pakibantay muna si Alex? Ilalabas ko muna itong dalawa..."
Tumango ako sa kanya at mabilis din naman niyang nahila ang dalawa na lumabas dito sa loob ng clinic.
I looked at her, she looks so tired. But I'm glad that she's fine.
Hinaplos ko ang mukha niya.
From now on, I really need to protect her.
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Romance[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?