Alexis' POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko... napatingin ako kung anong oras na. 11 o'clock in the evening. Hindi na naman ako makatulog. Sa sobrang dami kong iniisip, pati pagtulog ko nadadamay na. Agad akong tumayo at binuksan ang bintana sa kwarto ko. Napatingin ako sa taas, napangiti ako ng bahagya, ang daming bituin ulit sa langit.
Tumunog ang phone ko, kinuha ko naman ito agad, sino kaya ang tatawag ng ganitong oras?
Unknown number. Sino kaya ito?
"Hello?" sabi ko pero walang sumagot, tiningnan ko pa kung nasagot ko ba, "Who's this?"
"You deleted my number..."
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ko ang boses niya, "V-van?"
He chuckles, "I love the way you call my name..."
Kasabay ng mahina niyang pagtawa ay naririnig ko din ang ingay sa paligid niya, "Where are you?"
Pero hindi niya agad ako sinagot.
"I need you to stay with me, Xandra."
Napatigil ako sa sinabi niya, ilang minuto kaming tahimik lang at pinapakinggan ang bawat pag-hinga ng isa't isa. Pero ilang sandali lang ay binaba niya ang tawag.
He's drinking?
Agad naman akong humiga sa kama ko. Pero hindi mawala sa isip ko kung nasaan siya. Sa boses pa lang niya ay halatang ang dami na niyang nainom at lasing na! Hindi na ako matahimik, agad akong tumayo at nagbihis.
Nakatingin ako sa harap ng isang club ngayon. Nananalangin na ako na sana nandito si Van, eto lang kasi ang alam ko na pwede niyang puntahan kasi eto lang naman ang malapit sa bahay niya. Pagkalabas ko pa lang ng kotse, pakiramdam ko ay mahihimatay na ako dahil sa usok ng mga sigarilyo. Agad naman akong pumasok sa club na ito at mabilis din akong napapasok dahil kilala pa ako ng bouncer.
Pagdating sa loob, nagsasayawan, nag-iinuman, naninigarilyo. And I saw some couples kissing. Napairap ako.
Ngayon ay hinanap ng mga mata ko si Van. Where the hell are you?
Nang may napansin akong nag-iisang lalaki sa counter at likod pa lang niya ay alam kong siya na iyan. Nandito nga siya at umiinom. Lumapit ako sa kanya at nakipagsiksikan pa ako sa mga nagsasayawan para lang makalapit sa kanya.
Bago pa siya makainom ulit ay agad ko itong kinuha.
Naningkit ang mata niya at napatingin sa akin, dali-dali itong lumaki nang nakilala niya ako, "Hi, my Alexandra..."
He smiled at me. Napairap ako, "Why are you drinking, Mondonedo?"
Sumimangot siya sa akin na parang isang bata. Hinawakan niya ako sa baywang at hinila palapit sa kanya, siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang mainit niyang pag-hinga na nagpapakabog lalo ng dibdib ko.
"Wag ka na magalit... uuwi na rin naman ako. Isang shot na lang..."
Kukunin dapat niya ang baso kaso agad ko itong nilayo sa kanya, "No. You're already drunk, let's go home."
Para siyang bata na nakikipag-agawan ng candy sa akin, "Wag ka ngang makulit! Tsaka, ano ba tong iniinom mo?" inamoy ko naman iyon... Ang tapang! Vodka ba ito? Nilayo ko ito sa kanya at nakita ko ang dalawang bote sa tabi niya, naubos niya yan na siya lang?!
"Let's go," agad ko siyang hinila pero bumalik siya doon para kunin ang baso, damn! Daig pa ang bata sa sobrang kulit!
"I said, let's go!"
Wala na akong choice kaya binuhat ko na siya, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko na iyon para mabuhat siya kaya nagmadali na rin ako lumabas, pinapadyak niya ang paa niya na parang ayaw pa niya umuwi.
Pagkalabas namin ay agad ko siyang binaba at pinaupo sa may upuan, hinabol ko naman agad ang hininga ko. Naramdaman ko na tatayo pa siya pero agad kong hinawakan ang braso niya at pinaupo siya ulit.
"Alvan Danielle!"
Natahimik siya at umupo ng tuwid, "Yes, ma'am!"
Napailing ako at narinig ko naman na mahina niyang tawa. Ngayon pa lang ay hindi ko na siya ulit papainumin! Ilang sandali kaming natahimik at siguro ay mas mabuti na ganito na lang. Pero hinawakan niya ang mukha ko at hinarap ito sa kanya.
"May problema ako..."
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya dahil amoy alak ang hininga niya, "Ano?"
Napatingin din siya sa akin at biglang sumimangot, "Bakit sobrang pogi ko?"
Pakiramdam ko ay nabagsakan ako ng maraming hollow blocks sa ulo.
"Alam mo, lasing ka lang... umuwi na tayo at gabi na masyado."
Hinawakan ko ang braso niya para alalayan siya pero hinila niya ako paupo, "Mamaya na... gusto pa kita makasama ng mas matagal."
Napatigil ako sa sinabi niya at napairap ako sa kawalan. Kapag hindi ko pa ito iuuwi mapupunta na naman kami sa usapan na iniiwasan ko.
"Wag na natin pag-usapan ito, Van... Umuwi na tayo-"
"Papatawarin mo pa ba ako?"
Naramdaman ko ang mainit na palad niya sa palad ko. He intertwined his hand into mine. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtulo ng luha niya, "I don't want you to leave..." iniwas ko ang tingin ko sa kanya, "H-huwag mo akong iwan. Please, Xandra... Wag na ulit..."
Agad kong binitawan ang kamay niya at lumayo sa kanya.
"Fuck... I love you so much..."
Tumingin ako sa kanya at napansin kong nakatulog na siya. Nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha niya at doon na tuluyang lumabas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Романтика[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?