Chapter 29

197 4 1
                                    

Alexis' POV


Napadilat ako dahil sa sinag ng araw... umaga na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras dahil sa nangyari kagabi. Bumangon ako at tiningnan ko ang cellphone ko.

Walang text o tawag man lang.

Napailing ako at agad na tumayo para maligo.

Eto kasi ang araw na pagbabalik ko sa volleyball school!

Pagbaba ko ay nakita ko si Krystal at Hannah. Hinihintay pala nila ako, ngumiti ako sa kanila at sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay. Grabe, ramdam ko ang kaba ko, ganito rin ang naramdaman ko noong unang pasok ko sa soccer school.

Napalingon ako sa bintana ng kotse at madadaanan namin ang soccer school.

"Wait, itigil niyo na muna..."

Hindi ako nakarinig ng reklamo ngayon kay Hannah at kusa niyang tinigil agad ang sasakyan. Tiningnan ko ang gate ng soccer school at nakita ko ang poster ng championship.

Next week na rin pala.

Napangiti ako ng mapait.

Naramdaman ko na hinawakan ni Krystal ang balikat ko at ngumiti siya sa akin, "Hindi mo talaga maiiwasan mamiss ang school na yan."

Ngumiti din ako sa kanya at napatingin ulit sa school, "Syempre, naging parte na rin ng buhay ko ang soccer school kahit sa sandaling panahon...."

Iniwas ko ang tingin ko at bumalik na sa katinuan.

"Let's go! Excited na ako makabalik!"

Nakarating na kami sa volleyball school at ako ang unang pumasok, saktong pagpasok ko ng gate ay nagulat ako sa nakita ko.

Ang mga kaklase ko.

May cartolina silang hawak habang ang nakasulat ay, "Welcome back, our MVP!"

Napangiti ako ng malawak at biglang may naghagis sa akin ng bola na nasalo ko naman agad. Natawa na lang ako. Damn, I missed them! Nakita ko rin si coach, mas lalo akong napangiti kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko lumapit sa kanila at yakapin sila isa-isa.

"Namiss niyo ba ako?"

"Syempre naman! Simula kasi noong nawala ka dito, parang nawalan na rin ng buhay ang volleyball school."

Nagtawanan kami at pumunta kami ng gym. Pakiramdam ko sobrang aliwalas ng pakiramdam ko kasi nakabalik na ako dito. Wala naman nagbago, niyaya ko ang ibang team mates ko na maglaro. Pero bago kami maglaro ay bigla akong nakarinig ng mga tilian ng babae.

Napatingin ako kung saan nanggaling ang tilian.

Pero isang mali ata ang ginawa ko.

Kasi ang tinitilian pala nila ay si Van. Kasama niya rin sina Franz at Nick.

Umiwas ako ng tingin at inisip na lamang na wala siya dito kaso hindi ako makapagfocus dahil sa sobrang lakas ng tilian nila.

Nasa volleyball school na ako, bakit ba ayaw niya pa rin ako tigilan?

"Alexis."

Napatigil ako sa ginagawa ko, nakita ko si Franz na palapit sa akin.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Nagpumilit siyang pumunta dito. Nahihilo pa nga iyan... kaso sobrang pasaway kaya sumama na kami."

"For what?"

"Sa tingin mo ba ay ayos lang sa akin na bumalik ka dito?" at sa pagkakataong ito, napatingin na ako kay Van. He looks so wasted, sa utak ko ay gusto ko siyang tawanan. Yan ang nababagay sayo.

"Nakabalik na ako diba? Hindi ko na kailangan ng approval mo-"

"Let's have a deal."

Sa pagkasabi niyang iyon, lahat ng tao sa paligid namin ay natahimik at tipong nakikinig na sa aming dalawa. Naningkit ang mata ko.

"What is it?"

"Let's play soccer. You versus me."

Natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Let's see, na ang MVP ng volleyball school ay makakalaban ang MVP ng soccer school."

Napangisi ako. Nasisiraan na ata siya ng bait, "Wala akong panahon para makipaglaro pa sayo. Kaya pwede ba, tigilan mo-"

"Kapag nanalo ako, mananatili ka sa soccer school."

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya, narinig ko ang bulungan ng ibang tao sa paligid namin, naiyukom ko naman ang kamao ko. Damn you, Mondonedo. Hinawakan ako ni Franz sa balikat na ikinalma ko naman.

"Pero kapag nanalo ka, fine... ako na mismo lalayo sayo at titigilan na kita."

"Are you insane?"

Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay ngumiti lang din siya. Malakas ang kutob ko, mahirap siyang kalabanin. Lalo na't babae ako... matagal na simula noong naglaban kami noong soccer, paano pa kaya ngayon na mas magaling na siya sa akin?

"No... Last request ko na rin naman sayo ito."

Matinding pag-iisip ang ginawa ko bago ako sumagot. 

"Wag mo sabihing, natatakot kang matalo?"

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nang-aasar ba siya?

"Bakit ako matatakot?"

He flashed a smile, "Okay, then. So, pumapayag ka na?"

Binitawan ko ang bola ng volleyball at nilagay ito sa paanan ko. Inikot-ikot ko rin ito.

"Deal."

I smiled at him. Ngumiti rin siya akin.

Pero inaamin ko, hindi ko alam ang pwedeng mangyari....

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon