Chapter 18

218 3 0
                                    

Alexis' POV


Kanina pa ako hindi mapakali. Bakit? Kasi kanina pa sumasakit ang puson ko... Eto na ba ang day? Noong isang araw kasi may lagnat ako... ngayon naman, red flag? Why so cruel?

Napatingin ako sa buong paligid at lahat sila naka-focus lang habang nagsasalita si coach sa unahan. Napakagat labi naman ako... paano na ito? Mag-eexcuse na ba ako para pumuntang CR? Pero bago ako makapagsalita ay napatingin ako kay Van na nakatingin na rin pala sa akin. Napansin niya na rin siguro na kanina pa ako nakapulupot habang hawak ko ang tyan ko.

"What's your problem?"

Nag-aalinlangan pa ako kung anong sasabihin sa kanya.

"Uh, I need to go to the bathroom..."

Akala ko ay may irereact pa siya pero nilihis na lang niya ang tingin sa akin at nagtaas ng kamay, "Coach, may I go out?"

Nalipat ang tingin kay Van, "Okay, be quick, Mondonedo-"

"Kasama ko po si Alexis."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero hindi na ako nakapag-react pa noong bigla na lang niya akong hinila patayo at noong nasa pinto na kami ay tumingin ulit siya kay coach.

"Be right back."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na niya akong hinila papunta sa restroom.

"I'll wait here."

Ako naman ay dali na ring pumuntang cubicle para tingnan kung eto na talaga ang araw. At hindi nga ako nagkakamali! Napapikit ako... bakit hindi ko man lang naalala na ngayon? Wala pa naman akong dalang napkin!

Pagkabukas ko ng pinto ng CR ay nakita ko si Van na nakasandal pa sa pader at halatang hinihintay ako.

Agad niyang nilipat ang tingin sa akin, "Are you okay?"

Napakagat ako ng labi. I have no other choice! Pero nakakahiya kasi. But I need to do this!

"Uuh, pwede ba makahingi ng request?"

Bago ko sabihin ang sasabihin ko ay pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko. Bahala na nga! Umiling ako at inekis ang braso ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at nagtataka sa reaksyon ko.

"What is it?" aniya.

"Hindi na...."

"What's the problem, Alexis?"

"Wala yon. Ako na lang bibili ng sanitary pad-"

Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa sinabi ko, sandali kaming natahimik pareho at iniisip pa niya ang nasabi ko. Anong klaseng bibig ba ang meron ka, Alexis?! Nakakahiya!

"Sanitary pad? You mean... napkin?"

Mas lalo ata akong namula nung binanggit niya iyon. Lamunin na sana ako ng lupa!

"Uh, it's fine! A-ako na lang ay bibili mamaya... S-sige, mauna ka n-na."

Dali-dali kong sinira ang pinto at napapikit. Good luck sayo, Alexis!

Inip na inip na ako.

Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang kaba. I really hate red days!

Ilan na rin ang pumasok na girls dito sa restroom at dahil may hiya naman ako ay lalabas na ako. Ilang minuto na rin ako naka-stay dito at mukha na akong tanga. Saktong paglabas ko ay bigla akong nagulat sa nakita ko. Inabot niya sa akin ang isang sapot ng plastic bag habang nakaiwas ang tingin sa akin.

"I'm sorry. Ang dami kasing tao sa tindahan kanina..."

Napatingin ako sa hawak niya na plastic bag na ang nasa loob ay napkin.

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon