Chapter 5

296 7 0
                                    

Alexis' POV


"Sorry po, tita. Hindi ko nagawa..." I looked at her, at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya dahil malungkot ako, kaya ngumiti ako sa kanya, "Pero okay lang sa akin na hindi makapasok sa soccer school, siguro nakatadhana talaga sa akin ang volleyball. Gagalingan ko po sa susunod na laban namin..."

Huminga ako ng malalim, halatang may pait ito dahil gusto ko talaga makapasok sa soccer school. Pero hindi talaga ako pinayagan ng tadhana. Tumingin ako sa kanila na ngayon ay nag-uusap na naman ang mata nila pareho.

Tumayo ako para pumunta na sa kwarto ko, I really need to rest. It was a long day.

"Akyat na po ako sa kwarto."

Naglakad na ako paalis kaso napatigil ako dahil nagsalita si tito, "Maghanda ka bukas, i-eenroll ka namin sa soccer school na sinasabi mo."

Halos malaglag na ang eyeballs ko dahil sa sobrang gulat sa narinig ko. 

Seriously?! Humarap ako sa kanila habang nakangiti silang dalawa sa akin.

"A-ano po?"

"Magaling ka. Wag mong sisihin ang sarili mo. Kaya ngayon, pagbibigyan ka namin sa hiling mo."

Hindi ko na sila pinatapos magsalita at niyakap ko sila pareho dahil sa sobrang tuwa! Nagpasalamat ako sa kanila at agad ko itong binalita sa mga kaibigan ko, at ngayon, habang nakukumpirma nila ang mga pangyayari ay mas lalong lumulukot ang mga mukha nila.

"What? Itutuloy nila ang enroll mo sa soccer school?!"

"Yes! Bad news, right?"

Nagkatitigan silang dalawa. I knew it, nagkaroon talaga sila ng plano na matalo ang game namin.

"Akala ko ba napag-usapan na natin ito? Hinayaan niyo lang na matalo tayo dahil alam niyong mag-eenroll ako sa soccer school? Championship yon! School natin ang ang nakalaan doon..."

"Ginawa lang namin yon kasi nga ayaw ka namin umalis!"

Nagsimula na ang katahimikan sa aming tatlo. I took a deep breath bago ulit ako magsalita.

"It's only 200 days. Napag-usapan na namin yan nila tita, 200 days lang..."

Nagliwanag ang mukha nila dahil sa narinig.

Yes, 200 days. Dahil nga natalo kami sa championship, hindi ako pinagbigyan na mag-stay, pero malaki parin ang pasasalamat ko dahil makakapasok ako.

"Hindi ka magtatagal doon?"

"Of course, yan ang usapan namin-"

"Pumapayag na kami na mag-enroll ka sa soccer school!"

Bigla naman nila akong niyakap na dalawa, may malaking question mark na lumabas sa ulo ko. Pero hindi ko na iyon inisip pa dahil pumayag na rin silang dalawa na lumipat ako.

Kinabukasan ay sinamahan ako ni Franz upang kumuha ng form, "Eto lang ang gagawin mo, sagutan mo itong form. May pipirmahan ka rin mamaya para maibigay ko na rin sa coach mamaya."

Nandito ako sa soccer school at nag-eenroll na. Ang sosyal, talaga naman na mas malawak ang soccer school kesa sa volleyball. Mukhang matinding paninibago ang haharapin ko.

Sinagutan ko agad ang form na binigay sa akin ni Franz. Noong tapos ko na siyang sagutan ay may binigay siya sa aking paper at pinirmahan ko iyon. After three days ko pa daw malalaman kung pasado ako o hindi.

At dahil sobrang bilis ng panahon ay tatlong araw na ang nakalipas, agad kaming nagkita ni Franz dahil alam na niya ang resulta.

"Franz! Ano na?"

Nakita ko ang lungkot sa mukha niya, "Alex..."

Nabigo ako bigla nang makita ko ang reaksyon niya. Ano? Hindi ba ako pasado?

Hindi ba talaga nakatadhana sa akin ang soccer--

"Pasado ka!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "Seryoso?!"

Hinila niya ako papasok sa loob ng soccer school at hinarap niya ako sa bulletin board. Tiningnan ko ang bawat nakalistang pangalan na nakapasa. At nabasa ko ang pangalan ko, hindi ako makapaniwala. 

Nakapasa ako!

Nagtawanan kami at nagsimula na maglibot sa buong soccer school, dito ako mag-aaral ng 200 days, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng saya at kaba.

"Nasaan si Van?"

"Umuwi muna sa kanila, hindi ko rin alam kung bakit. Maybe he'll come back tomorrow."

Kinausap ako ng isang coach na pwede akong magsimula next day o kaya naman bukas pero sinabi ko bukas na. Nakapagpaalam na rin kasi ako sa volleyball school, okay lang naman at pumayag sila. Hihintayin nalang daw nila ako after 200 days.

Umuwi na rin ako para ipaalam sa kanila ang balita ko. Pagkauwi ko, nakita ko si Hannah at Krystal na nakikipagkwentuhan sa tita at tito ko, napalingon sila sa gawi ko at hindi ko na napigilan ang saya ko kaya niyakap ko sila isa-isa, nagtaka sila sa reaksyon ko.

"I passed!"

Nakita ko ang tuwa sa mga mukha nila na masaya rin sila malaman na nakapasa ako.

"Okay, sige. But promise us na sa loob ng 200 days, aalis ka na doon..."

Napatingin ako sa kanilang dalawa at ngumiti, "Yes, I promise."

"Kapag ikaw umuwi dito at lalaki ka na talaga. Sinusumpa ko, kakalbuhin kita!"

Natawa ako sa sinabi niya, "Babae pa rin ako pag-uwi ko, tsaka hindi naman magbabago ang gender sa paglaro ng soccer, ano ka ba."

"Wag kang magpapaloko sa mga lalaki doon. Wag kalimutan ang volleyball kahit soccer ang laro doon," sabi ni Hannah habang inaayos ang gamit ko.

"Ikaw kasi! Hindi mapigilan, kailangan mo ba talagang umalis dito para sa kanya?"

Napabuntong hininga ako at napatingin sa kanilang dalawa, "Alam kong hindi ko dapat gawin ito, pero gusto ko lang talaga siyang makilala ng husto. I want to reach him, I want to reach my prince..."

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon