Chapter 30

223 4 1
                                    

Alexis' POV


Matinding buntong-hininga ang ginagawa ko ngayon. Hindi ko alam kung kinakabahan ako, natatakot, o hindi kaya na-eexcite. Simula noong pumayag ako sa laban ni Van, hindi na ako tumigil sa practice.

Ngayon ko na lang ulit siya makakalaban at hindi ko ito inexpect sa buong buhay ko. Napatingin ako sa orasan, 10 minutes before the game starts to begin. Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko, pagkatingin ko ay si Nick pala. Ngumiti ako ng bahagya at tumabi siya sa akin.

"Are you nervous?"

"Medyo..."

Napangiti rin siya sa sinabi ko, "Sino nga ba ang hindi kakabahan kapag kalaban ang isang Van Mondonedo?"

Napansin ko ang sarili ko na nilalaro ang mga daliri ko. Nagagawa ko ito minsan kapag hindi ako mapakali sa isang sitwasyon.

"Good luck. Alam ko naman na kaya mo yan. Ikaw pa?" inabot niya ang kamay niya sa akin at inalalayan ako tumayo. Napatingin ulit ako sa orasan, magsisimula na, "Go for the goal, Alexandra." ngumiti siya sa akin at sinuklian ko rin siya ng isang ngiti.

"Thank you, Nick."

Pagkatapos noon ay agad na akong lumabas ng loob ng room, napatingin ako sa taong kakalabas lang din sa isang kwarto, napatigil kami pareho nang magtama ang tingin namin sa isa't isa.

Lumapit siya sa akin, "Good luck."

Inabot niya sa akin ang kamay niya, agad ko naman iyon tinanggap.

"Let the real game, begin..."


Pumunta na ako ng soccer field, hindi naman ganon karami ang taong manonood sa amin. Karamihan ay ang mga school mates lang namin-- I mean, mga students dito sa soccer school. Nakita ko na kinawayan ako nila Hannah at Krystal at nasa tabi rin nila si Denise at Lyan. Napangiti ako.

Napansin ko rin ang kararating lang dito sa field na sina Nick at Franz.

Mas lalo akong ginanahan maglaro, dali-dali kong tinali ang buhok ko at nakita ko na si Van. Narinig ko ang ilang hiyawan ng mga nanonood sa amin. Nagkatinginan kami habang hinihintay na magsimula ang game.

Nasa akin ang bola, kaya mas mapapadali ko na maipanalo ito. Inikot-ikot ko ito sa aking paa habang nakatingin sa kanya, he smirked at me.

Nang marinig ko ang pito, agad akong tumakbo kasama ang bola. Naramdaman ko na bigla niya akong hinarangan at agad na inagaw sa akin ang bola, nakuha niya rin naman ito. Nagulat ako, paano iyon nangyari?

 Nagulat ako, paano iyon nangyari?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang bilis niya tumakbo... kaya bihira na lagi niya itong naipapanalo. Narinig ko ang hiyawan ng mga nanonood, napasok niya kasi sa goal. Shit. Mukhang mahihirapan talaga ako....

Tumingin siya sa akin na nakangiti, nginitian ko rin siya. First game pa lang ito, may pagkakataon pa ako para bumawi.

Nang magsimula na ulit kami ay agad kong nabawi ang bola, sinipa ko ito ng malakas para mas mapabilis ang pagsipa ko sa goal. Binagalan ko lang ang takbo ko para hindi ako masyadong mapagod. Naramdaman kong nahahabol na ako ni Van kaya kahit malayo palang ang net ay ulit kong sinipa ng malakas ang bola. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao at napangiti ng wagas.

Pinunasan ko ang tumatagaktak kong pawis at tiningnan ang scoreboard. Mas lamang siya sa akin sa kicks pero mas mataas ako sa shots.

Natapos na ang break namin at pumwesto ulit kami sa gitna ng field.

Pumito na. Agad niyang sinipa ang bola palayo sa pwesto ko. Tumakbo ako pero mabagal lang, nakaisip ako ng paraan.

"Van!" lumingon siya sa akin pero tumatakbo pa rin siya, "I love you."

Nakita ko na nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at napatigil sa pagtakbo. Mas lalo akong napangiti, ang buong akala niya ay tumatakbo ako palapit sa kanya, pero nagkakamali siya...

Agad kong sinipa ang bola papunta sa net.

Goal!

Narinig ko ang sigawan ng mga tao, natawa ako sa isip ko! Got you, Mondonedo!

"Anong ginawa mo?" aniya.

"Why?"

"Dinaya mo ako!"

I smirked, "Daya ba ang tawag doon? Sinabi ko ba na huminto ka? Ikaw ang may kasalanan..."

Iniwan ko siya doon at kinuha ulit ang bola. Napatingin ako sa oras, medyo mahaba pa. Konti na lang at maabutan ko na ang score niya.

Nagsimula na ulit ang game. Nasa akin na. Napansin ko na nasa gilid ko lang si Van at nakatingin sa akin, okay... Bahala ka dyan. Ipapanalo ko na ito.

Nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa harapan ko at nagkatitigan kami.

"Magpapatalo ka na ba?" sabi ko.

Ngumisi ako ngunit bigla rin itong nawala nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mata ko at agad na napatigil, mabilis lang iyon pero pakiramdam ko ay sobrang tagal. Naiwan akong nakatulala, natauhan na lang ulit ako ng marinig ko ang lalong lumakas na hiyawan ng tao. Nasipa niya pala sa goal.

Shit.

"Ang landi niyo! Magbalikan na nga lang kayong dalawa!" narinig ko na sabi ni Krystal.

Agad akong lumapit kay Van at hinampas siya ng malakas! Napaaray siya sa ginawa ko.

"Bakit mo ginawa iyon ha?!"

Ngayon naman ay siya ang ngumisi sa akin, "Ang unfair naman kung sinabi mo na mahal mo ako tapos hindi ko man lang naramdaman..."

What the hell, inayos ko ang buhok ko at tiningnan ulit ang scoreboard.

Eto na ulit ang totoong laban.

4 minutes.

Pakiramdam ko ay sobrang intense na. Konti na lang ang oras.

Pagod na kami pareho... pero wala sa aming dalawa ang balak tumigil o sumuko.

Last game.

Kapag nasipa ko ito sa goal, maaring maipanalo ko. Ngunit kapag siya ang nakasipa, mas lalong lalaki ang score niya at mananalo siya sa akin.

Narinig ko na ang pito. Natahimik na rin ang mga tao sa paligid namin. Pakiramdam ko kaming dalawa nalang ni Van ang nandito sa field. Hinabol ko siya dahil nasa kanya ang bola. Nang nasa tabi na niya ako ay agad kong sinipa ang bola palayo sa kanya, pero shit. Ang layo din sa akin!

Pero thank God at naunahan ko siya at humarang siya sa harap ko.

Pareho na kaming naliligo sa sarili naming pawis.

"Bakit ba ayaw mo nalang sumuko?" tanong niya.

I smiled at him, "Kung gusto, may paraan."

"Ayaw mo na ba talaga ako makasama?"

"Wag mo akong guluhin, Van-"

"I'm serious now, Alex."

Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang din siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"Kung ayaw mo na, titigil na ako... hahayaan na kitang manalo. Dahil doon lang din naman mapupunta diba, iiwan mo din ako..."

I rolled my eyes at him. Napatingin ako sa oras, 30 seconds.

Damn.

Agad ko siyang nilagpasan at hindi niya ako hinabol.

At ang huling narinig ko na lang ay ang malakas na hiyawan ng mga tao....

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon