Chapter 16

227 5 0
                                    

Alexis' POV


Naglalakad ako ngayon sa hallway at pakiramdam ko ay parang ang weird nga ng mga tao. O pakiramdam ko lang talaga iyon? Hindi ko na iyon binigyan ng pansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad ko. Naisipan ko na pumunta muna sa tapat ng library, hagdan kasi iyon tsaka walang masyadong tao. May usapan kami ni Franz na magkikita kami eh total malapit lang ang room niya dito kaya dito nalang ako maghihintay.

Nang nandito na ako ay agad akong umupo at kinalikot ang phone ko.

"Waahh!!!!"

Nagulat ako kasi may biglang may taong nahulog galing sa langit at nandito ngayon sa harap ko! May taong tumalon pababa ng second floor! Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang mamukhaan ko na si Van ito! Damn! Tumayo ako at tumingin sa taas, tumalon ba siya?!

"T-tumalon ka?"

Pero bago niya ako sagutin ay hinila niya ako papuntang sulok. All this time, hindi ko alam na may lahi na spiderman itong si Van! Nakarinig ako ng hiyawan at nagtatakbuhan na mga babae na para bang sila ay may hinahanap. Napatingin ako sa kanya at seryoso lang ang mukha niya, nang medyo ramdam na naming dalawa na nakalayo na ang mga babae ay napatingin ulit ako sa kanya.

"I-ikaw ba ang hinahabol nila?"

Napatingin siya sa akin at tumango, "Hindi ko alam kung paano sila nakapasok dito sa school..."

Grabe, hindi ko alam na may gagawa ng ganon! Wala ba silang respeto? Tumingin ako kay Van at mukhang sanay na rin naman siya sa mga ganitong scenario.

"Ayos ka lang ba?"

Nagtataka siyang tumingin sa akin, "Why?"

"Wala ka bang pilay or anything? Hindi ka ba nasugatan, ha?"

Hinawakan ko ang braso at tiningnan ang binti niya, kaso hindi ko na iyon nakita pa nang lumayo siya sa akin. Umangat ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang gulat sa mukha niya... ilang beses kong nakitang bumukas ang bibig niya pero walang salita na lumalabas.

Bago ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"Do you want to go somewhere?"

Hindi ko siya nasagot dahil hinila na niya ako. Nakalabas din kami dahil wala ang mga guards, siguro ay hinahabol ang mga fangirls na nakapasok dito.

But where are we going?

Napanganga ako habang tinitingnan ang paligid namin. Ngayon na lang kasi ulit ako nakapunta dito... Amusement Park. Sobrang daming tao pero mukhang wala naman nakakakilala sa amin dito. Habang tinitingnan ko ang mga tao ay nakikita ko lang ang kasiyahan sa mga mukha nila. They look so happy, and it's a priceless feeling.

"Anong ginagawa natin dito, Van?"

"You look so stress this days, you need to have some fun."

Napatingin ako kay Van at seryoso lang din siyang nakatingin sa paligid, lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Come on, you need a break! Let's go?"

Hinila niya ako papunta sa pilahan ng roller coaster. Napalunok ako bigla, bakit naman ito ang una naming sasakyan?! Hindi ko alam kung kakabahan ako or matutuwa. Aalis na sana ako pero nang makita ko ang excitement sa mukha niya ay lumambot ang puso ko. I sighed heavily. God! Bahala na!

"Ibaba niyo na ako, pakiusap!!! Ayoko na!!!!"

Napatigil ako sa kakasigaw nang naramdaman kong may nagtatawanan sa paligid.

"Tapos na, Alex," bulong sa akin ni Van.

Napatakip ako sa bibig ko at napatingin sa mga tao. Tapos na ba? Bakit pakiramdam ko ay umiikot pa rin ang mundo ko? Napatakip ako ng bibig ko dahil pakiramdam ko ay maduduwal ako. Shit! Narinig ko naman na nagpipigil siya ng tawa. Tiningnan ko siya ng masama, don't make fun of me! Kung hindi lang dahil sa iyo at hindi ako sasakay dito!

Inunahan ko siya sa pagbaba at umupo muna sa bench para magpahinga. Unang ride pa lang ay parang naiwan na ang kaluluwa ko. Naramdaman ko na tumabi siya sa akin pero pinipigilan niya pa rin ang tawa niya.

Inirapan ko siya at naglakad papunta sa bilihan ng tubig, nang makabili ako ay agad ko itong binuksan at ininom. Bumalik ako sa kinauupuan namin ni Van kanina, natatawa pa rin siya habang nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?"

"Bakit kasi roller coaster agad ang sinakyan natin! Naubos na ang energy ko tuloy!"

"Mas exciting kaya kapag thrilling agad yung rides."

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pag-inom ng tubig ko. Hindi ko maradaman ang kaluluwa ko dahil siguro ay naiwan ko pa din sa ere! Naramdaman ko din ang pagsakit ng lalamunan ko dahil sa kakatili ko kanina.

Tumingin ako sa buong paligid at ngayon ko lang na-realize na ngayon lang kami lumabas ni Van na walang disguise... pero kahit sa sobrang tao dito sa Amusement Park ay hindi kami napapansin ng mga tao dahil lahat sila ay nag-eenjoy lang. It's great to feel free sometimes.

"Bakit dito mo pala naisipan pumunta?" tanong ko.

Lumipat ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakatingin din siya sa paligid at pinagmamasdan ang mga tao.

"I didn't experience this on my childhood."

Hindi naalis ang tingin ko sa kanya habang sinasabi niya iyon at nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya.

"B-bakit naman?"

"Ganon siguro talaga kapag hindi masaya ang experience nung bata pa..."

Hindi maalis ang tingin ko sa kanya dahil hanggang ngayon... hindi pa din ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya... hindi ko na siya tinitingnan sa malayo dahil ngayon ay katabi ko na siya. Hindi ko napigilan na mailabas ang ngiti ko... sobrang saya sa feeling.

Palihim kong kinuha ang cellphone ko at kinunan siya ng litrato. Saktong pagkapindot ko ay bigla siyang tumingin, nataranta ako kaya agad kong pinindot ang front cam at nag-pose kunwari. Ilang sandali lang ay napatingin ulit ako sa kanya at seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin, akala ko may sasabihin siya pero nilagpasan niya ako. Tiningnan ko ulit ang phone ko at tiningnan ulit ang picture niya. He looks so cute!

"Alexis."

Tinago ko agad ang phone ko at lumingon sa kanya pero--

"Gotcha."

Then he flashed a smile. Kinunan niya rin kasi ako ng litrato. Napatingin ako sa kanya at nakatingin pa rin siya sa phone niya. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Tara, sakay pa tayo sa ibang rides..."

Napangiti ako ng malaki habang tinitingnan siyaat sinundan ko na lang siya.

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon