Alexis' POV
Napatingin ako sa salamin habang nag-aayos ako. Hindi kasi ako nakapasok ng klase ko kahapon kaya kailangan ko bumawi ngayon at hindi naman mawala sa labi ko ang mapangiti. Baliw na ata ako!
Huminga ako ng malalim at nagpaalam na kay Tita na papasok na ako. Lumingon siya galing sa kusina at mukhang gulat pa.
"Oh, papasok ka na agad?"
"Opo."
"H-hindi ka ba muna kakain?"
"Sa school nalang po, Tita. Uuwi po ako maaga para makapag-dinner tayo."
Saad ko sa kanya at tsaka ngumiti. Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay pero hindi ko man lang nakita si Tito, "Nasaan po pala si Tito?"
"Ah, may binili lang sa labas..."
Tumango ako. Ngayon lang ata lumabas si Tito ng bahay ng ganito ka-aga? Pero hindi ko na iyon inisip pa at nagpaalam na ulit kay Tita at tsaka na lumabas ng bahay.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang biglang may bumisina sa akin na dahilan pa na napatalon ako sa sobrang gulat. Sisigaw na sana ako kaso noong nakilala ko kung kaninong kotse ito ay napatiklop ako... bumukas iyong bintana at napatingin ako sa taong ito.
"Sino nagsabi sayo na umalis ka na ng bahay niyo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Anong masama doon?
"Bakit? Papasok na kasi ako."
Nakita ko ang pag-ihip niya sa buhok niya. Agad siyang bumaba at lumapit sa akin, "Simula ngayon, susunduin na kita..."
"H-huh? Okay lang-"
"Sa ayaw at sa gusto mo, susunduin na kita lagi."
"Bakit pa? Mas sanay akong naglalakad kesa-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang hawakan ng bewang ko at nilapit ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko, naamoy ko na naman ang pabango niya. Nakakaadik.
"Susunduin kita lagi o hahalikan kita dito mismo?"
"Ano ba, Van?!"
"Sa akin, okay lang. Hindi man kita nasundo, nahalikan naman kita."
Napatingin ako sa mga taong nakakita at nakakilala kay Van. Agad ko siyang nilayo sa akin at pumasok na agad ako sa kotse niya. Nang makapasok na siya sa kotse niya ay nakita ko ang ngiti niyang nakakaloko. Tahimik lang ako buong byahe at hindi man lang lumilingon sa kanya dahil hindi ko pa din alam ang sasabihin pagkatapos noong nangyari kagabi, naramdaman niya din siguro na umiiwas ako kaya hindi na niya muna ako kinausap.
Nang makarating na kami sa school ay agad akong bumaba, "Sige, una na ako. Salamat sa paghatid."
Bago pa ako makahakbang ay nagsalita siya, "May nakalimutan ka ata?"
Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Hinawakan ko ang mga bulsa ko pati na rin ang bag ko pero mukhang wala naman akong naiwan?
"Wala naman ah?"
Nagkatitigan kaming dalawa, maya-maya ay napansin ko na lang na parang pinipigilan niya ang tawa niya. Ano ba kasi iyong nakalimutan ko? Importante ba iyon?
Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.
"8 letters."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ginulo niya ang buhok ko at nilagpasan na ako.
8 letters?
Nang makapunta ako sa classroom ay wala pa si coach. Naupo ako sa upuan ko at nag-isip. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi niya. Ano ba iyong nakalimutan ko? At gaano ba kaimportante iyon para sa kanya at nakalimutan ko?
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Romance[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?