Alexis' POV
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa paligid, nasaan ako? Nang medyo luminaw na ang paningin ko ay nakita ko si Krystal, Hannah at Franz dito sa tabi ko. Nagulat sila nang nakitang gising na ako.
"Alexis! Thank God, you're awake! Are you okay?"
Puno ng pag-aalala ang boses nila. Napangiti ako, "I'm fine..."
Unti-unti akong bumangon at inalalayan naman nila ako, hindi ko na alam ang nangyayari sa akin at madalas na ang pag-sakit ng ulo ko.
"What is happening to you?"
I massaged my forehead, "Madalas nang sumasakit ang ulo ko ngayon... basta na lang ako nahihilo nang hindi ko alam kung bakit."
"Baka naman nagkulang ka sa tulog dahil puro ka practice?"
Umiling ako sa sinabi ni Hannah. Hindi.... alam kong hindi lang iyon ang dahilan. Wala naman akong sakit? Bago pa ako makapag-isip ng kung ano-ano ay niyakap ako ni Krystal.
"Please, please... take care of yourself, Alexis."
Even though I'm so confused, I hugged her back. Tumingin ako kay Franz and he just patted my head.
I really need to make sure what's happening to me.
"Are you really sure you're okay?"
I smiled at Franz. Sobrang kulit! Nakalabas na kasi ako ng clinic and now I want to be alone.
I really need to think.
"I'm fine, Franz."
"Kaya mo ba mag-isa?"
Tumango ako sa kanya, "Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na, okay?"
Kumaway ako sa kanya at tuluyan nang umalis... hindi ako makakaalis dahil sa mga tanong nila kaya nauna na ako at nagpasya ako na maglakad na lamang pauwi. Malayo ang bahay namin dito sa school kaya matagal rin akong makakapag-isip.
Habang naglalakad ako ay napatigil ako dahil may napansin akong dalawang lalaking nag-aaway. Pero nang makilala ko ang isang lalaki ay nanlaki ang mata ko kaya agad akong napatakbo bago niya masuntok pa ulit ang lalaki.
"Tama na!"
He looked at me at naramdaman ko ang pagkalma niya, napatingin ako sa lalaking nakahiga na sa sahig at may dugo na sa gilid ng labi. Agad siyang tumayo at tiningnan kami pareho ni Van at mabilis din itong tumakbo paalis.
Tiningnan ko si Van at saktong napalingon rin siya sa akin.
"Ano bang sumagi sa isip mo at nakikipagsuntukan ka dito?! Paano kung hindi ako ang nakakita nito?"
Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Cold. Pero hindi niya ako madadaan sa ganyan niya ngayon!
"Ano? Dito ka pa talaga nakipagbasag-ulo malapit sa school eh alam mo naman na may reporters pa?"
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay bigla niya akong niyakap. Hindi ako nakagalaw agad dahil nabigla ako sa ginawa niya, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin... Gosh, may balak ba siyang ubusan ako ng hininga?
"V-van..."
Naramdaman ko ang unti-unti niyang paghiwalay sa akin at nagkatitigan kami pareho. Naningkit ang mata ko dahil nakaramdam ako ng hilo habang nakatingin sa mga mata niya.... hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap ng maayos sa kanya.
"Alexis, are you okay?"
Tahimik akong tumango sa kanya at napatingin ulit ako sa mata niya.
Hindi na talaga ako magkakamali ngayon, alam kong nakita ko na itong matang ito...
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Romance[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?