Alexis' POV
Nandito kami ngayon ni Franz sa rooftop, maganda ang tanawin ngayon at ang daming bituin... ang lamig rin ng simoy ng hangin ngayon kaya mas lalong nakakagaan sa pakiramdam. Nalipat ang tingin ko ngayon kay Franz na nakatingin din sa mga bituin katulad ko. Bigla kong naisip, ang swerte ko pala talaga sa lalaking ito noh? Bukod sa pagiging best friend, parang kapatid ko na rin siya na laging nakasuporta sa akin...
Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya napalingon rin siya sa akin. I smiled at him.
"W-why are you looking at me?" nagtataka niyang tanong.
"Ngayon ko lang na-realize na ang gwapo mo rin pala."
Umiwas siya ng tingin sa akin at ilang beses na umubo at napakamot pa sa ulo, "M-matagal na akong gwapo noh! Ngayon mo lang naisip kasi wala si Van dito."
Inirapan ko siya agad at lumapit sa kanya ng bahagya.
"Aray! Sadista mo pa rin!"
Kinurot ko kasi. Ingay eh, "Hindi mo man lang na-appreciate na sinabihan kita na gwapo?"
"Hindi naman kasi iyan ang gusto kong marinig mula sayo..."
Nakatingin lang ako sa kanya habang inaabangan ang susunod niyang sasabihin. Napatingin rin siya sa akin at napangiti.
"Pero kailan ka ba babalik sa Manila?"
Natahimik ako sandali sa tanong niya, "I don't know..."
"Umuwi ka na. Ang dami nang naghahanap sayo doon."
"Ayoko pa."
"Paano kapag sinabi ni Van na umuwi ka na?"
"Edi... wow."
Nakita ko na napakamot siya sa ulo niya, but at the same time, napaisip rin ako kung paano.
"Kapag ba umuwi ako doon... hindi ko na mararamdaman ang sakit?"
Naalala ko na naman ang mga pangyayari....
Ayoko...
Gusto kong makalimutan.
Kaso kusa siyang bumabalik sa isipan ko.
"Kasi sabi nila time can heal everything. But, does time really heal all wounds? Kapag nangyari ba iyon, will I forget everything?"
Sandali kaming natahimik pareho.
"Alam mo, parang stars at darkness lang yan."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Napansin niya sigurong naguluhan ako sa sinabi niya.
"Look up."
Napatingin ako sa langit. Stars. Dark clouds.
"Yung darkness, iyon ang bad memories mo. At ang stars, iyon ang good memories mo. Bakit ka magfofocus sa darkness kung nandyan naman stars? Bakit mas iniisip mo ang nangyayari noon kesa sa ngayon?"
Napaisip ako doon.
Bakit nga ba?
"May amnesia ka. Pero hindi naman hadlang iyon para maging masaya ka diba? Pwede ka naman magsimula ulit..."
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Look at the bright sights instead of the dark."
Magsasalita na sana ako kaso bigla niyang tinakpan ang mga mata ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Isipin mo ang mga nangyari sayo noon... at isipin mo rin kung anong nangyari sayo ngayon."
Hindi na ako nagsalita pa. Ang una kong naisip ay ang bata pa lamang ako, kaming dalawa ni Van.... yung mga araw na sobrang saya namin. Kahit kaming dalawa lang ang magkaibigan. Naisip ko rin ang aksidenteng nangyari sa akin... Hanggang sa lumaki ako, kung paano ako naging volleyball player. Kung paano ako naging MVP... Kung gaano ka-proud sa akin sila Tita at Tito.
Kung paano ko naging kaibigan sina Franz, Hannah at Krystal.
At naalala ko rin ang muling pagkikita namin ni Van.
Nakapasok ako ng soccer school dahil sa kanya.
Inamin niya na gusto niya rin ako.
At ang huli, naalala ko na ang lahat.... Kay Van lang umiikot ang mundo ko.
"Okay ka na siguro..."
Agad niyang inalis yung kamay niya. Dumilat ako at nakita kong hinihipan niya ang palad niya, "All of your bad memories have been erased now. Now, you can make new memories. Full of good ones."
Ngumiti ako sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya sa tabi ko. I'm so thankful. Sana isa siya sa mga taong hindi mawala sa tabi ko. Napawi agad ang ngiti ko noong maalala ko ang matagal ko nang pinag-iisipan na desisyon.
"Franz..."
Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko sabihin sa kanya ito.
"Babalik na ako sa volleyball school."
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Romance[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?