Chapter 21

219 4 0
                                    

Alexis' POV


Nandito ako ngayon sa playground na katabi lang ng soccer field at nakaupo ako ngayon sa isang swing. Ngayon ko lang napansin na walang masyadong tao dito kaya siguro ako dinala ng mga paa ko dito... napatingin ako sa relo ko at napansin ko na halos mag-gagabi na pala.

Kailangan ko na umuwi.

Pero hindi ko magawang gumalaw at nanatiling nakaupo lang mag-isa dito.

Masyado ko pang iniisip ang nabasa kong balita kanina... kaya pala ganon kagalit sa akin si Yuri.

Galit ako kay Van? Hindi. Galit ako sa sarili ko.

Ang tanga ko.

Binigay ko sa kanya ang first kiss ko!

Isa ka pa lang playboy, Alvan Danielle!

Tatayo na sana ako kaso may nakita akong taong nakatayo sa harap ko at pagkatingin ko sa mukha niya ay pakiramdam ko tumaas ang blood pressure ko.

"What are you doing here?" tanong ko.

"No. What are you doing here, alone?"

Tatayo na sana ako kaso bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nagulat ako sa ginawa niya, hindi ko alam kung hahawakan ko siya para tumayo pero pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinauupuan ko ngayon. When I looked at his eyes, he's looking at me sincerely.

"Get up, Van..."

"Why are you not answering my calls? Bakit ka umalis? Paano kung may nangyari sayo tapos wala pa ako?"

Napatahimik ako sa sinabi niya pero agad ko rin naalala ang nabasa kong balita kanina, "Bakit ka ba ganyan sa akin? Diba kayo ni Yuri? Bakit mo ba pinag-aaksayahan pa ako ng oras-"

"And do you think that is true?"

Napatingin ako sa kanya at napansin kong seryoso na rin siya, "Mas naniniwala ka ba sa kanila kesa sa akin?"

Napayuko ako. Hindi ko siya kayang tingnan...

Lalo na kung si Van ang nasa harap ko.

"Paano mo nasabing gusto mo ako? Bakit-"

"Ikaw ang gusto ko."

Unti-unti akong lumingon sa kanya at napatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanya. Dapat ba akong maniwala sa kanya?

"Do you trust me?"

"Hindi-"

"Aaminin mo o hahalikan kita?"

Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig. Napangiti siya sa ginawa ko at hinawakan ang pareho kong kamay. Nagtitigan kami hanggang sa nakaramdam ako ng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Naramdaman ko na papalapit ang mukha niya sa akin kaya agad akong pumikit at lumayo sa kanya.

"Sige na! Naniniwala na ako!"

Narinig ko ang mahina niyang tawa. Dumilat ako at nakita ko ang nakangiti niyang mukha, nagagawa pa niyang ngumiti sa akin, huh? Hindi pa rin buo ang desisyon ko!

"Pero galit pa din ako!"

Nagulat ako nang lumapit siya sakin, his right hand snaked around my waist. Sinubukan kong lumayo dahil naiilang ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa baywang ko, na para bang mawawala ako kapag pinakawalan niya ako.

Sinubukan ko siyang itulak pero hindi man lang siya natinag.

"Why are you so angry?"

"B-baka makita tayo ni Yuri..."

Bumalik sa pagiging seryoso ang itsura niya na dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Why are you talking about her?"

"Girlfriend mo siya... tapos ako ang kasama mo." tumingin ako sa paligid kung may tao ba bukod sa amin, "Baka ano ang isipin ng ibang tao na makakita sa atin-"

Natigil ako nang marinig ko ang tawa niya. Nanliit ang mata ko, tumigil din naman siya at tumingin sa akin, I glared at him para iparamdam sa kanya na galit ako. Nakakagalit! But at the same time, lumalambot ang puso ko dahil malapit siya sa akin ngayon.

Umawang ang labi niya dahil doon. He looks amazed by my reaction, natutuwa ba siyang pag-tripan ako?

"I like you... at hindi ko girlfriend si Yuri."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Huwag siyang ganyan! Marupok ako!

He flashed a smile to me, "You're blushing."

"H-hindi ah!"

"Ako ang nakakakikita at naniniwala ako sa eye vision ko," iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya, "Tsaka.... gusto mo rin naman ako diba? Kaya ka lumipat dito sa soccer school?"

Nanlaki ang mata ko at natawa naman siya sa reaksyon ko. Paano niya nalaman?! Ito na ba ang araw na kailangan ko na rin umamin sa kanya?

"Am I right?"

"Bakit ba kailangan mo pang tanungin kung alam mo na?"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong napatakip ng bibig ko. Mas lalo lumawak ang ngiti sa mukha niya.

"I knew it, sino ba naman talagang hindi mapapalipat ng soccer school para lang makita ako diba?"

"Alam mo, feeler ka... uuwi na ako."

Pero bago pa ulit ako makatayo ay pinigilan na niya ulit ako, "I like you, Alexis."

Napatingin ako ng deretso sa kanya. At sa tingin ko ay hinihintay niya ang sagot ko. I smiled at him, hindi na rin kasi kaya ng puso ko ang nangyayari.

"I like you, too..."

Mas lalo siyang napangiti dahil sa sinabi ko. He patted my head.

"That's my girl."

Magsasalita na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako.

I'm so dead.

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon