Chapter 6

276 5 0
                                    

Alexis' POV

Nandito ako ngayon sa harap ng soccer school, it's my first day!

Hinanap ko agad ang room ko at may nakita akong isang room na wala pang tao. Eto na ata yung room ko din. Nang makapasok ako ay tama nga ako na wala pang tao. Ilan kaya ang magiging kaklase kong babae? Namili ako ng upuan at doon ako sa dulo. At dahil nga ako lang ay hahanapin ko na muna si Franz.

Nilapag ko ang gamit ko at lalabas na sana ng room kaso pagbukas ko ng pinto ay sakto naman na may pumasok, napahawak ako sa dibdib ko sa gulat, napatingin ako sa kanya.

Si Van!

Dito ang room niya?

Magkaklase kami?!

Tumingin siya sa akin na parang nagtataka, "What are you doing here?"

Hindi agad ako nakasagot at parang nainip siya, dahil doon ay dumiretso na siya sa loob ng room at nilagay ang gamit niya sa tabi ng upuan ko. May kinuha siya na libro at nagbasa agad siya, hindi ba niya ulit ako kakausapin? Hahayaan niya lang ba ako mag-isa dito?

"Bakit wala pang tao? Hindi pa ba simula ng oras ng klase?" tanong ko.

"10am pa ang start."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sa relo ko, it's 9 o'clock in the morning. Napakagat ako ng labi, bakit ba hindi ko man lang nalaman ang oras ng klase dito? Dahil na rin siguro sa sobrang excitement ko ay napaaga ako ng dating.

"How about you? Bakit ang aga mo?"

Itinaas niya lang ang libro na hawak niya at hindi man lang ako tiningnan. I pouted, bakit ba ang sungit niya? 

"Hindi mo ba naalala ang sinabi mo sa akin dati?"

Hindi niya ulit ako pinansin. Kaya ang ginawa ko ay lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya, "Dito na ako mag-aaral sa soccer school!"

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin, "May sinabi ba akong ganon?" 

"Ha? Nakalimutan mo?!" 

"I don't remember."

Kumunot ang noo ko, is he trying hard to get?

"Ang bilis mo naman makalimot, may amnesia ka ba?" 

Tumigil siya sa pagbabasa at nagulat ako nang bigla siyang tumitig sa akin habang nakangisi, agad din niyang iniwas ang tingin sa akin at tumingin ulit sa kanyang libro, "Good luck with staying here at soccer school."

Nagsimula nang maayos ang unang araw ko. Pinakilala kaming mga bagong student at kahit paano naman ay may dalawa pang babae ako na kasama dito. Not bad. Nasa kalagitnaan na kami ng klase nang biglang bumukas ang pinto, may isang babae na pumasok dito na nakasuot ng shades, kumunot ang noo ko. Tinanggal niya ang shades niya at napanganga naman ako.

It's Yuri Molina! She's the famous model!

Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ng personal ngayon, I don't wonder why she's a model, she's so beautiful!

She flashed a smile at narinig ko ang singhap ng mga kalalakihan. 

"There you are, Van!"

Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya habang papalapit siya kay Van, magkakilala sila? Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya kaya nagulat ako nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Can you please stand up?" 

"Huh?" 

Her brow shot up, "Ang sabi ko, pwede ka bang tumayo dyan para makaupo ako?"

Ilang sandali akong natahimik at nang mapansin ko na lahat sila ay nakatingin sa amin ay tsaka ako natauhan.

"A-ah! Okay..." 

Kinuha ko ang gamit ko at tumingin sa kanya, nakangiti na siya sa akin na parang tuwang-tuwa pa noong nalaman niyang pumayag ako, pupunta na sana ako sa likod kaso may humawak sa braso ko. 

"Sit down."

Nagulat ako sa sinabi niya, nagtataka na tumingin sa akin si Yuri at kitang-kita ko na nairita siya dahil nakahawak sa braso ko si Van. He stood up and let me sit on the chair again. Hindi niya tinitingnan si Yuri na para bang wala ito sa tabi niya.

"I'm sorry, coach. You can continue the lecture."

Ramdam ko ang matalim na tingin sa akin ni Yuri kaya ako na itong umiwas. What the hell is happening? Anong meron sa kanilang dalawa?

Nauna akong lumabas ng room, pagkatapos kasi ng klase ay practice naman daw ng soccer, syempre, hindi pa ako pwede kasi kailangan ko pa mag-training. Pupunta na sana ako ng soccer field para manood ng training kaso may humarang sa daraanan ko.

I looked at him... lumakas ang tibok ng puso ko ng makilala ko kung sino ito, it's Nick! He's one of Van's friend! Silang dalawa ang lagi kong nakikita na magkasama kaya nakilala ko na rin siya. And now I can't believe that he's in front of me!

"Are you Van's girlfriend?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya, "H-hindi ah!"

Naningkit ang mata niya dahil sa sagot ko, "What's your name again?" 

"I'm Alexis."

I smiled at him kahit ang awkward, pero napansin ko na natigil siya.

"Are you okay?" tanong ko.

Ilang sandali lang ay ngumiti siya sa akin, "Oh, nothing... By the way, I'm Nick."

I know! Inabot niya sa akin ang kamay niya, nag-aalinlangan pa ako pero sa huli ay inabot ko rin ito para makapag-shake hands kami, nakita ko naman na mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"Nice to meet you..."

Bago siya umalis ay hinalikan niya ang kamay ko at tuluyan ng umalis. 

Napatingin naman ako sa kamay ko. Magandang simula ba ito para sa unang araw ko?

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon