Chapter 4

327 7 0
                                    

Alexis' POV

Masaya kaming nagkukwentuhan ng tita at tito ko ngayon. Sila na ang naging magulang ko simula noong naulila ako. My parents died on a car accident when I was seven, only child ako kaya ako rin ang naiwan. Wala na akong matandaan pagkatapos noon at hindi rin nagkukwento sa akin si Tita para makamove-on na kami sa nangyari.

Kumakain na kami ng hapunan nang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa soccer.

"Tita—"

"Oo nga pala, anong nangyari sa laro niyo kanina?"

Napangiti ako sa tanong niya, "Okay naman po. Syempre, panalo!" nag-apiran kaming dalawa at si Tito ay nakangiti lang.

"Galingan mo pa lalo, okay? Iyan ang magandang regalo na maibibigay sa mga magulang mo..."

Napabuntong hininga ako, isang beses lang....

"Tita, paano kung lumipat ako ng school at iwan ko panandalian ang volleyball?"

Napatigil sila sa pagkain at tumitig sa akin at nagkatitigan silang dalawa na para bang nag-uusap ang mga mata nila.

"Okay lang po kung hindi kayo pumayag, tinatanong ko lang—"

"Saan ba ang school yan?"

Nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa narinig ko, "Sa soccer school, tito!"

"Soccer school? Diba puro lalaki ang nandoon? Bakit mo naman naisipan lumipat?"

"Gusto ko lang po subukan ang soccer, total isa rin siya sa sports ko."

Nagkatitigan sila at nag-usap na naman ang kanilang mga mata.

"May game ka ba next week?"

"O-opo..."

"Tapusin mo muna ang game mo. Kapag naipanalo mo ang team, sige, pwede kang lumipat. Pero kapag hindi, no choice. You will stay at your volleyball school."

Striktong sabi sa akin ni Tito. Dapat ba akong matakot? Kabahan? O sumaya? 

Napakaswerte ko talaga sa kanila, agad akong tumayo at niyakap sila pareho. Hindi ko akalain ang sagot na iyon dahil akala ko hindi sila papayag dahil sa volleyball. Pero ang saya ko dahil sa desisyon nila na iyon!

"Thank you po! I promise, gagalingan ko talaga at para sa inyo iyon!"

Napangiti ako at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanila.

Kinaumagahan ay hindi ko napigilan ang sarili ko na ikwento ito sa mga kaibigan ko. Habang unti-unti nilang nakukumpirma ay mas lalong lumulukot ang mga mukha nila.

"Really?! Pinayagan ka?" sabay na sigaw nila Krystal at Hannah.

"Yes!" masaya kong tugon, "Pero kailangan ko daw ipanalo yung game natin para makapasok ako sa soccer school. Pero kapag hindi, I have no choice, I'll stay."

"So, kapag hindi natin napanalo ang team natin, volleyball school ka pa rin?"

"Exactly."

Nakangiti kong sabi ko sa kanila pero iba ang timpla ng mukha nila, na tipong hindi sila sang-ayon sa desisyon ko.

"Seriously speaking, ayaw ka namin mag-enroll sa soccer school," sabi ni Hannah.

Sumimangot ako sa sinabi niya, "Alam ko naman..."

"Alex, hindi madali ito. Iiwan mo ang volleyball para lang kay Van?"

Napayuko ako. Nakapagdesisyon na kasi ako, magpapractice akong mabuti para manalo sa volleyball game namin. Championship na kasi iyon. Gagawin ko lang talaga ang lahat makapasok lang sa soccer school.

"I'm sorry..."


Nagpatuloy kami sa training, ewan ko ba at bakit ngayon lang ako ginanahan ng ganito, ibang klase pala kapag inspired ka!

Patuloy na dumaan ang mga araw, at dumating na rin ang araw ng championship.

"Good luck sa atin, girls!"

"Mag-enjoy lang tayo, guys. Wag kayong mag-isip ng negative. Tayo ang mananalo, okay? Galingan lang natin at tiwala lang sa sarili. Magfocus lang tayo sa bola. Wag natin intindihin ang mga taong nasa paligid natin. Okay?"

Unti-unti silang tumango at dahil doon ay napangiti ako. Tinawag na kami at naghanda na kami. Live rin kasi ito, kaya kailangan ko na talagang ipanalo para na rin kila Krystal at Hannah, Tita and Tito, Mama at Papa at kay Van.

Agad kaming pumwesto sa gitna, nag-uusap ang mga mata namin na kaya namin ito. Bago kasi magsimula ito ay nag interview muna. Kaya kinakabahan na rin ako ng medyo pero kakayanin ko ito. Napatingin ako sa mga taong nasa paligid. May nakabanner ng pangalan ko at ng ibang team mates ko. Ang dami rin palang sumusuporta sa akin, ngumiti ako sa kanila at inayos ko na ang sarili ko.

Narinig ko ang busina, simula na ang game. Nag-squat ako ng konti at finocus ko ang paningin ko sa bola na hawak ng kalaban. Agad niya itong hinagis papunta sa amin. Unang nagpalo nito ay si Krystal. Nasalo ito ng kabila at pinasa ulit dito.

"Mine!" sigaw ko. 

Agad ko itong sinetter at nagulat ako ng biglang nag-spike at nagtalbog lang ang bola sa position namin. Shit, hindi ko nakita yung spiker nila! Mukhang hindi maganda ang simula ng laban.

Napatingin ako sa score. Lamang na lamang kami, bakit ganito? Napagsabihan rin kami na ayusin namin ang game dahil ngayon lang kami nagkaganito sa halos lahat ng laro namin. Ano nga ba talaga ang nangyayari?

Eto na ang last quarter. Kailangan na talaga namin galingan para manalo na kami. Ayoko sanang madisappoint ang mga tao na sumusuporta sa amin, nagsimula na ulit ang buzz at nagposition na kami. Pinasa na agad ng isa sa team mate ko ang bola at agad naman iyon nasalo ng kalaban. At sunod-sunod na iyon, para lang kaming nagpapasahan ng bola dito. Kaya ang mga nanonood sa amin ay sigaw lang ng sigaw.

Napatingin ako sa bola na pababa ang landing niya, agad akong bumwelo sa harap para gawin ang spike, narinig ko ang sigawan ng mga tao dahil sa lakas ng hampas ko.

Narinig ko ang pagbusina at mas lalong lumakas ang sigaw ng mga tao.

"Outside!"

Nanalo... nanalo sila....

Narinig ko na nagsaya ang kabilang team. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Tumingin ako sa kanila at ngumiti, lumapit ako at nakipagshake hands sa kanila.

"Thank you, Alexis! Sobrang galing mo!"

Nginitian ko sila at bumalik na ako. Napatingin ako sa mga team mates ko at nginitian ko sila.

"Okay lang, guys. Give chance to others. Ginalingan naman natin."

Tatalikod na sana ako ng bigla nila akong niyakap isa-isa, "Sorry, Alexis."

Unti-unti silang humiwalay ng yakap sa akin na teary eyed. Nginitian ko sila isa-isa at umalis na, naabutan ko si coach at napasimangot ako lalo.

"Sorry coach, dahil ata sa akin hindi ko napanalo ang team..."

He patted at me and smiled, "That's okay, you did a great job!" 

Napangiti ako sa sinabi niya at nagpaalam na, I'm going home.

At iniisip ko palang ang mangyayari ay nalulungkot na ako.

I Want to Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon