Alexis' POV
"Hey, Alex. Wake up."
Napamulat ako ng mata, napatingin ako sa bintana at umuulan pa rin ng malakas. God, hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako sa loob ng kotse, mukhang hinintay pa ni Nick na magising ako, "It's already late. Nandito tayo sa bahay nila Van."
Nanlamig ako lalo sa narinig ko. Anong ginagawa namin dito?
"Stay with him only for tonight. Nauna na rin siya sa loob."
"A-ako?"
Tumango siya habang ako ay gulat pa rin. Pero dahil sa sobrang lakas ng ulan ay hindi na nga rin kami makakabyahe pa pauwi ng bahay.
Napatingin ako kay Nick at ngumisi siya sa akin, "Let's go. Ihahatid na kita sa loob."
Dali niyang binuksan ang payong niya at lumabas ng kotse. Nakaramdam ako ng lamig dahil basa na rin ang jacket. Pagkapasok namin ay napatingin ako sa bahay ni Van, hindi ko akalain na makakaapak ako dito sa bahay niya.
It's simple but it looks so elegant, hindi mo aakalain na siya ang nakatira dito dahil sobrang linis at ayos tingnan ng mga gamit. Na para bang gusto mong iwasan ang mga gamit kasi baka masira. Nakita ko naman na pababa siya ng hagdan, he's wearing now a white t-shirt and his dark tokong shorts. Damn, why is he look so good?
"Una na ako, tol. It's already late."
Tumango sa kanya si Van habang ako naman ay nakatingin lang kay Nick, "Ang lakas ng ulan ah? Makakapagbyahe ka pa ba?"
I saw him smirked, "Magkatapat lang ang bahay namin."
Natahimik ako. Nang mapalingon ako kay Van ay nakita ko na nakangisi rin siya.
Okay! Hindi ko naman alam.
Pahiya ako doon ah.
Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti, "Good night. I'll visit tomorrow morning."
Ngumiti ako sa kanya at tuluyan na siyang lumabas ng pinto.
"Take a shower now."
"Uh, wala akong pamalit...."
"You can wear my t-shirts."
Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng pintig ng puso ko. Nababaliw na ako!!!
"Umakyat ka na, doon ka na lang sa CR ng kwarto ko maligo."
Napatingin ako sa taas at nakita ko agad ang puting pinto.
"I'll wait here."
Tumango ako sa kanya at umakyat na rin sa kwarto niya, nang makita ko ang isa pang pinto ay pumasok na rin ako para makaligo. It took me an hour dahil sobrang sarap sa pakiramdam ng heater. At nang maisip ko na hinihintay pala ako ni Van ay agad ulit akong nagmadali para makalabas na.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti, suot ko ang t-shirt ni Van.
I'm wearing his shirt! Para na rin sinuot ko ang pagkatao ni Van.
Ang ganda ng kwarto ni Van, sa kabilang side kasi ay glass window at may terrace. At sa tabi ng kama niya ay isang bookshelf, napangiti ako dahil sobrang hilig niya pala talaga ang magbasa ng libro. Napaupo ako sa kama niya, damn, it's so comfy.
Hihiga na sana ako pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto.
Sumalubong sa akin ang mukha ni Van na seryoso. Why is he always like that? Tumayo ako at hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa akin. Pero ilang sandali lang ay lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
BINABASA MO ANG
I Want to Reach You
Romance[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer player. And her prince charming. What if the day came that she would think to follow his path?