Kabanata 5

334 26 0
                                    


"Solene,"

Binalingan ko si Helios pagkatapos ay dali-daling inubos ang juice at tumayo na. Papalubog na ang araw at sabi ni Helios ay kailangan na raw naming umalis. Ayaw kong sumabay sa kanila pero hindi naman yata niya ako pakakawalan.

Inayos ko ang buhok ko at nilapitan na si Crisanto. Natuon ang tingin ko kay Astro dahil hindi pa siya tumatayo. Mananatili ba siya rito? Kung sa bagay, nandito na siya kanina.

"Aalis na kami, Claudia. Mag-ingat ka sana." saad ni Helios.

"Mag-iingat din kayo, prinsipe." magalang na sinabi ni Claudia at yumuko ng bahagya.

Ngumuso ako. Tinanguan ni Helios si Astro bago pumihit at lumabas na ng bahay. Sumunod ako sa kanya. Dahil dumidilim na ay nakakatakot na ang kagubatan. Binalingan ko ulit ang bahay pagkalabas ni Claudia.

"Ang lalaking iyon ba mananatili rito?" tanong ko kay Claudia.

Tumingin si Claudia sa akin, "Aalis din siya kapag dumating na sina ama."

"Kung ganoon habang wala pa ang mga magulang mo dito lang siya?"

Tumango siya, "Ganoon na nga."

Namilog ang labi ko, "May kayo bang dalawa? Kasi parang may something sa inyo."

"Solene..." tawag ni Helios.

Ngumiti lang ng tipid si Claudia, "Masaya akong makilala ka, Solene. Sana magkita pa tayo sa susunod."

Nginitian ko rin siya, "Masaya rin akong makilala ka. Sana magkita pa tayo. Ilibre mo ako. Wala akong pera, eh."

Natawa ito ng malakas.

Magsasalita pa sana ako pero hinila ni Helios ang aking kamay at inilagay ako sa gilid niya. Binawi ko ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Nakakaloka talaga.

Naglakad na siya kaya sumabay sa kanya si Crisanto. Kumaway ako kay Claudia bago sumunod kay Crisanto sa paglalakad. Tahimik na naman kami sa gubat. Gusto ko na naman magbukas ng usapan pero baka magalit na naman ang isang 'to.

Sa pagdaan ng minuto ay malayo na kami sa bahay nila Claudia. Madilim na rin ang paligid at hindi ko na masyadong kita ang dinadaanan ko. Walang ilaw pero may flashlight yata sa mga mata ng dalawang 'to dahil mabibilis pa rin ang lakad nila.

"Aray!" napahiyaw ako nang natusok ng maliit na kahoy.

Napatigil si Crisanto at taka akong binalingan. Napapikit ako sa sakit. Nang dumilat ay nasa paanan ko na si Crisanto at tinatalian ang sugat ko.

"Anong ginagawa mo?" bahagya akong umatras sa kanya.

"Masyadong delikado kapag kumalat ang amoy ng iyong dugo. Maaari tayong salakayin ng kung ano." paliwanag niya.

"Kumalat? Hindi naman ganoon kalakas ang amoy ng dugo ko. Ayos na 'yan." pinigilan ko siya sa ginagawa niyang pagtali.

Tumayo siya at pinagpagan ang damit, "Makakalakad ka ba?"

Tumango ako, "K-kaya ko naman."

Tumango siya. Tumikhim ako at babalingan sana si Helios pero natigilan lang nang nakitang wala na siya sa kinatatayuan kanina.

"Nasaan siya?" tanong ko kay Crisanto.

Tumingin ito sa paligid, "Nauna na. Makakalakad ka ba ng mabilis?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Nasugatan lang ako ng kaunti at hindi nasagasaan ng truck."

Ngumisi siya. Nilagpasan ko siya at naglakad na kahit hindi ko nakikita ang paligid. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Akala ko ba proprotektahan niya ako? Bakit ngayon wala na siya?

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now