Habang nagpapagaling, nagdagdag ng bantay sa buong palasyo para hindi na maulit ang nangyari. Hindi nakita kung sino ang mga iyon pero may hinala na ang hari at mga kapatid nito.
Sabi ni Damian, maaaring mga kyran ang sumalakay sa bulwagan. Buong akala nila ay naubos na ang mga iyon noong huling paglaban nila pero baka may naiwan pang iba na nagtatago lang at ngayon ay nagpaplano na naman para ipahamak ang kaanak ng hari.
Iyon ang dahilan kaya nandito si Crisanto. Ang plano kong pag-alis sa palasyo ay gagawin ko na lang kapag nakaya ko na. Sa ngayon, gusto ko munang manatili sa tabi ni Helios.
Tumabi bigla si Kieran sa akin habang tahimik kong pinapanood ang paglalaro ni Tala at ng anak ni Ismael. Binabantayan sila ni Helios at Stella kaya hindi ko na sila nilapitan pa.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Kieran na nakatingin din sa naglalarong mga bata.
"Nakakabagot ang palasyo." bumuntong hininga ako.
"Bakit ayaw mo silang lapitan?"
Napalunok ako at ngumiti, "Baka gusto ni Helios na makausap si Stella. Ayaw kong makasagabal."
Huminga ng malalim si Kieran. Binalingan ko sila Helios at Stella. Seryoso silang dalawa ngayon. Parang may pinag-uusapang seryosong bagay. Sumandal ako sa puno at humalukipkip. Napangiti ako nang nakita si Tala na tumatakbo.
Napakaganda nito. Ang kulot kulot na buhok ay sumasayaw kasabay ng pagtakbo niya. Saan kaya niya namana ang buhok niya? Baka sa kanyang ama dahil hindi naman ganoon kakulot ang buhok ni Stella.
"Tala!" mabilis ko itong nilapitan para tulungang tumayo nang nakitang nadapa ito sa yelo.
Napatayo si Stella sa kanyang upuan. Natigilan din si Kieran. Bumaling sa gawi ko si Helios kaya mabilis akong nag-iwas.
"Mag-iingat ka sa susunod, prinsesa." ngumiti ako kay Tala.
Tumayo ako at nilapitan ulit si Kieran na nanatiling nakatayo. Bumalik ako sa pagkakasandal sa puno at pinagmasdan ulit ang prinsesa. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pag-upo ni Stella.
"Tahimik ka ba dahil kay Helios at Stella?"
Binalingan ko si Kieran na nakataas ang isang kilay ngayon. Ngumisi siya.
"May nararamdaman ka sa kapatid ko?" dagdag niya.
"Hindi ko alam."
Nadaanan ko ng tingin ang titig ni Helios at Stella sa amin. Nginitian ako ni Tala kaya ngumisi ako sa kanya.
"Solene..."
"Hmm?" muli kong binalingan si Kieran.
"Tulungan mo si Helios."
Umawang ang labi ko at nagtagal ang titig sa kanya.
"Anong tulong ang sinasabi mo?" pagtatanong ko.
Binalingan ko si Helios na nakikipag-usap din kay Stella. Ngumiti siya pagkatapos ay tumingin kay Tala. Tulong? Si Stella lang ang makakagawa no'n.
"May alam ka ba tungkol sa mga bampira?" kinalas ni Kieran ang kamay niya at humarap sa akin.
Tumango ako, "Kaunti. May napanood ako dati na tungkol sa inyo."
Tumango rin siya at huminga ng malalim, "Si Helios at Stella ang para sa isa't-isa."
Nanlaki ang mata ko at napasinghap sa sinabi niya, "Ano? S-silang dalawa? Kung ganoon bakit si Luan at Stella?"
"Dahil tinanggihan ni Helios noon ang pagkakatakda sa kanila. Akala ni Helios dati, ang ama ni Stella ang pumatay sa aming ama kaya galit siya at hindi tanggap na sa kanya napunta ang babaeng iyon. Tinapos niya ang koneksyon nilang dalawa. Alam iyon gawin ni Helios lalo na't matalino siya."
![](https://img.wattpad.com/cover/304489443-288-k87118.jpg)
YOU ARE READING
Tears Of The Sun (Mortal Series #3)
FantasiMortal Series 3: Helios Sadaham Crimson cover not mine.