Bakit niya sinabi iyon?
"Solene!" napaigtad ako sa sigaw ni Catleya.
Tiningnan ko siya at ininguso niya si Helios na nilalapitan kami. Dumiretso ito sa akin at naupo sa tabi ko. Tinitigan ulit kami ni Catleya kaya iniwasan ko ang tingin niya.
"Kumatok ka kaya sa pinto nila Luan, Kieran? Dalawang araw na sila, ah." rinig kong sinabi ni Ismael habang palapit sila sa amin.
"Tatlong araw na kaya." pagtatama ni Damian at naupo na.
"Hayaan niyo na nga si Luan. Naiinggit ba kayo, huh?" tanong ng kanilang ina.
"Ina..." pinakita ni Ismael ang kanyang suot na singsing, "Mailap si Keya pero naka apat na araw kami."
"Hambog." pananalita ni Kieran.
Ngumisi si Ismael, "Palibhasa ikaw-"
"Katatapos ko lang." inangat ni Kieran ang kamay niya at tumawa.
"Nakakadiri kayo." ngumiwi si Catleya habang umiinom.
Lumingon si Kieran kay Rosh na kapareha ni Catleya. Sabay na ngumisi ang dalawa. Napailing-iling ako. Hindi ko talaga maintindihan ang mga lalaki.
"Tigilan niyo na nga 'yan. Kieran." pigil ng kanilang ina.
Bigla itong bumaling sa akin. Bumagsak ang tingin niya sa daliri ko kaya ibinaba ko iyon. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko pa siya masyadong kakilala kaya hindi ko alam kung mabait siya sa akin o wala lang siyang pakialam.
Nginitian niya ako kaya mabilis din akong ngumiti. Binalingan ko si Helios na nakatingin sa amin. Tumingin din siya sa singsing na suot ko.
Kailan ko kaya ibabalik sa kanya ang singsing? Baka gusto na niyang kunin pero nahihiya lang siya sa akin.
Pagsapit ng gabi ay natulog ako sa silid ko at paggising ay umaga na naman. Bumuntong hininga ako. Panibagong araw na naman. Ano kaya ang magandang gawin?
Pumasok ako sa paliguan at naghubad kaagad ng damit. Mag-isa lang ako kaya hindi na ako nag-abala pang magtakip ng tela sa aking katawan. Hinubad ko ang lahat pagkatapos ay lumusong na sa tubig.
Medyo mainit iyon kaya gustong-gusto ko. Namili ako ng mga bulaklak na pwedeng ihalo sa tubig. Pinili ko ang lotus. Kumuha rin ako ng langis at nagsimulang pahiran ang katawan ko. Pumikit ako at isinandal ang ulo sa gilid.
"Solene?"
Agaran ang pagmulat ko nang narinig ang boses ni Helios. Mabilis akong tumayo para sana abutin ang damit ko pero nakapasok na siya sa silid. Parang tumigil ang oras nang nagtama ang tingin naming dalawa.
Dahil sa gulat ay natulos ako sa kinatatayuan. Gusto kong magpalamon sa lupa nang nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa kabuoan ko. Pasimple siyang nag-iwas ng tingin at inilahad sa akin ang magarang damit.
"May pagdiriwang sa palasyo." aniya.
Napakurap kurap ako at walang imik na umupo para maitago naman ang kahubdan kahit nakita niya na ng buo. Napapikit ako ng mariin.
"S-sige, maliligo lang ako." sagot ko na hindi makatingin.
Huminga siya ng malalim at lumabas para ilagay ang damit sa kama ko. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumalikod pagkakitang bumalik siya.
"Ano pang kailangan mo? Umalis ka na rito naliligo ako." pinagkrus ko ang kamay ko sa aking dibdib.
"Nasira ang paliguan sa aking silid. Maaari bang makisabay?"
"Seryoso ka?" tiningnan ko siya at halos masuntok ko ang tubig sa sobrang gigil.
Naghubad siya ng kanyang damit kaya nag-iwas ako ng tingin. Nanatili ako sa gilid. Nakakahiya 'to!
YOU ARE READING
Tears Of The Sun (Mortal Series #3)
FantasyMortal Series 3: Helios Sadaham Crimson cover not mine.