Kabanata 13

272 24 0
                                    

Dumilat ako at nakita ang nanlalaking mga mata ni Catleya habang nakatingin sa amin. Hinawakan ko ang balikat ni Helios para sana pigilan siya pero hinuli niya ang kamay kong iyon at nilagay sa kanyang balikat.

"Nasaan si Stella?" boses ulit ng lalaki.

Siya ba si prinsipe Luan? Malakas ang boses niya pero natigilan ito. Marahil ay nakita niya kaming dalawa ni Helios. Naramdaman ko ang marahang haplos ni Helios sa aking leeg, tumindig ang balahibo ko.

"Anong mayroon?" tanong ulit ng lalaki.

Humiwalay si Helios sa halik niya at tiningnan ako ng matagal. Umawang ang labi ko, nahihilo pa rin sa halik niya. Anong ginawa niya? Ano iyon?

Nangatog ang binti ko at bigla na lang itong nanghina. Natumba ako at kaagad niyang sinalo at binuhat. Tahimik sila kaya hindi ko na alam ang nangyayari. Basta ang sigurado ako, si Luan ang lalaking dumating.

"Helios." tawag nito.

Mababa at buong-buo ang boses niya. Halatang seryoso siyang lalaki sa paraan ng pananalita pa lamang. Gusto ko siyang makita pero nanghihina ako kaya nagtago na lang ako sa dibdib ni Helios habang buhat niya.

"Babalik ako mamaya, Luan. Puntahan mo muna si Stella." ani Helios tsaka siya naglakad paalis.

Rinig ko pa ang pagtawag ni Catleya sa kanyang kapatid pero hindi na siya pinansin ni Helios. Naglakad ito papunta sa kanyang silid. Binuksan niya ang pintuan at maingat akong pinahiga sa kanyang kama.

Tinitigan ko siya. Hindi pa ako nakakapag-isip ng tama. Labis akong nagulat sa ginawa niya kanina. Hinalikan niya ako? Hinalikan niya ako.

Napalunok ako at pinakiramdaman ang hanggang ngayon ay mabilis pa rin na pagtibok ng puso ko. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa akin?

"Bakit mo ginawa 'yon?" tinanong ko siya habang inaayos niya ang aking damit.

"Magpahinga ka. Kakausapin ko lang si Luan." aniya.

Matagal ko siyang tinitigan. Tumitig din siya sa akin at tumango ng isang beses. Tumayo siya ng tuwid kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. Napatingin siya roon. Parang napapaso, mabilis kong binitawan ang kamay niya.

"Si prinsipe Luan iyon, hindi ba?" pagtatanong kong muli.

Natigilan siya, huminga ng malalim at tumango, "Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi. Dito ka lang."

Tumango ako sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko. Ilang sandali pa siyang walang imik bago ko narinig ang paglalakad niya palabas. Nang sumara ang pinto ay sinapo ko ang aking dibdib at pinakiramdaman iyon.

"Ang bilis ng tibok."

Kinagat ko ang labi ko at naalala ang halik niya. Naupo ako sa kama at pinaypayan ang sarili.

"Ang init." inabot ko ang isang baso ng tubig at inisang lagok iyon.

Hinawakan ko ang labi ko pagkatapos. Kailangan kong matulog. Pero sa nararamdaman at iniisip ko ngayon hindi ako dadalawin ng antok. Bakit niya ako hinalikan? Bakit niya ginawa 'yon?

Humiga ako at pinilit ang sariling makatulog kahit gising na gising ang diwa ko. Ilang minuto lang ay nakaupo ulit ako sa kama at iniisip na naman ang nangyari.

Imbes na i-welcome ang asawa ni Stella nandito ako at iniisip ang halik ni Helios. Nakakainis!

Sinubukan kong bumangon para puntahan sila pero nasa pinto na ako nang muling naisip ang halik niya. Mabilis akong tumalon sa kama at isinubsob ang mukha.

Paano ko siya pakikitunguhan? Aarte ba akong mahiyain? Magpapaka Maria Clara? Pero hindi ako ganoon. At bakit ko naman gagawin iyon? Hinalikan niya lang naman ako. Siya ang humalik kaya dapat siya ang mahiya sa akin.

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now