Kabanata 39

215 17 0
                                    

Bumukas ang pinto ng silid kaya napatingin ako roon. Pumasok si Helios dala ang kanyang libro at naupo sa kama. Nilapitan ko siya at nahiga sa kanyang tiyan. Sinandal niya ang kalahati ng kanyang katawan sa sandalan ng kama at binuksan ang libro.

Tinitigan ko ang kisame habang dinadama ang marahan niyang haplos sa aking buhok. Lumipat ang tingin ko sa kanya. Sinusubukan niya akong patulugin dahil alam niyang nakakatulog ako kapag hinahaplos niya.

"Tungkol ba ulit sa mga kyran?" tukoy ko sa binabasa niya.

Tumango siya, "Ganoon na nga."

Sumimangot ako, "Huwag puro basa. Gumagalaw ang kalaban at mabilis sila masyado. Anong mapapala ng pagbabasa? Mamaya nasa palasyo na sila at naghahari na pero nagbabasa ka pa rin?"

"Mas maganda kapag susugod na may nabuo nang plano, Solene. Hindi kami mananalo sa kalaban kung puro lang kami salakay."

"Mabibilis ang kanilang kilos." 

Huminga siya ng malalim at inilipat ang pahina, "Kaya nga binibilisan ko ang pagbabasa."

Bumangon ako para maharap siya ng maayos, "Kung gano'n hindi pala dapat kita kinakausap ngayon dahil baka makasagabal ako sa pagpaplano mo."

Malamig niya akong binalingan, "Dito ka lang."

Inabot niya ang aking kamay at pinahiga ako sa kanyang dibdib. Inilapit niya sa akin ang libro kaya inirapan ko iyon. Ayaw kong nagbabasa dahil madali akong antukin sa enerhiya ng mga libro.

Niyakap ko siya at hinayaan sa pagbabasa. Tinitigan ko na lang ang mga daliri niya sa bawat galaw no'n. Kapansin-pansin ang singsing niyang suot dahil iyon lang ang tanging nakalagay sa kanyang daliri.

"Hindi ba tayo lalabas ngayon?" basag ko sa katahimikan.

"Mamaya na."

Ngumuso ako, "Kahit sa labas lang ng palasyo, o kaya sa bayan kung saan ang mga lotus."

"Hindi maaari. Naroon ang mga kyran."

Bumuntong hininga ako. Minsan iniisip kong inumin na lang ang dugo ni Luan para maging bampira na ako at hindi na basta-basta magagalaw ng mga kyran. Ano kayang mararamdaman ni Helios?

Malamang mararamdaman niya ang palagi kong nararamdaman dito sa palasyo, ang walang magawa.

Umangat ang ulo ko nang may biglang pumasok sa aking isip, "Inumin ko kaya ang dugo mo? Tingnan natin kung gagana ba iyon sa akin."

Natigilan siya at tinitigan ako. Doon ko lang naunawaan ang bigat ng sinabi ko. Kinagat ko ang aking labi at nagbaba ng tingin. Humiga ulit ako sa kanyang dibdib.

"Kunwari hindi mo narinig." bawi ko.

"Anong iniisip mo?" pukaw niya.

Umiling ako, "Wala naman, kung anong bagay lang."

Bumuntong hininga siya, "Huwag na natin subukan. Nakita mo na ang nakasulat, hindi ba? Kung gusto mong maging bampira, walang ibang makakagawa no'n kundi si Luan lang."

"Pero bampira ka rin." pagpipilit ko.

"Walang talab iyon, Solene. Kagatin man kita ng ilang daang beses o painumin ng aking dugo."

Pumikit ako ng marahan at hinayaang dumaloy ang luha sa aking pisngi. Umangat siya ng bahagya at mabilis akong pinaupo. Inilapag niya ang libro at hinawakan ang balikat ko.

"Itigil mo na ang pag-iisip ng ganyan." pinunasan niya ang aking luha.

Tumango tango ako, "Paumanhin."

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now