Kabanata 20

309 29 0
                                    

Sabay kaming umuwi pagkalipas ng kalahating oras na pakikipag-usap kay Astro. Marami akong natutunan sa mundo nila dahil ang dami niyang sinabi sa akin. Ang buong akala ko ay bampira lang ang nabubuhay sa mundong ito pero mali ako.

May walo pang kaharian. Ang palasyo ng nyebe ang pinakamalakas sa lahat ng kaharian ayon kay Helios, iyon ang palasyo na kinabibilangan ni Astro. Ang panghuling prinsipe ng nyebe na may dugong bampira, siya ang binabalak ng kanyang ina na susunod na ipapalit kay Kinn na kapatid niya.

Mahalaga ang pagkakaroon ng anak na lalaki lalo na kung dinastiya ang pinag-uusapan. Ang panganay na lalaki ang dapat na magmana ng korona. Kung babae naman ang panganay, ang sunod sa kanya ang magiging hari kung lalaki ito.

Sa kaso ni haring Kinn, ayaw ng babaeng nakatakda sa kanya ang maging reyna kaya hindi siya nagpapakita rito at hanggang ngayon ay hinahanap pa. Wala siyang matatag na kapangyarihan kaya si Astro ang napupusuan ng ilan.

"Nahihiya ako kay Kinn. Alam kong alam niya na ayaw ko sa ideya ni ina pero hindi ko maiwasang mahiya kapag kaharap siya. Ayaw ko sa mga ginagawa ng aking ina, ngunit hindi ko siya mapagbawalan dahil siya ang aking ina."

Iyon ang huling sinabi ni Astro bago kami naghiwalay. Namasyal lang kami saglit. Pinakilala nila sa akin ang iba't ibang pamilya na may katungkulan sa palasyo.

Masaya ako na kasama sila, kinakabahan lang kapag nararamdaman ko ang tingin ni Helios sa akin.

Akala ko ay uuwi na kami pero nalibot pa namin ang likod ng bayan kung saan nagsasanay ng pakikipaglaban ang ibang bantay ng palasyo. Lumapit si Helios sa tagapamahala at may sinabi rito.

Pinanood ko ang malambot na galaw ng mga mandirigma. Naaalala ko si Crisanto at Damian sa ekspresyon ng kanilang mga mukha. Siguro sinasanay din ang mga bantay na maging seryoso. Halos lahat sila ay pare-pareho ng ekspresyon.

"May espasyo sa palasyo at doon nagsasanay si Luan kapag may oras siya. Kung gusto mong matutong lumaban maaari kitang dalhin doon para maturuan ka ni Damian." pananalita ni Stella na tinanguan ko na lang.

Tumango si Catleya na nakikinig din pala, "Maaari rin kitang turuan. Huwag si Damian dahil baka mapatay lang siya ni Helios."

Binalingan kami ni Kieran kaya hindi ako nagsalita. Bumalik ang tingin niya sa mga nagsasanay kalaunan.

Bumalik si Helios at may sinabi naman siya kay Stella. Naupo ako sa gilid at hinilot ang paa ko. Masakit na siya dahil kanina pa kami naglalakad. Hindi ko naalala na mga bampira pala sila.

Kahit siguro takbuhin nila ng dalawampong beses ang lugar hindi sila mapapagod. Hindi rin sila nagkakaroon ng pawis kaya baka ako lang ang amoy araw sa amin dito. Nakakahiya naman. Inamoy ko ang sarili ko ng mabuti pero wala naman akong maamoy. Oo nga pala, malalakas ang pang-amoy nila.

Tumayo ako at bahagyang lumayo sa kanila. Nagkunwari akong interesado sa mga binibenta sa gilid-gilid. Mga bampirang nagtitinda? Ano naman kaya ang ipinapalit ng mga tinitinda niya? Dugo o pera?

Tiningnan ko sila at agad nakita ang pagbaling ni Helios sa akin habang kausap pa rin si Stella at Kieran. Tumikhim ako at yumuko para ituloy ang pagkukunwari.

Napangiwi lang ako nang nakaramdam na naman ng pananakit sa aking paa. Tinanggal ko ang kulay puting sandal na suot para matingnan kung may paltos ba ang paa ko.

Napatili ako nang sa isang iglap ay bigla akong umangat. Hawak ni Helios ang balikat ko at ang isa niyang kamay ay nasa ilalim ng tuhod ko. Binuhat niya ako nang walang sabi-sabi.

Lumipad ang tingin ko sa tatlong nasa likod. Malaki ang ngisi ni Kieran habang tumitikhim naman at ngumingiti si Stella. Umiiling naman si Catleya.

"Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako." pabulong kong utos kay Helios.

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now