Kabanata 43

232 20 0
                                    

Sinabi ko ang lahat kay Auntie. Lahat ng pinagdaanan ko sa palasyo at ang ibang iniisip ko kapag naaalala ko siya. Nanatili naman tahimik si Helios sa aking tabi. Paminsan-minsan ay ngumingiti siya at tumatango na parang sang-ayon sa sinasabi ko.

"Tsaka, Mama, sabi niya gagawin niya akong bampira para wala raw sagabal kapag-"

"Para hindi ako nag-aalala." putol niya.

Suminghap ako at hinarap siya, "Sinabi mo kaya sa akin na kapag naging bampira ako wala ng hadlang kapag nag-isa tayo-

Pinisil niya ang kamay ko at pinutol ulit ang sinasabi ko, "Huwag mo akong isumbong. Baka multuhin niya ako."

Malakas akong natawa kaya napangiti siya, "Ikaw na bampira takot sa multo?"

Umiling iling ako habang natatawa pa rin. Alam ko naman na nagbibiro lang siya. Mas nakakatakot pa nga siya kaysa sa multo.

Bago pa mag-isang oras ay bumalik na kaming dalawa sa bahay nila Stella. Nakarating na si Claudia at naayos na rin ang lamay. Umawang ang labi ko habang tinitingnan ang kabaong na iyon.

Para akong hindi makahinga kapag nakakakita ng ganoong bagay. Nag-iiba ang pakiramdam ko. Kumapit ako sa balikat ni Helios at naglakad kami palapit sa kanyang mga kapatid. Wala naman masyadong nandito.

Si Stella at Luan ay nasa harap at nakaupo, ganoon din ang mga anak niya. Kaming natira ay tumayo sa likod. Nakita ko si Claudia na tulala sa kawalan, sa kanyang tabi ay si Astro at ang kausap nito kanina na sa tingin ko ay kapatid niya.

Nagtagal kami roon ng ilang oras. Huminga ako ng malalim at humiwalay muna kay Helios para makasandal sa pinakamalapit na puno. Kanina pa ako nakatayo at namamanhid na ang mga paa ko.

Nag-usap si Helios at ang hari. Yumuko ako at sinubukan pumikit. Hindi ko talaga kaya ang ganito kabigat na enerhiya. Dumilat ako at nakita si Helios na tumitingin sa paligid. Nasa likod niya ako at nakasandal lang sa puno.

"Si Solene?" baling niya sa kanyang mga kapatid.

Napanguso ako. Hindi niya ba ako nakikita?

Nagkibit balikat si Kieran at iginala ang tingin hanggang sa makita ako. Ininguso niya ako kay Helios kaya bumaling ito sa akin. Huminga siya ng malalim at naglakad para lapitan ako.

"Pagod ka na ba?"

Ngumiwi ako, "Hindi pa naman. Nangangalay lang ako."

Tumango siya at tiningnan si Claudia. Wala sila masyadong upuan dito sa labas kaya walang bakante. Lumapit si Helios kay Claudia at may binulong dito. Iritado siyang binalingan ni Astro.

Tumango si Claudia at pumasok sa loob. Maya-maya ay lumabas siya na may dalang isang upuang rattan. Kinuha iyon ni Helios sa kanya. Kinagat ko ang labi ko at naglakad para malapitan sila.

"Salamat, Claudia." nginitian ko siya at kinuha kay Helios ang upuan pero pinigilan niya ako.

"Ako na ang magdadala."

Bumalik kami sa likod. Yumuko ako nang napansin may ibang nakatingin sa amin. Inilagay niya ang upuan sa tabi ni Kieran. Tiningnan iyon ni Kieran at napatingin siya sa akin. Naupo ako sa upuan at tumayo naman si Helios sa tabi ko.

Hindi na namin pinuntahan ang bahay dahil hindi pwedeng magtagal kami sa labas dahil nakakahiya naman sa kanilang nandito. Nagpatuloy ang oras. Nakatayo lang halos sila sa likod at nakaupo naman ako.

Nalipat ang tingin ko kay Claudia nang naglakad siya palapit sa amin, "Sabi ni ate ay dito na lang daw muna sila ni Luan. Gusto niyo bang manatili muna rito? Sasabihin ko kay ama para mabigyan niya kayo ng silid."

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now