Kabanata 47

255 16 0
                                    

Tulad ng dati, tahimik sa kakahuyan. May iilang ligaw na hayop ang nakikita sa gubat at lahat ay mababangis. Madali silang napapaamo ni Kieran at ni Damian na sumama rin pagkakita sa amin.

Hawak ni Helios ang aking kamay nang pumasok kami sa kubo. Naiwan naman ang dalawa para magbantay. Inikot ko ang tingin sa kubo at nakitang walang pinagbago.

Naroon pa rin ang mangkok sa tabi, ang hapag na malapit nang mawasak, ang mga sandata na kinakalawang na at ang maalikabok na salamin. Ang salamin ang nilapitan ko. Binitawan ni Helios ang aking kamay at naupo siya para buksan ang kahon kung saan nakatago ang libro.

Hinaplos ko ang basag basag na salamin. Siguro nakatayo na ang kubong ito isang libong taon na ang nakararaan. Nakakapangilabot. Tumitindig ang balahibo ko habang iniisip kung sino ang gumamit sa kubo at sa mga lumang nandito.

Nakita ni Helios ang mangkok. Inilagay niya ang daliri niya roon pagkatapos ay inamoy. Napatingin siya sa akin.

"Galing ang tubig sa bukal." aniya.

Napatingin ako sa mangkok, "May tubig sa mangkok?"

Tumango siya, "Malamang ilang taon na mula noong nagamit ang tubig subalit naiwan pa rin ang mabangong amoy."

"May bukal sa kakahuyang ito?"

Tumingin siya sa paligid at humugot ng malalim na hininga, "May kweba hindi kalayuan mula rito. Doon makikita ang bukal, subalit hindi madali ang pagpasok doon. Binabantayan ang kweba ng mga diwata at maaari nilang kunin ang kaluluwa ng papasok."

Tumango tango ako at ibinalik ang tingin sa salamin. Bumalik naman si Helios sa kahon at pinulot na ang libro. Inilapag niya iyon kaya nilapitan ko siya para makita.

Nagkatinginan kaming dalawa. Huminga ako ng malalim at inilagay ang aking papel sa blankong papel. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago ko naramdaman ang init. Nagpakita ulit ang numero pero hindi na iyon tulad ng dating numero na nagpakita noong kasama ko si Kieran.

"Bakit paiba iba ang pahina?" binalingan ko si Helios na hinahanap na ngayon ang tamang pahina.

"Hindi ko alam kung bakit gano'n. Basta na lang naiiba."

Tumigil siya at huminga ng malalim bago inilipat ang papel. Bumagsak ang tingin ko sa dalawang pahina kung saan nakasulat ang pangalan namin ni Luan. Walang pinagbago, ganoon pa rin.

Hinaplos ko ang bawat letra. Itim na itim ang tinta na para bang nakasulat na iyon sa matagal na panahon. Tumuwid ng tayo si Helios at hinayaan ako sa ginagawa.

"Ikaw naman." malamig kong ani at binitawan na ang libro.

Palad niya ang sunod na inilagay sa blankong papel. May nagpakitang mga numero na magtuturo ng tamang pahina kung saan ang pangalan niya... pangalan nila.

"Nag-iba rin ba ang sa'yo?" marahan ko siyang tinanong.

Tumango siya at hinanap na ang binigay na numero. Inilibot ko ang buong tingin sa mga gamit at tumigil iyon sa salamin. Kita ko ang hindi malinaw naming repleksyon. Ang basag na parte ng salamin ay parang galing sa talim ng espada. Parang may naglaban sa lugar na ito.

Mayroon nga ba? Pero para ring may tumusok ng salamin. Tinusok gamit ang espada?

Lumipat ang tingin ko sa nakasulat na pangalang Helios at Stella. Ngumiti ako. Nanlalamig ako at pakiramdam ko biglang umikot ang paligid. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang kanila.

"Paano kaya nangyari ito?" hinaplos ko ang letra.

Bumuntong hininga si Helios at kinuha niya ang libro. Tumayo siya sa harap ng salamin habang hawak-hawak pa rin ang libro. Tumingin siya sa akin sa repleksyon. Umawang ang labi ko nang bigla niyang itinapat ang libro sa salamin.

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now