Kabanata 35

248 16 0
                                    

Inangat ko ang aking kamay para matitigan ang singsing na naroon. Suot pa rin ni Helios ang kanya at iyon lang ang mahalaga sa akin subalit minungkahi ng kanyang ina na dapat ay magpakasal kaming dalawa ni Helios.

"Ikaw ang ikalawa kong anak. Dapat lang na maganda ang iyong kasal. Kailangan malaman ng walong palasyo, kailangan din makadalo sila. Ipapakita natin sa kanila na malakas ang ating pamilya."

Ngumuso ako nang naalala ang sinabi ng kanyang ina. Gagamitin pa yata ang kasal para malamangan ang kung sinong ka-kompetensya.

Umahon ako sa tubig at nagbihis na. Naiwan siya para magplano kasama ang hari. Hindi siya pwedeng humawak ng kung akong posisyon sa pamahalaan dahil isa siya sa kapatid ng hari kaya tinutulungan niya na lamang ito.

Ayon kay Kieran at Astro, si Helios ang pinakamatalinong bampira sa mundong ito. Paanong ang matalinong gaya niya ay pinakawalan si Stella?

Tinitigan ko ang aking katawan sa salamin. Pansin ko ang paglaki ng aking dibdib. Tumagilid ako at tiningnan ang pang-upo. Pwede na. Walang wala pa rin ang katawan ko sa katawan ng mga babae rito. Kaya hindi ko maintindihan kung paanong ang isang prinsipeng kagaya niya ay makakaramdam ng ganoon sa akin.

Pinag-initan ako ng pisngi sa naisip na kamunduhan. Hindi ko mapigilang maisip ang itsura niya sa tuwing ginagawa niya ‘yon. Ipinilig ko ang ulo ko at lumabas ng palasyo.

Humalukipkip ako nang natanaw si Ismael at Damian na mukhang paalis ng palasyo. Tumigil sila sa bulungan at napatingin sa akin. Nilapitan ko silang dalawa.

"Saan kayo pupunta, mga prinsipe?" panimula ko.

"Nahanap na namin si Kieran. Kailangan siyang ibalik sa palasyo ngayon din." seryosong tugon ni Ismael.

"Nahanap na siya? Nasaan siya? Saan nagtatago ang prinsipe?" sunod-sunod kong tanong.

"Sa kakahuyan ng Nervana, naroon siya. Hindi pwedeng malaman ng mga kyran ito kaya lihim ang pag-alis namin."

"Sasama ako." ani ko.

Natigilan si Ismael at mariing umiling, "Hindi ka namin pwedeng isama. Mapanganib sa kakahuyan na ‘yon."

"Pero gusto kong makatulong sa prinsipe. Wala naman sigurong masamang mangyayari."

Umiling si Damian, "Alam mo ba kung saan ang Nervana? Nasa pagitan iyon ng hangganan ng kaharian at hangganan ng palasyo ng apoy. Mapapahamak ka. Hindi lamang kyran ang maaaring sumugod kapag nagkataon."

"Pero sigurado akong kaya niyo naman silang labanan. Hindi ako magiging pabigat, gusto ko lang sumama. Sige na, pakiusap."

Umirap si Ismael at tumango. Halos magdiwang ako sa ginawa niyang pagpayag. Umiling iling si Damian habang isinusuksok sa gilid niya ang isang mahabang espada. Napalunok ako at tinitigan iyon. Mukhang mabigat.

"Nakapag-paalam na ako kay ina. Tayo na." boses iyon ni prinsipe Lucas at nang balingan ay nakita ko siyang lumalapit sa amin.

Kasunod niya ay si Hugo at Achilles. Parehong may dalawang espada at palaso ang mga prinsipe.

"Kamahalan, mapanganib sa inyo ang lumabas ng palasyo." sinabi ko kay Lucas.

Tumingin siya sa akin, "Hindi ako pwedeng tumayo lang at walang gawin."

"Pero..."

"Anong ginagawa mo rito, binibini? Nasa pagpupulong pa si prinsipe Helios." saad ni Achilles.

Umiling ako, "Sasama ako sa inyo."

Nanlaki ang mata nito. Kumunot naman ang noo ni Hugo at Lucas. Bumuntong hininga si Damian at Ismael.

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now