Kabanata 9

277 24 0
                                    

Lumipas ang mga araw at nagiging pamilyar na ako sa lugar. Dumating ang kapatid ni Helios na si Blad kaya nagkaroon ulit ng selebrasyon. Pinakilala rin ako sa prinsipe at hindi ko aakalain na pareho sila ni Helios na tahimik.

Ang palaging tinig na nangunguna sa lahat ay ang tinig ni Kieran. Kapag may tumawag sa akin sa gitna ng pagdiriwang, alam kong siya na iyon. Hindi siya nauubusan ng usapan sa mga kapatid niya kaya palagi silang nagk-kwentuhan.

Kung bakit kasi wala akong kapatid. Wala rin anak si Auntie Selda kaya lumaki akong mag-isa. Mabuti na lang din at mayroong Yennie.

Pinapansin ako ni Helios. Kinakausap at nginingitian. Pero iba pa rin ang ngiti niya kapag kasama si Stella. Hindi ko maunawaan. Kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama at mukhang masaya, napapawi ang ngiti ko.

Pero alam kong wala akong karapatang magreklamo dahil malinaw naman sa akin na gusto niya si Stella at kaibigan niya ang ako, baka nga hindi kaibigan ang turing niya sa akin kundi isang kakilala lang.

Maayos na iyon sa akin, dapat nga magpasalamat pa ako sa pagmamalasakit niya.

Kagaya ngayon, ngumuso ako habang pinapanood silang nag-uusap na dalawa. Nakalagay sa likod ni Helios ang dalawa niyang kamay samantalang si Stella ay marahang tumatawa.

Humakbang si Helios palapit kay Stella at tinanggal ang mumunting nyebe na dumapo sa buhok nito.

Palagi niya na lang kausap si Stella. Wala akong karapatan alam ko, pero minsan hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng hindi magandang damdamin.

Umatras ako at nagpasya na lang na hindi magpakita sa kanila. Masisira ko pa ang masaya nilang usapan. Huminga ako ng malalim at pumasok na lang sa silid. Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame.

Wala man lang silang mga butiki. Umayos ako ng higa at ipinikit ang mga mata. May kumatok sa pinto pero hindi na ako nag-abala pa. Nanatili akong nakapikit, tumigil din naman kalaunan ang pagkatok kaya nahila na ako ng antok.

Paggising ay gabi na. Naligo ako at nag-ayos. Ginising ako ng dalawang babae at sabi'y may pagdiriwang na naman. Para naman sa kaarawan ng itinakdang prinsipe. Si Lucas, kung hindi ako nagkakamali.

Masaya ako dahil nabalitaan kong dadalo si Claudia. Ang maamo nitong mukha ay nakakagaan ng loob. Malamig siya pero mas madali naman siyang pakisamahan kaysa kay Helios na naaalala lang ako kapag nagpapakita ako sa kanya.

Paglabas ng silid ay halos masubsob ako sa dibdid ni Kieran dahil sa ginawa niyang paghila. Abot tainga ang ngiti niya habang naglalakad at hinihila ako.

"Aray naman! Iyang kamay ko." reklamo ko sa kanya.

"Pagdiriwang na naman. Wala akong babae, ikaw muna." aniya tsaka ako inakbayan.

"Ang kapal ng mukha mo."

Tumigil siya at natatawa akong binalingan, "May lakas ka ng loob para sabihin sa akin 'yan? Alam mo ba kung sino ako? Isang salita ko lang, pwede kang mamatay ngayon mismo."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hinila niya pa ako palapit sa kanya habang tinutugon ang bati ng iba naming nakakasalubong. Pagbukas ng bulwagan ay kinalas niya ang kamay niya at masuyong hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti ako ng pilit sa mga bisitang nakakakita sa amin. Umiinom lang naman sila ng dugo at walang pakialam na nakatingin lang. Naglakad kami papunta sa harap dahil naroon na ang hari. May ibang namamangha pero dahil iyon sa prinsipeng kasama ko.

"Si Helios?" bungad ng hari.

"Pinuntahan yata si Stella sa kanyang silid." tugon ni Damian.

Bumitaw ako kay Kieran. Stella na naman. Bumukas ang pinto kaya napatingin kami roon. Si Stella ang pumasok kasama ang tatlo niyang anak. Naiwan ang tingin ko sa likod niya pero walang Helios na sumusunod.

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now