Kabanata 17

275 24 0
                                    

Kinagat ko ang labi ko at pumikit ng mariin. Ganito ba talaga kasarap sa feeling kapag inaalala mo ang lalaking gusto mo? Kahit bigla lang magpakita ang mukha niya sa isip ko, parang gusto kong tumalon sa tuwa.

Gusto ko siyang palaging nakikita. Mababaliw na ako. Iniisip kong pigilan ito pero paano? Paano ko mapipigilan? Nahihirapan ako kapag hindi siya nakikita, pakiramdam ko may kulang sa akin.

"Puntahan ko kaya siya?"

Mabilis akong naglakad palabas ng silid at tinakbo ang distansya tungo sa silid ni Helios. Sigurado akong nasa silid niya siya ngayon dahil nasa pagpupulong ang hari kasama ang mga opisyal ng palasyo.

"Mag-iingat kayo, binibini." paalala sa akin ni Lydia pagkakitang muntik na akong madulas.

"Salamat, ate."

Pagdating sa tapat ng silid ni Helios ay binuksan ko ang pinto ng marahan. Sumilip ako at natagpuang wala siya sa silid, sa halip ay si Damian ang naroon at umiinom ito ng dugo.

Dumapo ang tingin niya sa akin at natigilan siya, "Solene? Hinahanap mo si Helios?"

Tumango ako at inikot ang tingin sa silid, "Nasaan siya? Wala ba siya rito, prinsipe?"

"Nasa silid-aklatan iyon kasama si Hugo." sagot niya.

Yumuko ako ng bahagya, "Sige, maiwan na kita."

"Sandali,"

Aalis na sana ako pero muli lang siyang binalingan dahil sa tawag niya, "Bakit?"

Tumayo siya habang hawak ang isang baso, "Anong nararamdaman mo kay Helios?"

"Huh?"

"Nakita ko kayong dalawa. Alam ko ang tingin niyang iyon. Kaya sagutin mo ako. Anong nararamdaman mo kay Helios?" punong puno ng pagdududa ang mga tingin niya.

Tumikhim ako, "Hindi ko sasagutin ang tanong mo."

"At bakit?" nagtaas siya ng kilay.

Walang imik kong binuksan ang pinto at lumabas. Tinakbo ko ang itaas na bahagi ng palasyo dahil naroon ang silid aklatan. Nakakakaba naman ang prinsipeng iyon. Grabe. Dual personality? Minsan masiyahin siya, minsan naman seryoso at mukhang nagdududa.

Naipon ang lamig sa aking ilong pagdaan pa lang sa pasilyo. Napakalamig sa lugar na ito. Paano ba nila ito natatagalan? Ako? Paano ko kaya ito matatagalan?

Pagpasok sa silid-aklatan ay balot sa makapal na usok. Nakita ko kaagad si Achilles na abalang nagbabasa ng aklat. Si Hugo na kanyang kakambal ay nakatayo sa gilid at namimili ng babasahin.

Bakit kaya gustong-gusto nila ang pagbabasa? Maganda nga magbasa dahil nakakalawak ito ng kaalaman ngunit iba ako. Kinayayamutan ko ang pagbabasa.

Naglakad ako sa silid kaya napatingin sa akin si Achilles at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik sa prinsipe bago hinanap si Helios. Nalingunan din ako ni Hugo at ipinakita niya ang pamagat ng aklat na kinuha niya.

Nilapitan ko siya at binasa iyon, "Hindi mo ba matapos tapos 'yan kaya paulit-ulit mong binabasa, prinsipe?"

Ngumisi siya at umiling, "Gusto ko kasi ang aklat na ito."

Ngumuso ako at nilapitan ang kanyang kapatid, "Magandang umaga sa'yo, Achilles."

"Mas maganda ka pa sa umaga, binibini." ngumisi siya.

Umawang ang labi ko. Apat na taon pa lang ang batang ito pero para na siyang isang binata. Mas matangkad na nga sa akin, eh. Ito ang unang beses na nainggit ako sa mga bampira. Sana mabilis din lumaki ang mga tao kagaya nila.

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now