Kabanata 38

210 18 1
                                    

Tahimik akong nagbabasa sa silid aklatan nang pumasok si Achilles at Hugo. Natigilan sila at nang nakitang magkatabi kami ni Helios ay bahagya silang lumayo sa gawi namin. Nalibang ako sa binabasa ko kaya hindi ko nagawang batiin ang dalawang prinsipe.

Pumipili sila ng babasahing libro. Mamaya papasok na si Stella rito para bantayan ang dalawa.

Napatango ako. Ang binabasa ko ay may pagkakapareho rin ng binasa ni Helios dati sa bahay. Mortal na kalaban ng mga bampira ay ang lason. Nabasa ko rin sa libro ang iba't ibang uri ng lason na matatagpuan sa mundong ito.

Napatingin ako kay Hugo, "Ano 'yon?"

"Tinatanong kita kanina pa, binibini. Ayos lang ba na maupo kami sa lamesa niyo?"

Napapatingin ako kay Helios na halos ayaw balingan ang mga pamangkin, "Sige, ayos lang, prinsipe."

Tumango si Hugo at naupo sa harapan namin ni Helios. Nang nakapili si Achilles ay naupo rin siya sa tabi ni Hugo.

Makapangyarihan ang pagtatagpo ng tingin sa mga bampira. Noong mga sandaling sinira ni Helios ang koneksyon niya kay Stella, nagtagpo ito at si Luan. Silang dalawa ay naunang nagkita kaya sila ang naging magkapareha. Si Luan at Stella ay gumawa ng sarili nilang kapalaran. Naiintindihan ko na ang lahat.

Kung nakaya nilang dalawa na gumawa ng sarili nilang tadhana, alam kong kaya rin namin ni Helios iyon. Iiwasan ko si Luan sa abot ng aking makakaya. Natatakot akong iwan si Helios kapag nagkita kami ni Luan at nahulog ang loob ko rito.

Pero paano maipapaliwanag ang nangyari dati? Nagtagpo ang tingin namin dalawa. Bakit walang nangyari? Alam iyon ni Luan. Sinabi niya kaya kay Stella? Pero kung sinabi niya 'yon kay Stella dapat may sinabi na si Stella ngayon sa akin.

"Helios," binalingan ko siya na abala pa rin sa pagbabasa.

"Hmm?" sagot niya nang hindi ako binabalingan.

"Anong binabasa mo?" lumapit ako sa kanya para tingnan ang pamagat.

"Mga ulat tungkol sa kyran nitong nagdaang taon." aniya.

Tumango tango ako. Hindi ito ang unang beses na ganyan ang binabasa niya. Mula noong pagpupulong, palagi na lang siyang nagbabasa. Kahit kapag malapit na matulog ay nagbabasa pa rin siya.

Isang linggo na mula noong nangyari. Hinahayaan ko siya dahil alam kong para ito sa kanyang pamilya.

"Nabasa ko rito na huli silang nakita sa bayan ng porsea. Doon din sila nagtago ng apat na taon bago muling lumabas para maghanap ng bagong miyembro. Namatay si Leo at kalaunan ay sumunod ang kanyang asawa. Ang kanilang anak na lang ang naiwan."

Napatango tango ako. Ang galing din naman ng batang iyon. Nagawa niyang pabangunin ang mga kyran na paubos na at napalakas ito. Kung hindi lang siya masama, magaling siya maging hari. Natigilan ako sa naisip. Maaaring iyon ang dahilan.

Hindi kaya gusto nilang salakayin ang palasyo para mapaalis ang kasalukuyang hari at siya ang papalit?

Kapag nangyari iyon anong mangyayari? Tiyak akong sunod nilang sasalakayin ay ang bayan. Gagawin nilang kyran ang lahat ng bampira at tatawid sila sa mundo ng mga tao. Napasinghap ako. Hindi 'yon maaaring mangyari.

"Ayos ka lang ba?" pukaw ni Helios kaya nabalik ako sa huwisyo.

Tumango ako, "Ayos lang."

"Nababagot ka na ba?" sinara niya ang librong binabasa at sinulyapan ang binabasa ko, "Gusto mo na bang magpahinga?"

Umiling ako, "Magpatuloy ka. Hihintayin kitang matapos sa pagbabasa."

"Anong binabasa mo?" hinawakan niya ang libro ko.

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now