Kabanata 24

242 24 0
                                    


Patay na si Auntie Selda.

Wala akong naabutan sa bahay bukod sa magulong mga gamit namin at ang alaga ni Auntie na aso. Hinanap ko siya pagdating ko pero sinabi ni Yennie na naaksidente si Auntie.

"Saan ka ba kasi galing? Nag-aalala kami sa'yo, Solene!" naiiyak na tanong ni Yennie.

Nawala siya ng tatlong araw at natagpuan na lang ang kotse at katawan niya sa tabi ng daan.

Umiling ako at pumikit. Hinayaang dumaloy ang luha sa aking pisngi. Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Gusto kong manakit. Namamanhid ako at parang hindi makahinga. Gusto kong matulog, at magising na panaginip lang ang lahat ng 'to.

"Kumain ka muna, hija. Gusto mo ba ng tubig?" tanong ni Uncle Rolly, ang papa ni Yennie.

Umiling ako at nanghihinang umupo sa gilid. Niyakap ako ni Yennie at pinatahan. Yumuko ako at pumikit.

Hinaplos ni Auntie Neli ang balikat ko, "Matulog ka muna, Solene. Gisingin ka na lang namin kapag kakain na. Gutom ka ba, hija? Ipaghahanda kita ng makakain."

"Hindi na, po." umiling ako, "Saan ang puntod ni Auntie Selda?"

"Sa dulo. Mabuti na lang din at naipalibing siya ng maayos." sagot ni Yennie, "Matulog ka muna."

Tumayo ako at huminga ng malalim, "Babalik ako sa bahay. Aayusin ko ang mga gamit niya tsaka ko siya dadalawin."

"Sasamahan kita." agap ni Yennie.

Tipid akong ngumiti, "Huwag na. Kaya ko."

Hinatid ako ni Uncle sa bahay. Tinanong niya pa ako na hindi ko na maintindihan dahil abala ako sa paggala ng tingin sa bawat detalye. Nagpaalam siya sa akin at sinabing babalik mamaya para ihatid ako sa pupuntahan.

Ngayon naiwan ako, iginala ko ang tingin ko sa buong bahay. Ngayon ko lang napagtanto na masyado itong malaki para sa amin ni Auntie Selda dati, mas malaki pa ngayong mag-isa na lang ako rito.

Hinaplos ko ang dingding, ang mga painting, ang maliit na table, ang piano na hindi nagagamit, ang hagdan. Napangiti ako ng mapait. Naaalala ko si Auntie sa lahat ng gamit sa bahay.

Nagsimula akong mag-ayos. Hindi naman masyadong madumi ang bahay pero magulo ang mga gamit. Nabasag ang ilang painting at may basag din na flower vase, at ang ilang antique ni Auntie Selda ay nawawala.

Walang imik akong naglinis. Pinulot ko ang mga basag at nagwalis. Nagawa kong maglinis ng bahay kahit na nanghihina ang katawan ko. Nakikisama ang utak ko kaya kaya ko pa naman.

Pagkatapos kong maglinis sa baba ay umakyat ako sa taas at nagtungo sa kwarto ni Auntie. Hindi makalat dahil malinis siyang tao. Huminga ako ng malalim at nagsimulang kunin ang kaunting papel na nagkalat sa cabinet niya.

Natigilan ako nang nakakita ng puting papel na nakatupi. Kinuha ko iyon at binuksan.

Anak, patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sa'yo. Hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa iyong mama dahil puro ako trabaho. Ayos ka lang ba, Solene? Naghihirap ka ba? Huwag kang sumuko, hija.

Mahirap mabuhay pero mas mahirap kapag nawala ka. Mabuhay ka para sa iyong magulang. Hindi ko ito sinasabi sa'yo noon pero masaya ako na kasama ka, Solene. Ikaw ang nagpapasaya sa akin kahit sobrang tigas ng iyong ulo.

Huwag kang sumuko at patuloy na mabuhay para may mukha akong ihaharap sa'yong ina kapag nagkita kaming dalawa.

Solene, anak, may pera akong tinago para sa'yo. Kunin mo at umalis ka sa bahay. Pinag-ipunan ko ang kalahati riyan, ang kalahati naman ay inutang ko sa mga taong hindi ko alam na masasama pala.

Tears Of The Sun (Mortal Series #3)Where stories live. Discover now