i.

36 7 0
                                    









ㅤㅤ
Kasalanan ko ba na ang kasuotan ko ay ang nakakapagpalakas ng salig ko sa aking sarili? Buhat nang ako'y mamulat sa katotohanan at makita ang mata ng lipunan, aking lakas ng loob upang ipakita sa mundo na ito ang pagkatao ko. Biniyayaan ng kagandahan subalit hindi ng kalayaan. Kahihiyan ang isinukbit sa aking balikat na mabigat ang pasanin ni hindi mapatunayan o maipakita. Sariling kakayahan at kahiwagaan dahil sa mga matang hindi mawari kung saan titingin o papunta.

Sa tuwing aking sasabihin, diskriminasyong ibinato sa amin ay hindi riringgin na para bang ako'y bumubulong sa hangin. Ngunit kung aking kasuota'y iibahin, parehong trato pa rin ang ipinapakita sa akin ; Isang laruan na pwedeng ipitin upang mapasakamay lamang ang isang hangarin.

O, aking lipunang kay gandang pagmasdan, bakit ganito ang iyong kinasadlakan? Mga maruruming utak ang nanahan. Bagyo sa dilim, hindi magawan ng paraan
Mababang tinig hindi marinig, mga nakakataas, tulog sa kamalayan.

Ako'y isang binibini na narito sa inyong harapan, sasabihin lamang ang bagay na dapat pahalagahan. Ang kababaiha'y may karapatan sa bayan at hindi lamang sila laruang tinititigan, hinahawak-hawakan o tinatapakan. Isa silang mamayan na nais ng kapayapaan at hindi ng matang nakasilip sa durungawan.

Kasuotan
— Pinken.

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon