untitled.

9 3 0
                                        









ㅤㅤ
Hindi pa nakikita ng aking puso, ang bukang liwayway. Dagok at suliranin lamang ang bumubuhay. Mapait na karanasan, takot maiwanan. Pudpod na ang aking isipan sa kakaisip kung san ako'y nagkulang. Bakit ba hindi ko kayang magpahinga? O kay lalim na ng gabi pero bakit nagpapatuloy pa rin kahit ang daana'y gawa na sa bubog? Ano ba ang kasalanan ko at bakit pinaparusahan ako ng aking isipan? Nais ko lang naman ay kaligayahan.

Hindi ko makita ang aking sarili sa liwanag
Ipinagkait na ba sa akin maging ang mga tala?

Ninais ko nga bang maging miserable? Hindi. Ang tanging mithiin ko lamang ay maabot ang alapaap gamit ang hagdang binubuo ko. Ngunit ako mismo ang sumira noon. Tama kayo, pinapahirapan ko lamang ang sarili ko. Hindi na dapat ako nag-aabalang isipin ang mga bagay na ito subalit hindi maalis sa isipan ko ang nakaraang aking nabuo. Kung palakaibigan lang sana ako, maaring hindi maging pagkakami ang buhay na nais ko.

Untitled - Pinken

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon