iv.

15 6 0
                                    









ㅤㅤ
Walang imik, hindi nais makipag-titigan, may sariling mundo at hindi kapareho ng ibang tao ang ugali't-kilos nito. Matatawag ba'ng baliw ito? Paaano mo masasabing sila'y baliw kung ang nais lang naman nila ay mabuhay ng normal at payapa. Nais lang nilang magmahal ng kapwa sapagkat tao rin sila. Ngunit bakit parang ikinait ng mundo sa kanila ang kaligayahang nais nila?

Kung iyong titignan, ang isang normal na tao ay ang tunay na baliw sapagkat sila'y ganid,makasarilii at nangungutya sa taong hindi man lang nila nakasalamuha o nakikilala. Kapag ika'y kakaiba, itataboy ka. Kapag wala kang napatunayan, aalisin ka sa buhay nila. Kapag wala kang naibibigay, itatapon ka ng parang basura. Ganito na ba talaga ang mundong kinalakihan ko? Bakit?

Bakit ko nga ba ito nasasabi? Sapagkat,isa ako sa kanila. Isa ako sa naiiba. Isa ako sa mga taong nahuhusgahan dahil sa aking kalagayan. Isa akong dayuhan sa sariling lupa na aking kinalakihan. Walang nakakaalam ng aking nais gawin. Walang may gustong umalam sa kung ano ang aking kalagayan bagkus, ako'y huhusgahan. Ngunit alam rin ba nila na isa akong tao? Na ako'y nakakadama ng inggit sa iba. Ako'y may nais gawin ngunit hindi ko makuha.

Ako'y naawa sa aking sarili at sa aking pamilya. Itinuturing kami na parang basura kahit ako lang naman ang naiiba. Ano'ng klaseng bayan ito? Isa ba sa mga batas ng tao ang pang-huhusga? Pang-aapi at pang-aabuso? Kung hindi'y bakit n'yo ako kinukutya? Nakakasawa.

Bakit gano'n kadaling husgahan ang isang tao base sa kakayahan nito?
Bakit gano'n kadaling ibigkas ang mga katagang masakit sa damdamin ng isang inosenteng tao?
Bakit gano'n ang turing sa akin ng lahat?
Bakit ako nagkaganito?

Bakit ako kakaiba?
Bakit hindi ako mahalaga?
Bakit ako tinawag na espesyal?
Bakit hindi ako makapagsalita?
Bakit hindi ko masabi ang aking nadarama?

Bakit ba ako'y nabuhay sa ganito?

Isang Ngunit, Milyong Bakit - Pinken

( I have a brother with ASD, so if ever find one, please don't say that they are suffering, they are not. They are still worth it and capable of everything. Be kind🦋 )

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon